Chapter 7

54.3K 1.6K 243
                                    

Chapter 7

Ellie

Nakangisi akong bumalik sa upuan ko matapos kong sagutan ng tama ang pina-assignment sa akin. Nagpagpag pa ako ng kamay pagkatapos sabihin sa akin ng Teacher ang katagang 'Tama, Ms Ybarra. You may take your seat.' Shit. Ang sarap sa tainga. Nagpapalakpakan ang magkabila kong pandinig sa sinabi niyang iyon. Even my classmates are amazed with my comeback attitude. Nako, sisiw.

Maayos akong umupo at binuksan ang notebook ko dahil may quizz na namang ipapagawa sa amin.

Habang nagsusulat ay siniko ako ni Rica at bumulong.

"Ang taray ah, nag-aral?" biro niya.

Napatingin ako sa kanya. She making fun of me but knowing her, she's not serious about it. Hindi ko nga pala nasabi.

"May nagturo sa akin," sabi ko. sinulyapan ko ang Teacher namin na nagsusulat sa board.

"Oh? Sino naman? Hindi na kita nahintay kahapon nagmamadali kasi si Mark,"

Napanguso ako. "Do'n sa 4th year na pang umaga,"

"4th year? Sino?"

"Kay Ridge Castillano. Nagpunta ako sa bahay niya kahapon. At may regular tutorial na kami." Pagmamalaki kong kwento sa kanya. I feel elated right now. Siguro dahil nakabawi ako mula sa pagkakapahiya kahapon. Atleast ngayon, kahit papaano ay nagbabati na kami ni Geometry dahil kay Ridge. I refrained myself for calling him 'Kuya' kasi ayaw naman niya.

"Ridge Castillano? Iyong matangkad, macho at matalinong 4th year? Hindi nga? Masungit daw 'yon ah,"

Napangiti ako at muntik nang matawa. "Masungit nga pero sa umpisa lang. Sa kanya na ako nagpapaturo magmula kahapon. Libre pa!"

"Ibig mong sabihin sa kanya ka umuwi kahapon after class? Ano'ng ginawa niyo sa bahay nila? Tapos,tapos?"

Ngumiwi ako sa pagmamadali sa tono ng boses niya. Hindi ko alam na magkakaganito siya 4th year na iyon.

"Wag kang malisosya d'yan. Nasa bahay nila ang notes niya at nandoon din ang Mama niya. At isa pa, hindi ko siya type 'no," I said.

"Ay sus. Hindi raw type e, nagtitinginan nga kayo kapag tapos na ang klase nila,"

"Sino nagsabi sa'yo niyan?"

"May nakakita lang tapos kinuwento kina Wesley tapos syempre kinuwento rin sa akin. He's quite popular, Ellie. Napag-uusapan kaagad kapag may kasama siyang girl sa school. Kaya nga maraming nagkaka-interest do'n e. Gwapo, matalino, maganda ang lahi..hindi nga lang mayaman. Pero sa talino niyang iyon baka makapagpatayo pa iyon ng sarili niyang kumpanya someday. Tapos ang swerte rin ang magiging asawa niya," she said like she was daydreaming.

But even myself. I pictured all the items that she elaborately said with me. Nalaman ko ngang hindi siya ganoong may pera. Iyong bahay nga nila ay parang pinagkatiwala lang din sa kanila. Tapos ang Mama niya ay nagnenegosyo ng masarap niyang bagoong. I tasted it and I can say magiging mabili iyon sa merkado. And after his classes, nagtatrabaho siya bilang bangkero sa Tres. Pampasaherong bangka na nagtatawid mula Malabon papuntang Navotas. Mula sa katanghaliang tapat hanggang sa hapon.

Ridge is a reserved, calmed kind of person. His well built body is a charm for high school students. Sa tangkad niyang iyon, kahit ihalo sa lahat ng estudyante ay mag-istandout siya. His squared jaw look so hard even in his age. Siguro ay nasa lahi ng Tatay niya. Mahinhin at soft features kasi si Tita Lian. Most probably sa father side niya nakuha ang maraming features niya. His nose, eyes, thick brows, brown skin and natural red lips. Kung tutungtung iyon sa College, iba na rin siguro ang level niya. Ang pagiging kalmado lang nakuha niya sa kanyang Mama.

First HeartbreakOnde histórias criam vida. Descubra agora