Chapter 38

74.7K 2.3K 534
                                    

Chapter 38

Ellie

Nang pinasok ako sa delivery room ay doon lamang nahiwalay sa akin si Ridge. Pero kanina nang ibaba ako sa strecher ay ayaw niya akong bitiwan. Natatakot ako at nininerbyos sa sakit na nararamdaman. Hindi ko pa kabuwanan at natatakot akong may mangyaring hindi maganda sa anak ko.

Nilapitan ako ng doktora at may tinanong na kaunti. She checked me first. Ang sabi sa akin ay kailangan nang ilabas ang bata.

Masakit na masakit na ang tiyan ko. Napapapikit at hiyaw ako sa guhit ng sakit nito. Pero nang bumalik ulit ang doktora ay magkasalubong na ang kilay nito at nakakunot ang kanyang noo. Tiningnan niya ako habang nasa aking mga paanan.

"Misis nagwawala ang asawa mo sa labas. Akala yata niya ay mas marunong pa siya sa amin," she said.

Napangiwi ako. "Pasensya na ho, doktora. Ako na po ang humihingi ng pasensya sa kanya." Hinging paumanhin ko.

At ilang sandali pa ay pumasok din si Ridge sa delivery room. All I could see was him wearing a blue coat and plastic hair cup. Agad niya akong hinawakan sa aking kamay. Panay ang punas sa noo ko at leeg. Hinahalikan ako at binubulungan. Nang tingnan ko naman ay wala na itong kulay sa kanyang mukha.

"Patawarin mo ko, Ellie..this is my fault.." he whispered achingly. "'Wag ka nang magalit sa akin, please..'di ko kakayanin na.." he said like he was dying from it.

Pero hindi ko naman siya napagtuunan ng pansin dahil sa paghilab ng tiyan ko. I gripped on his hand so tightly, na parang hinihigupan ko siya ng lakas. "Aww.." I mastered to utter. Paulit-ulit at naiiyak ko nang hiyaw.

"She's in pain! Do something--dammit!" he shouted.

Noong una ay hindi siya pinansin ng doktora at tiningnan lamang ng ibang doktor at nurses na naroon.

Butil-butil na pawis na dumaraan sa noo ko at sintido. When the doctor said I had to push my baby..I did.. "Hmmp!!" I exhaled. Inhaled..exhaled..inhaled..exhaled..

"A little bit more, Ellie..push,"

"Hmmmp!" Umire ulit ako. Ang babaeng nurse nasa gilid ko at pinu-push ang baby mula sa ibabaw ng tiyan ko.

"Fucking shit!" Ridge uttered.

And the doctors glared at him.

"Don't curse in here, Mr. Castillano." She warned him.

But Ridge ignored her, them. Na para bang walang narinig.

"Nakikita ko na ang ulo ng baby, Ellie. One more push,"

"Hmmmp!!" I did all I could do. Mahigpit na mahigpit ang pagkakakapit ko sa kamay ni Ridge na halos mapabangon ako sa pag-ire. At nang matapos ko ay halos mawalan ako ng malay sa sobrang pagod.

I am in the verge of sleeping when I heard my baby's cry.

"It's a baby boy!" she said and confirmed.

Nakita ko ang bata. Pinipilit kong huwag pumikit para makita pa siya. At naramdaman ko ang halik sa akin ni Ridge na tila nanginginig pa ang boses.

"I love you, Ellie. I love you so much.." he whispered over and over again. "Doc! Nawalan ng malay ang asawa ko!" sigaw na naman niya. Hindi ko na nalaman pa ang sumunod na nangyari.

Nang magising ako at maalimpungatan ay ramdam ko na agad na hindi ako nag-iisa. Someone's holding me on my hand. Bahagya kong ginalaw ang kamay at gumalaw din at taong may hawak sa akin. I opened my eyes, at una kong nasilayan ang nakangiting si Ridge. He was smiling at me as if he was so happy. "Hey..good morning, love." He greeted me. He said those like it was so precious to hear it.

First HeartbreakWhere stories live. Discover now