Chapter 4

56.9K 1.9K 231
                                    

Chapter 4

Ellie

Pagkatapos kong planstahin ang uniporme ko ay maayos ko itong sinampay sa likod ng pintuan ng kwarto ko. Inilagay ko na rin sa bulsa ng palda ko ang naplantsa ko ring pink checkered na panyo ko. Iniligpit ko ang mga notes ko at nilagay sa bag. Ang naka-separate ko namang notebook ng dinorowing kong disenyo ng bracelet at kwintas, ay maayos kong tinabi sa drawer.

Kung minsan kapag inaantok ako sa pag-aaral, dinadivert ko ang atensyo ko sa pagdidisenyo ng bracelet at kwintas. Para naman kahit papa'no makaramdam ako ng excitement sa pag-aaral.

I fixed everything on my study table, bago ko kinuha ang platitong pinaglagyan ko ng cookies at baso ng juice. Lumabas ako ng kwarto para sana hugasan na iyon sa kusina, ngunit napahinto ako sa paglalakad nang may lumabas na lalaking walang pang-itaas sa silid ni Tita Flor!

Napatda ako sa gulat. Tila ako'y natuklaw ng ahas nang makakita ng lalaking hubad sa bahay namin. Walang ibang nakatira dito maliban sa'ming magtyahin. Wala rin kasing asawa na si Tita Flor, ang sabi sa'kin ni Mama ay iniwan daw ng asawa niya ang Tita ko dahil hindi sila magkaanak. At dahil wala rin kaming kasama ni Mama ay naisipan na lang niyang isama sa bahay kapatid.

Bata pa naman kung tutuusin si Tita Flor, mas matanda pa sa Mama ko. Pero kasi..iyong lalaking ito ay 'di hamak na mas bata pa sa kanya. At ano'ng ginagawa nila sa silid ni Tita? Sa ganitong oras ng gabi?

Hindi ako nakita no'ng lalaki dahil tinahak nito ang hagdanan at tila may tinitingnan na kanyang mga kamay. Napalingon ako sa bumukas na pintuan ni Tita Flor at nasindak ako nang lumabas itong nakatapis na lamang ng puting tuwalya!

Nag-init ang mukha ko't mas lalong hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Sa bata kong isipan ay hindi ko maiwasang mag-isip ng kababalaghan sa kaunti ko ng kainosentihan. Lumabas iyong lalaking walang baro at sumunod si Tita na nakatuwalya lamang.

Nagpamasahe? Gosh!

"Gio! Teka, idagdag mo na 'to!" Narinig kong impit na sigaw ni Tita. Hinabol niya at may inaabot, ang hula ko ay pera iyon. Huminto naman ang lalaki at lumingon ito ng nakangisi.

He's already holding thousands on his palms!

Ngunit bago pa niya maabot ang bigay ni Tita ay nawala ang ngisi niya nang makita akong nakatanaw sa kanila.

"Idagdag mo na 'to dyan sa bayad ko. Pang tuition mo rin 'yan. Nagustuhan ko ang performance mo ngayon."

Napaawang ang labi ko sa binulong ni Tita, na may halo pang kaunting lambing sa kanyang huling sinabi. Mas lalong uminit ang mukha ko na tila masusunog sa kawalan. The man looked at me, sinipat niya ako. Obviously, estudyante pa ito at ilang taon ang tanda sa akin. By his features, he looked like a college student.

Pero kailan pa nagpapasok dito ng binata ang Tita ko? What performance is she talking about?

"Oh, Ellie! K-Kanina ka pa dyan?" Napansin din ako ni Tita dahil nakatanaw sa'kin ang kausap niya. Napahawak siya sa kanyang dibdib at biglang namula. Tiningnan niya ako pati ang lalaking katabi. Tumikhim siya at sapilitang inabot ang pera, "S-Sige na umalis ka na! Bilis!" Udyok niya sa lalaking tinitingnan pa rin ako. Tinulak pa niya ito para umalis na.

Nang mawala ang lalaki ay saka lamang ako nakalapit kay Tita Flor, "Tita sino po iyon? May boyfriend po ba kayo?"

Napaawang ang labi niya at namula na naman ang mukha niya. Animo'y parang dalagang nakita ang sinisinta sa kanyang reaksyon. Mas lalo tuloy akong na-curious. Sinuklay niya ang buhok niyang magulo at hinawakan ang tuwalya sa katawan.

First HeartbreakWhere stories live. Discover now