Chapter 16

66.8K 3.7K 352
                                    


Chapter 16

Ellie

Pinatigas ko ang aking mukha kasabay nang pagpatak ng luha sa aking mata. Mabilis ko iyong pinunasan para hindi na lumala pa. Pakiramdam ko, kapag kinunsinti ko ang pag-iyak, bibigay ako. Sa kaunting ingay lang, sa isang hikbi lang ay maririnig kaagad iyon ng driver niya. Masyadong tahimik dito sa loob ng sasakyan na ultimong kahit paghinga ko ay naririnig niya. Alam kong paminsan-minsan akong sinusuluyap mula sa rear view mirror, kaya nagsumiksik ako sa bintana at nagtago sa likuran ng upuan niya.

I tried to swallow the lump in my throat. Mahirap pa rin. hindi ko alam kung hapdi ang iindahin ko, iyong bang sa lalamunan ko o ang hapdi sa dibdib ko. But if these two pain were inevitable, I cannot do anything else but to feel it until it fades. I chastise myself.

Makalipas ang ilang minuto ay nag-vibrate ang cellphone ko, from unknown number. Hindi ko sinagot iyong unang tawag. Pero hindi ko pa natatabi ang cellphone sa bulsa ko at tumawag ulit ang hindi naka-register na numero. Kumunot ang noo ko at sinagot ang tawag, "Hello?"

"Hello? Mrs Ybarra?"

Nakita ko ang bahagyang paglingon sa akin ng driver. Dahil nakasiksik ako sa bintana ay hindi niya siguro ako nakita.

"Sino 'to?"

Hindi pamilyar sa akin ang lalaking tumawag.

"Ako ang Papa ni Bryan, iyong batang na-ospital matapos mabagok ang ulo sa eskwelahan."

Napaawang ang labi ko at napaayos ako ng upo, "K-kamusta po? Ah, papunta na po ako ngayon sa ospital—"

"Dala mo na ba ang pera? Nandito kami ngayon ng asawa ko sa isang fastfood sa tapat lang ospital," nasa boses pa rin niya ang pagkapormal sa pakikipag-usap at may pagkaarogante.

Tumikhim ako, "Dala ko ho. 'Wag ho kayong mag-alala,"

"Mabuti naman. Hintayin ka na lang namin, Misis." Then without saying goodbyes, he ended the call.

Napatingin na lang ako sa sariling telepono.

Pinapark ko na lang ang sasakyan sa harap mismo ng fastfood na sinabi sa akin ng Papa ni Bryan. Bumaba ako at pumasok sa loob para hanapin ang mga magulang. I scanned the place and found them on the corner side of the fastfood chain. Malakas ang kalabog ang dibdib ko habang papalapit sa dalawang mag-asawa na walang reaksyon ang mga mukha habang nakatunghay sa akin. Napaismid pa sa akin iyong babae at inirapan ako. Habang ang asawa ay pinasadahan pa ako ng tingin. Sa mukha ng ginang ay hindi makakailang stressed na, dala siguro ng pagpupuyat sa pagbabantay ng anak. Her husband look tired too, "Magandang araw po," bati ko. Iyon na lang ang nasabi ko dahil hindi ko malaman kung anong klaseng paunang bati ang sasambitin.

Iyong babae ay inirapan lang ako at mahigpit na hinawakan ang shoulder bag sa kanyang kandunga. Tumikhim ang lalaki, "Maupo ka, Misis," turo niya sa harapan na bakante. They both has food and drinks on their table, ang balak ko ay bilhan sila kung wala pa.

Pagkasayad ng puwitan ko sa upuan ay agad na nagsalita ang babae na tila hindi na mapakali.

"Kailangan na ho namin ang pera, Misis. Hindi na namin kayang bayaran ang bill sa ospital ng anak namin," her anger was within her words. Tinaasan pa niya ako ng kilay at tila handa sa anumang sagupaan. She looks so stressed, wala pang tamang tulog.

"Siguro naman ay tinawagan ka na ng teacher nila?" her husband asked.

I nodded. Nagpakumbaba ako at handang tanggapin ang anumang masasakit nilang sasabihin sa akin. "Opo, dala ko na po," nilagay ko sa ibabaw ng lamesa ang cheque. "Alam ko hong hindi ito sapat para kay Bryan. Pero sana kahit papa'no ay makatulong para gamutan, palagi po siyang nasa dasal namin." I said but almost a whisper.

First HeartbreakWhere stories live. Discover now