Chapter 33

81.3K 2.3K 294
                                    

Chapter 33

Ellie

Kinuha ko ang facial hair removal cream niya at nilagyan siya sa kanyang baba at upper lip. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko, but I think this is just the basic. I guess so. Nilalapit niya ang mukha sa akin at lahat ng may parteng may stubble ay nilagyan ko ng cream. Until the half of his face was covered by it.

Binaba ko ang tube sa gilid ng sink at tiningnan siya sa harap ng salamin ng banyo. Pinagmamasdan niya lang din ako. Kumunot ang noo ko, "Bakit?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Umiling lang siya sa akin at hinawakan ako sa aking tagiliran.

Inabot ko ang shaver niya at tinanggal ang plastic na nakabalot. Humarap ako sa kanya, nakababa ang tingin niya sa akin. Napalunok ako. "Bakit ba? Hindi kita pinagbabawalang magsalita," udyok ko sa kanya. Dahil kanina pa niya ako tinititigan at walang tutol sa mga ginagawa ko sa kanya.

Hinawakan na niya ako sa magkabila kong tagiliran at bahagyang dinikit sa kanya. Tumama ang tiyan ko, against his abdomen. And he tilted his head a bit. "I missed you." He whispered suddenly.

Natigilan ako. What's wrong with that words? He missed me. Because he was depriving himself to see me. Kaya ngayon ay paulit-ulit ko na yatang narinig ang mga salitang iyan.

Kung hindi ako pinuntahan nina Lennox at Achilles..anong mangyayari sa kanya? Oh shit. Nanghina ako at napapikit. Binagsak ko ang mga kamay sa kanyang balikat, and he's very attentive to catch me.

"Ellie?" nag-aalala niyang tawag sa akin.

Minulat ko ang mga mata at naiiyak na tiningnan siya. I heaved a deep sigh and shook my head. Inumang ko ang shaver sa kanyang pisngi pero ang titig niya at pag-aalala ay nakabantay sa akin. It was pretty obvious na ang bawat kilos ko ay bantay-sarado niya. Hindi ko lang mapigilan ang sarili na manghina.

Na kaya niyang manakit ng tao para sa paghihiganti. Katulad ng nagawa niya sa akin. Nakita ko kung paano siya magalit. It was me who experienced his rage. Kaya kahit ayokong isipin ay nakikinita ko ang galit niya kay Gio. That helpless man..tied up..blood running on his face and body, and Ridge holding a freaking gun. Oh damn shit!

Tila nanunuyot ang lalamunan ko nang i-slide ko sa kanyang pisngi ang blade ng shaver. He catches the excess by using the face towel. Aalis sana ako sa harapan niya para isahod na lang sa sink pero ayaw niyang bitawan ang baywang ko, kaya nagpatuloy ako.

Sa unang slide ay hindi ko nakukuha ang maliliit na buhok. Iniwan ko iyon at inubos ang lahat ng parteng natatakpan ng cream.

I look up at him, "Masakit ba?" curious kong tanong. So far, ay wala pa naman akong nakikitang umaagos na dugo. Hindi ko rin masyadong dinidiin ang blade.

Umiling siya at titig na titig pa rin sa akin.

Sa pangawalang ahit ko ay pinupulido ko na ang naiwang maliliit na buhok. "Tingala.." utos ko nang makita ang buhok pa sa ilalim ng baba niya. Sinunod niya ako pero ang itim ng mga mata niya, nakatunghay pa rin sa akin.

I immediately notice the difference of his face without the stubble and moustache. The Ridge I knew. "Okay na." Halos bulong ko sa kanya nang matapos ako sa pag-aahit. Kinuha ko ang towel niya at pinunas sa kanyang mukha. Tumalikod ako at binuksan ang gripo para umagos ang natanggal na cream at excess hair. Nilinis ko na rin ang shaver niya habang nasa likuran ko siya at nagpupunas pa.

Ito ang unang beses na ginawa ko. He didn't protest nor complain, siguro ay tama naman ang ginawa ko. I get satisfied. When we're done, I decided na lumabas na ng kwarto para balikan ang agahan sa baba. Gutom na ako. Pero muli kong naramdaman ang mga bisig niyang pumulupot sa aking baywang habang naglalakad ako palabas ng banyo. He followed me. My steps..my moves.

First HeartbreakDonde viven las historias. Descúbrelo ahora