Chapter 5

62.5K 2.1K 519
                                    

Chapter 5

Ellie

Mula nang pinunasan n'ya ang luha ko ay hindi ko na nagawa pang kumilos ng maayos. Pinagpatuloy n'ya ang pagsusulat na parang walang nangyaring pagdampi ng balat n'ya sa akin. But since when did I ever care about touching? Heck!

I swallowed multiple times. I hope he didn't notice it. Kahit kababawan ay nagawa kong mawaglit sandali ang nangyaring kahihiyan. Even if I wanted to drown myself right on my chair, I composed myself and remained quite.

My cheeks burned. Halos ang langitngit na nagmumula sa ceiling fan lamang ang naririnig sa apat na sulok ng silid.

"Tapos na."

Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso dahil sinasalabungan n'ya ako ng titig. Napalunok akong muli at niligpit na ang gamit ko. Nilagay ko ang aking bag sa kandungan ko't humanda nang umalis, he didn't talk and watched me fixing my things thoroughly.

Bakit ba sa lahat ng makakasama ko'y siya pa?

"S-Salamat.." Naisatinig ko lamang.

Bumuntong hininga siya.

Sinundan n'ya ako hanggang sa makalabas ng gate. Gusto kong ipagpaliban na lang ang tutorial na pinag-usapan namin at umuwi na lamang. Ang bigat pa rin ng naiwan sa'king kahihiyan. Ramdam ko pa rin pati ang ngawit sa mga binti ko. Ngunit hindi ko namang magawang sabihin dahil kasa-kasama ko na siya.

Tumayo kami sa waiting shed at nag-abang ng jeep. May ilang mga estudyanteng napapalingon sa'min, meron pang humahaba ang mga leeg at pilit na kinikilala ang matangkad na lalaking katabi ko. I was known for dating handsome boys in school. Ngunit wala pa yatang nakakakita sa'king may kasamang higher year, kay Ridge Castillano pa.

Tumikhim ako't bahagya siyang nilingong nag-aabang ng masasakyan. Pikit-mata kong aaminin..he's very handsome at his age. His biceps looks so firmed, para bang hindi ko maiisip na mahirap lang siya dahil mas lamang iyong may pera itong pang membership sa gym.

Impit akong napaigtad ng bigla n'ya akong nilingon matapos parahin ang jeep. Tumikhim akong muli at nagkunwaring wala lang iyong paninitig ko sa kagandahang lalaki n'ya. Really Ellie?

Hinawakan n'ya ako sa aking siko ng magaan at pinaunang sumakay sa jeep. Umupo ako sa side na walang laman, umupo rin siya sa tabi ko. Nang umandar na ang jeep ay agad kong kinuha ang coin purse ko sa bag para magbayad ng pamasahe, ililibre ko na siya tutal ay hindi naman siya nagpapabayad na maging tutor ko.

"Bayad po."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya nang makitang nag-abot na siya ng pera sa driver. Napaawang ang labi ko sa gulat, nilingon n'ya ako pati ang wallet na hawak.

Tumaas ang gilid ng kanyang labi.

"Ako na! Palitan ko na lang.."

"Hindi na kailangan. Itabi mo na 'yan."

"Sure ka?"

Nawala ang ngisi n'ya at mariing lumapat ang labi. Dala ng kawalan sa mood at nagpatianod na lamang ako. Nagtatrabaho na siya kaya siguro maluwag sa pera, pero kahit na! Baka nagtatrabaho siya dahil ang malaki ang pamilya n'ya. Siya ang panganay kaya kahit nag-aaral ay kinailangan n'yang isabay ang pamamangkero sa tres.

Nahihiwagaan man ay nagpasalamat na lamang ako. Mas matanda siya sa akin kaya gumalang na lang ako. Or maaaring bumawi na lang ako sa ibang bagay? Like what? A gift? A blowout? I dunno exactly, saka na nga lang!

Ang dapat kong unahin ngayon ay ang assignment kong babalikan ko na naman bukas. Natapos ang kahihiyan ko ngayong araw, may part two naman kinabukasan.

First HeartbreakHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin