Chapter 32

75.7K 2.5K 120
                                    

Chapter 32

Ellie

Hindi ko mapigilang pagmasdan siya habang nagmamaneho. Hindi na ako sigurado kung napapasimangot na ba ako o antok na antok lang. Malaki ang pinagbago ng itsura niya. For the last months, na hindi kami nag-uusap, iyon pala ang pinagkakaabalahan niya. Ang hanapin si Gio. At ni hindi ba niya nagagawang ayusin ang sarili? Hindi pa ba natatakot sa kanya si Shane kapag kausap sa cellphone?

I wish I could get a shaver right now. He look tired. Exhausted. Stressed. Though it reflect on his face, but still it didn't make him unnoticeable. He can still pull off a very handsome face, sexy body, broad shoulder and his lips..still, seductive in its natural color. Damn, Ellie. Para akong biglang natauhan. Napapikit at buntong hininga, winasiwas ang isipan sa kakaibang nararamdaman.

Nilingon ko ang bintana. Ang maluwag na kalsadang aming nadadaanan. Hinahatak na ako ng antok at pagod, ngunit napahawak ako sa aking tiyan nang maramdaman ang kaunting paggalaw sa loob. Sumandal ako sa upuan at hinaplos-haplos ang mabilog kong tiyan. Sandali na lang makapagpapahinga na tayo, baby. I tried to close my eyes, natigilan lamang nang magsalita si Ridge.

"Are you okay? Are you both okay, mmm?" nag-aalala niyang tanong sa akin.

I sighed and shook my head, "Mag-drive ka na lang. Gusto ko nang matulog." Malamig kong sagot sa kanya. At saka binalik sa labas ang paningin. Pagod na rin ako. Gusto ko siyang kausapin pero ayokong pwersahin ang sarili. My baby is my priority.

"Malapit na tayo, Ellie ko." buong lambing niyang tugon sa akin.

I stilled on my sit. Hindi ko siya nilingon kahit na tila nagising yata ang buong sistema ko. The mere fact na narinig ko ulit ang tawag niyang iyon sa akin, nagrarambol ang dibdib ko sa gitna ng kalaliman ng gabi. An endearment he would always slipped from his lips. Just like what he always do. My stomach churn. My heart pounded rapidly. Crazily. There's something in his rough and calming voice that could sent tremendous waves all over my body.

That's why I did my very best to ignore his presence beside me. Kahit na alam kong panay ang lingon niya. He would always check on me.

Kumakabog ang dibdib ko nang makarating kami sa bahay niya. Pagtapat ng sasakyan sa front door ay agad na niyang pinatay ang makina at tinanggal ang seatbelt na suot. He turned at me, sa bilis ng kanyang kilos ay hindi ko na siya napigilan pa nang tanggalin niya ang suot kong seatbelt. May urgency sa kanyang mga kilos. Habang ako ay inaantok na.

He opened the door for me, at agad akong hinawakan sa kamay at baywang bago sinarado ang pinto.

"Ingat, Ellie ko," humilig siya sa akin at binulungan ako. I slightly gasped. Naramdaman ko ang pagtama ng kanyang labi sa balat ng tainga ko.

Bago pa kami hustong makalapit sa pintuan ay bumukas na ito at namimilog ang mga matang nakatingin sa akin si Nats. I grinned. She must be shocked seeing me with a swollen tummy. Mukha pa ngang bagong gising ito at nagmadaling bumangon nang marinig ang pagbukas ng gate.

"Ma-magandang gabi po, Ser, Mam." She politely greeted us. I felt the tremble in her voice.

Nginitian ko siya, "Nagising ka ba namin, Nats? Pasensya na." I apologise. Ridge widen his arm and almost embracing me.

"Ay hindi po, Mam! O-okay lang po." Nilakihan niya ang bukas ng pinto. She made sure na kakasya kaming dalawa. She was very attentive too.

Pagkapasok din namin ay mabilis niyang sinarado ang pintuan at ni-lock iyon. Hinabol pa niya kami.

"Kumain na po kayo Ser, Mam?"

Nilingon ko siya at umiling, "Okay lang ako, Nats, salamat. Magpahinga ka na rin."

First HeartbreakWhere stories live. Discover now