Chapter 34

78.2K 2.4K 409
                                    

Chapter 34

Ellie

I feel so awkward. Nasa isang lamesa kami nina Ridge at Iris. Ridge chose to sit beside me. Iris was infront of us. And he reserved seats for Mark and Rica too. Wala akong ibang tinitingnan kundi ang tiyan ni Iris. Ramdam niya ang paninitig ko kaya panay ang ayos niya sa kanyang suot. Pero sa aming dalawa ay siya lamang nako-conscious.

She cleared her throat. Kinuha niya ang baso ng tubig at uminom ng kaunti. Beside her, seating the paper bag of some baby things she bought. Iyong akin ay si Ridge ang nagbitbit, nilagay niya iyon sa likuran niya.

Napapikit na lang ako nang maalala, magkasunod kami sa cashier para bayaran ang mga binili namin. Hinihintay ko na nga na bayaran din ni Ridge iyong kanya, pero hindi. Iyong akin ang binayaran niya. Hindi na ako nagsalita pa.

"Uh, Ellie.." she started.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nilingon din ako ni Ridge at pinatong ang isang braso sa sandalan ng upuan ko. Waiting me for me to speak.

Bumuntong hininga siya. Seryoso akong tiningnan. "Yes, I am pregnant." She confirmed.

Tila sinipa ang dibdib ko pagkatapos. Dagundong sa dibdib ang namayani.

Buntis si Iris. And obviously she was trying to hide that from me, from us. Dahil ba na si Ridge ang ama?

I can't stop my mind fixed my conclusion. Iris is a fined good beautiful woman. Hindi siya iyong tipo ng babae na manunugod at nang-aaway. She's a reserved girl. At maaari ring dahil nasa akin si Ridge ngayon ay hindi niya pinapaako sa kanya.

And that damned hurt me. Agad na bumalong ang luha sa mga mata ko.

I didn't say anything nor give a comment.

"Pero hindi naman si Ridge ang ama nito." sinundan niya iyon ng tawa.

Kumunot ang noo ko at muling napatingin sa kanya. My lips parted abit. Nilingon ko rin si Ridge, nakatingin na rin siya sa akin, nakatigilid na ang mukha.

Binalingan ko si Iris. Now, her face is more radiant. Marahil ay alam niya ang tumatakbo sa isip ko. "P-pero..'di b-ba..kayo?" I stuttered.

Narinig ko ang mabigat na pagbuntong hininga ng katabi ko. Did I piss him off?

Nalukot naman ang mukha ni Iris, "Hindi pa ba niya sinasabi sa 'yo ang totoo? We're not together. Well, hindi naman talaga naging kami, kaibigan ko lang 'yan." Sabi niya at napangiwi pa.

I gasped a little. Now, mas nararamdaman ko ang mainit na titig sa akin ni Ridge. Nasabi niya na iyon sa akin. At aaminin ko, hindi ko rin naman agad na pinaniwalaan. "Akala ko kasi.." I feel shy now.

He sighed, "Hindi ka naniwala sa akin."

I bit my lip. I am embarassed. Nang tingnan ko siya ay binawi na niya ang titig sa akin.

"Sinabi na niya sa akin, 'di lang ako agad na naniwala. Until I saw you today." Amin ko.

Nagkibit-balikat si Iris. "'Wag kang mag-alala, ikaw lang ang mahal ng lalaking 'yan. At walang ibang babae na nilapitan si Ridge hanggang sa magkita kayong uli."

Uminit ang mukha ko. Bumilis pa ang tibok ng puso ko. Narinig ko ulit ang painis na buntong hininga ni Ridge. Inabot ko naman ang baso ng juice ko at napainom na lamang. Even my hands were shaking.

"Who's your boyfriend?" tanong niya sa kaibigan.

Nasamid naman si Iris at napaubo. "W-wala."

Pinagmasdan ko siya.

First HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon