Chapter 31

74.6K 2.5K 811
                                    

Chapter 31

Ellie

Sinundan ko sa labas ng pinto sina Mama Lian at Papa Santi para salubungin ang mga pamangkin nila. Wala sa sariling napahawak ako sa aking tiyan dahil sa nerbyos na dumagsa sa akin. Hindi ko mapigilan ang pagsakit ng aking dibdib dahil sa mabilis na pagtibok ng puso ko. Mama Lian has warned me not to talk with them dahil sa selan ng kalagayan ko, pero ako mismo ay ayaw magpapigil na makausap sila.

Bakit sila naparito sa ganitong oras? This must be something to do with Ridge, and I can't just forced myself to pass this on. I have to know too.

"Ellie hija 'wag ka nang bumaba. Hayaan mong makausap muna sila ni Santi.." banayad na sabi sa akin ni Mama. I looked at her, like me, I mirroing the worries on her eyes.

At kahit gustong-gusto ko nang malaman ang paliwanag nila ay nanatili muna ako sa aking kinatatayuan. Ang isang kamay ko ay hinawak ko sa barandilya at ang isang kamay ko ay pinanitili ko sa ilalim ng aking tiyan. But I am shaking, my hands were. There's this active wave in my head.

Bumaba si Papa Santi at sinalubong ang dalawa. Lennox first talked to him. Si Achilles naman ay tinanguan lamang ako. He wasn't smiling either.

Bahagyang lumapit pa si Lennox kay Papa Santi, he was whispering at saka ako isang beses na sinulyapan. Mahina akong napasinghap kasabay nang malakas na dagundong sa aking dibdib. I didn't know what they were talking about, pero sa pagtingin sa akin ni Lennox ay nararamdaman ko nang may kailangan din sila sa akin.

I saw Papa Santi heaved out a sigh. Like he's struggling to do something. Ilang sandali pa ay kasunod nang umakyat sa bahay ni Papa Santi ang dalawa.

"What happened, Santi?" Mama asked him.

Hinawakan siya ni Papa sa kanyang siko at bahagyang hinila papasok ng bahay. Tiningnan niya ako ng seryosong. "Si Ellie ang kailangan nila."

Napatingin sa akin si Mama at kumunot ang noo, "Pero bakit?"

"Sa loob na tayo mag-usap. Lennox, Achilles.." tawag niya sa dalawa.

Sumunod ako at naupo sa pang isahang sofa. Bukod sa akin ay sina Mama at Achilles lang ang umupo. Both Papa Santi ang Lennox left standing. Then the old man speak up.

"Napasugod dito sina Lennox dahil gusto nilang isama pabalik ng Manila si Ellie,"

Natigilan ako. I felt like somehow my conclusion was confirmed. Ngunit tila lalong sumakit ang aking dibdib.

Nilingon ako ng tatlong lalaki.

"B-bakit po..may kinalaman po ito kay R-ridge?" my voice shook when I uttered his name. I can even hear subsconscious self uttering a prayer. Oh God. Huwag po sanang may masamang nangyari. Tila binibiyak ang puso ko hindi pa man nalalaman ang totoong dahilan.

Nilingon ni Lennox ang Tito niya, at saka tumango naman ito sa kanya. When Lennox met my eyes, those dark and dangerous iris strengthen my delicate heart. Ang kanyang mukha ay halos walang ibang pinapakitang reaksyon.

"I didn't want to worry you, Ellie. Nagdalawang-isip pa kami kung pupuntahan ka o hindi dahil ang sabi ni Achilles ay nagdadalang-tao ka. You're too fragile to travel back to Manila, pero wala kaming ibang alam na solusyon para rito.."

"Ano bang nangyayari?" deretsa kong tanong dito. Napalingon din ako sa kay Achilles but he didn'nt want to speak. My fists clenched.

"I'm afraid..that Ridge can kill someone,"

I was left stunned. My breath halted after I gasped. Mama Lian too. Kill? Ridge can kill someone?

"W-what do you m-mean?" I asked again.

First HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon