Chapter 15

66.5K 2.1K 147
                                    


Chapter 15


Ellie


Natatakot akong timbangin ang hangin na pumapalibot sa amin. He didn't talk to me. I didn't hear even hurtful words from him. I was expecting it, matapos ng nangyari kagabi. Umalis ako ng bahay, patakas pa at sinundo niya ako na para bang preso sa bahay niya. Mahigpit kong hinawakan ang plastic na dala. I can't even read what's in his head right now. Ang hirap. Ilang beses ko nang naamin na iba na siya. Hindi na siya iyong dating akin. Malaki na ang kinaunlad niya at pinagbago at para iyong kutsilyong sumasaksak sa akin ngayon. Sa huli, may nagawang tama ang pakikipaghiwalay ko. It turned good to him.

Look at him now, a very successful magnate in the country. Mula sa angkan ng mayaman at makapangyarihang pamilya. And look at me now, disgrasyada, broke, a Club dancer. Seeking for money by showing my skin. I have no family except for my son. I guess that means I really deserve all his accusations and this is the outcome.

I disgusted myself and fear him at the same time. Pagdating sa bahay niya ay nauna siyang bumaba mula sa sasakyan, hindi na ako hinintay pa. He walked in like I wasn't with him. Nasa loob pa ako ng sasakyan niya at pinanood siyang naglakad papasok sa loob. He's so cold now. Last night he was furious. I sighed. Mas okay na itong ganito siya, walang kibo, nanlalamig. Kaysa ang tingnan niya akong parang sinusunog ang kaluluwa ko.

Bumaba ako ng sasakyan at naglakad na rin. I see no one when I came in. Umakyat na lang ako sa kwarto niya at tinabi ang nabili kanina. Pero pagkabukas ko pa lang ng pinto ay nabungaran ko na ang hindi ko mabilang na paperbags sa sahig, halos nakapalibot na sa gilid ng kama. His bed is huge and wide.

I bluntly step inside, I didn't close the door. I saw different brands of clothes' stores on that bags. Napalingon ako sa walk-in closet nang lumabas mula doon si Nats. She was a bit startled but gained his composure when she saw me. "Hello po, Mam. Inaayos ko lang po itong mga bagong damit dito sa loob," paliwanag niya. Nilapitan niya ang mga paperbags at kumuha ng marami, dinala sa loob.

Sinilip ko ang laman ng isa nga paperbag, hindi ko hinawakan. Pero hindi ko pa rin makita kung anong damit iyon maliban sa mukhang malambot na tela. Kaya sinundan ko si Nats sa loob, tiningnan ang ginagawa.

Dahan-dahan kong naibaba ang dalang plastic at hindi makapaniwalang pinanood siya. That's a ladies' clothes. Mas lumapit pa ako sa nakabukas na closet. I was right. I saw dresses, black blazers, skinny jeans hang inside. Mukhang iyon pa lang ang naitatabi niya dahil wala pang laman ang ibang hanger. "Para kanino 'yan?" I don't want to assume so I asked.

Sinampay ni Nats ang natapos na hanger, "Sa iyo po, Mam," she said. Not surprised.

"Sa akin? Sinong bumili n'yan?" another stupid question.

She look at me, smiling at me. "Uwi po si Sir Ridge kanina bago niya kayo sunduin ulit,"

On her face, para bang okay kami ni Ridge. Parang hindi niya nakita iyong nangyari kagabi, sa paghatak sa akin ng boss niya. Napanguso ako, "Bakit? Siguro naisip niyang baka maubos ko ang boxer shorts niya. Pwede naman akong kumuha na lang damit sa akin," I muttered unconscioulsy.

She giggled, "Hindi naman po siguro, Mam. Tyak na 'di iindahin 'yun ni boss," then she continued.

I look at her. She looked so sure. I heave out a sigh, "Tulungan na kita," pumihit ako palabas. Naupo ako sa gilid ng kama at nilabas isa-isa ang laman ng paperbags. Tinitiklop ko ang mga T-shirt at nilagay sa ibabaw ng kama. Marami iyon. May nakita rin akong maraming panty at bra, in black, red, violet at cream colors. I saw the prices—damn! Ang mamahal pala. I scanned all the bags pati na rin ang nasa closet na, malaki ang ginastos niya rito. Those dresses, jeans libo-libo na ang presyo. How much more kung i-add ko ito lahat? That's so expensive.

First HeartbreakWo Geschichten leben. Entdecke jetzt