Chapter 6

55.4K 1.7K 229
                                    


Chapter 6

Ellie

Muntik ko nang mabitawan ang sinserve kong pitsel ng tubig dahil sa biglaang pagsigaw ng amo ko sa lugawan. Napamura pa ang customer dahil natalamsikan siya ng tubig. Nag-init ang mukha ko, at ang mabilis na tibok ko naghalo-halo na dahil sa pressure. Ang ingay sa lugawan, ang init mula sa kusina at ang panay ang sigaw sa akin ng amo ko. Pinagtitinginan na ako ng iba pang customer. I know, tingin iyon ng naaawa, nakikiuyosyo o nanonood lang na parang ako ay nasa isang palabas.

"Pota! Ayusin mo naman Miss ang pabababa mo. Nabasa na ko oh?" nagagalit na sabi sa akin no'ng lalaking customer. Iyong kasama niyang lalaki ay tahimik lang din na nakatingin sa akin.

"Pasensya na po, pasensya po." Sunod-sunod kong hingi ng tawad sa lalaki. Unti-unti ko na rin nararamdaman ang panlalamig ng mga kamay ko at pangangatog nito. Ni hindi ko na nga maiayos itong buhok ko na tikwas-tikwas na sa sobrang gulo ng pagkakapusod ko.

I feel so tired and old all the same time. Iyong patong-patong na trabaho at pressure sa akin, nambubulusok sa sobrang dami. I can't fully concentrate on my job as I continuosly looking back at my child who is crying loudly at the cashier area.

"Ellie ang anak mo iyak ng iyak! Nakakaistorbo na 'yan ah!" sigaw ulit sa akin ng amo ko. Nang lingunin ko at bigyan ng hilaw na tango ay nanlilisik naman ang mga mata niya sa akin.

Kinuha ko agad ang tray na hawak at dinala sa ordering counter. Nilapitan ako ni Lily at kinuha sa akin ang tray.

"Sige na puntahan mo na si Shane at baka naiingayan na 'yon dito. Ako na muna ang magseserve rito." Bulong niya sa akin. Nakakaintindi niya akong nginitian.

Nginitian ko siya at nagpasalamat. Hindi ko na mabilang kung ilang pasasalamat na ngiti ang naibigay ko na sa kanila. Hindi ko na mabiling kung ilang beses nila akong tinulungan sa pag-aasikaso kay Shane at pag-iintindi sa akin. Mapagod man ako ay hindi sila tumitigil sa pagpapaalala na kakayanin ko ang sitwasyon ko ngayon.

Habang iniisip ang katayuan, nahihirapan akong lumunok habang malalaking hakbang na nilapitan ko ang cashier area. I used the back of my palm to clean the tears at the corner of my eyes. Nag-aasikaso ng mga nagbabayad at umoorder ang amo ko. Nakatapat sa puno ng alikabok na electric fan ang mukha niya. isang beses niya akong nilingon pero ang sama-sama ng tingin niya sa akin. Nilapitan at binuhat ko si Shane mula sa lamesang pinagbabaan ko dahil iyak ng iyak. Kanina ko pa siya naririnig, walang lumalapit sa kanya dahil lahat ay may kanya-kanyang trabaho. Halos umiyak ako at nabiyak ang puso ko nang makita ko ang kalagayan niya. Pulang-pula ang mukha sa kakaiyak at nauubo na rin sa lakas ng palahaw. Kinuha ko ang lampin niya at marahan na pinunas-punas, padampi-dampi sa kanyang pisngi. Bahagya siyang tumahan nang binuhat ko pero humikbi-hikbi pa rin. "Mommy's here..ssshh..Mommy's here na baby ko.." I used my calmed reserved voice para mas mapakalma ko pa si Shane. Inaantok na siya at nagugutom kaya siguro iyak ng iyak. Bukod pa sa mainit at maingay dito sa lugawan, mamaya pa ako makakabili ulit ng gatas niya pagkabigay ng sweldo namin. Kaya naman matyaga ko siyang hinele-hele, palakad-lakad para tumahan siya. Hindi rin ako makakatakas na para i-breastfeed siya dahil pagagalitan ako at sasabihing tumatakas sa trabaho ko.

Napatingin ako sa amo ko nang nagdadabog niyang inusod ang bangko. Napaigtad si Shane sa ginawa niyang iyon at umiyak ulit.

"Istorbo na 'yang anak mo sa negosyo ko. Ang ingay-ingay. Nabubulahaw ang mga kostomer ko. Mga bwiset." Naiinis niyang litanya.

Lumakas pa lalo ang iyak ni Shane kaya naman kulang na lang ay murahin niya kami. Paulit-ulit kong pinatahan ang anak ko, pero dahil na rin sa init at ingay ay hirap na hirap din akong pakalmahin siya. May kirot sa dibdib ko nang tawagin niya kami ng ganoon. Alam kong palagi siyang nagagalit hindi lang sa amin pero tawagin niyang bwisit pati ang anak ko ay ibang kirot ang naramdaman ko. I can accept if she was only pertaining against me but with my child..it pierced me like a flaming spear straight to my heart. I am a Mother. A single Mom. The last thing I want to hear is to humiliate my child right on my face.

First HeartbreakWhere stories live. Discover now