Chapter 40

80.8K 2.5K 486
                                    


Hi. Maraming salamat sa pagsubaysay sa istorya nina Ridge at Ellie. Matagal-tagal din bago ko natapos at eto na nga..sa tingin ko ay sulit naman ang pagkaantala. This is the last chapter. Sana makasama ko kayo ulit sa ibang istoryang gagawin ko. Happy new year and spread the love of God! Seeyah!


Chapter 40

Ridge

I abruptly glance at the door and my Ellie peeked in, smilingly. Agad na naghumerantado ang dibdib ko pagkakita ko sa maganda niyang mukha. Kung posibleng mahulog ako sa kanya nang paulit-ulit, well, I'm a legit example. "Okay sige. Ibaba ko na." tapos ko kaagad sa tawag. Nasabi ko na ang mga inutos ko at ayokong marinig iyon ni Ellie. I don't want her to get worried. Not again.

I was standing infront of my working table. I felt her walking with featherly steps playing in my ears. Oh, how I love her scent. It lingered in my nose hastely. I smiled. I closed the inbox in my phone. Her picture is my wallpaper. I bit my lip.

Narinig ko ang mahina niyang pagsinghap. Pero bago pa ako makalingon sa kanya ay naramdaman ko na ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran ko. Pinagdugtong niya ang mga kamay sa ibabaw ng abdomen ko. I smirked. Handa kong ipagpalit ang lahat para lang maramdaman ulit ito. Ang babaeng mahal ko, yakap-yakap ako nang mahigpit.

Binaba niya ang mukha sa likod ko. Feels like she's sleeping but she's not.

"Sinong tumawag sa phone ko?" tanong niya.

Her voice. I really love the way she speaks. Para bang palagi akong inaakit sa lilim. She got a raspy soft voice. Bumagay sa maganda niyang mukha. Napakainosente. Sa kabila nang kung minsan ay matalas nitong pagsasalita.

But her question brought back my anger. I avoided to look at her. Nagtatagis ang bagang ko. Hindi na niya kailangang malaman. O pwede kong sabihin kapag natapos ko nang lahat.

"Wrong number, mine." I bluntly answered and cleared my throat. Humarap ako sa kanya at hinapit siya sa baywang. She's so soft! Her skin and her entire body. Nginitian ko siya at kinintalan ng halik sa malambot at mapula niyang labi. Ang labing pinagpantasyahan ko mula noong una ko siyang nakita. "Meryenda tayo ni Shane, I'm starving.." I whispered my last two words. Giving her a hint.

Pinanliitan niya ako ng mga mata. I chuckled. I have been teasing her, kahit na alam kong malabo pa iyong mangyari.

At kung pwede na, hinding-hindi ko palalagpasing dampian ng halik ang buo niyang katawan. She's all mine. The love of my life. Forever.

I caressed her cheeks so softly. I have been asking when did I learn to love this woman. The mother of my two kids. The woman who holds my heart for the longest time now.

Ang sagot ko ay..hindi ko rin alam. Maaaring sa quadrangle ng eskwela. Sa unang beses na naghinang ang mga mata naming dalawa. Sa unang beses na narinig ko ang kanyang boses o unang beses na sinambit niya ang pangalan ko.

I admired her. I fell. I drown. I live. Kung kailan—hindi na mahalaga sa akin. What I am holding right now is her. Her heart.

Sinipat niya ako. Tinitigan ko ang kanyang labi. Mapula iyon at maambok. It is pouty, lalo na ang ibabang labi. Palagi akong naaakit na halikan at sa tuwing nangyayari palagi ring namamaga pagkatapos. I kissed her too hard. Dahil sa kasabikan ko palagi at parati akong gutom pagdating sa kanya.

She was always in trouble on how to cover it with her lipgloss or lipstick back then. Pinagtatawanan ko siya palagi at sasabunutan niya ako. Pinahihirapan ko raw siya.

And thinking about other men who had kissed her, fuck them! I envied them even before I met her. I wanted to wreck everything because of her past.

First HeartbreakWhere stories live. Discover now