Chapter 37

81.4K 2.3K 802
                                    

Chapter 37

Ellie

Pagdating namin sa pamilihan ay inuna kong puntahan ang tindahan ng mga barong. Hindi pa ako pamilyar sa pasikot-sikot sa pamilihan kaya nakailang ikot din kami hanggang sa marating ang tabi-tabing tindahan ng iba't-ibang uri ng kausotan. Dahil na rin sa maliit na espasyo ng makitid na daanan ay naging kulob ang mga boses na maririnig at medyo mainit din. Kaya ilang beses ko ring dinama ang likod ni Shane, mabilis kasi magpawis ang anak ko.

Nakasunod sa aming likuran si Ridge. Pakiramdam ko nga, habang naghahanap kami ng mabibilhan ay mainit niya kaming pinagmamasdan mula sa likuran namin. Kapag humihinto at titingnan ko ang ilang damit na naka-display, bigla ko na lang siya mararamdamang huminto sa likuran ko at hahawakan ako sa baywang. Hindi naman ako nagugulat pa, bumibilis lang ang tibok ng puso ko.

Alam ko ring hindi bago sa ganitong lugar si Ridge. Dati siyang naging bangkero at hindi na rin agad naging maganda ng pamumuhay noong hindi pa siya kinukuha ni Papa Santi. Pero ang dating niya rito sa palengke, sa paraang parang hindi pa siya napupunta man lang. He was too tall. Hindi pangkaraniwan ang pangangatawan at itsura. Kung kaya naman naging alangan siya sa lugar. At sa malayo pa lamang ay natatanawan na siya ng mga tindera na nakatambay sa harap ng pwesto nila. Titig na titig sa kanya at iyong iba ay tila namumula pa ang mukha. May iba ring napapatigil sa pagpapaypay ng abaniko kapag nakita na siya.

In short, takaw-atensyon si Ridge sa mga kababaihan dito. At kung hindi ko mamasamain, pati ilang may edad na babae at kalalakihan ay napapatitig na rin sa kanya.

Napabuntong-hininga na lang ako. Shane looks exactly as his father. I wonder if he will develop the same charm and physique when he get older. And gain the same attention as to his father. Napapailing na lang ako. Ngayon pa lamang ay gusto ko nang pagsabihan ang anak ko at ang paparating na lalaki namin para hindi makasakit ng babae. Their genes are too strong.

"Madam na maganda! Anong hanap nila?" agad na bati sa akin ng babaeng tindera nang huminto ako sa tindahan nila at tiningnan ang naka-display na barong na pambata. Her accent almost the same with the sales lady back in Manila.

At syempre, nang maramdaman ko ang presenya ni Ridge sa likuran ay umangat din ang mga mata niya. Bahagyang ngumanga at hindi nalisan pa ang tingin dito.

Tinanong ko ang presyo ng damit at saka sinukat kay Shane kung kakasya. Habang busy kaming mag-ina, busy din sa pagtitig ang tindera na kinikilig pa yata nang magtanong din sa kanya si Ridge kung may ibang size iyong barong. Sa kanya na rin kami bumili ng kapares na pantalon.

Nang kukuha na ako ng pera pambayad ay mabilis na nag-abot ng isanglibo si Ridge sa kanya. And she almost giggled. Then Ridge look down at me. Binigyan niya ako ng makahulugan na titig. "Don't argue. I'm the father, sweetheart." He said calmly but full of diction. At ang pagkakasabi niya ng 'sweetheart' ay medyo malakas na boses.

I sighed and put the money back in my wallet. Si Ridge na rin ang nagbibit ng puting plastic. He followed us again, hawak ko naman sa kamay ulit si Shane. We transferred to the wet market. Nang dumulas ang sementong sahig ay agad nang nakaagapay sa akin si Ridge. Hinawakan ako sa aking siko at baywang habang naglalakad kami.

But this time, ay siya na ang nanguna sa kung saan kami bibili ng karne. I know he knew how. At wala akong ibang maramdaman kundi paghanga sa kanya. Siya ang namili ng magadang karne at saka ipapakita sa akin kung aprubado ko. Pagkatapos ibibili niya ng ilang kilo.

Bumili na rin ako ng tatlong balot ng pancit bihon at mga gulay na sangkap nito. Dadalhin ko sa mga kasamahan namin ni Anj.

Papauwi na kami nang makakita akong isang kariton na nagtitindan ng sliced fruits. Natakam ako sa matingkad na kulay ng melon. Parang gusto kong isawsaw sa asin. Naglaway ako roon at wala sa sariling naituro kay Ridge ang nagtitinda. "Gusto ko no'n, Ridge." halos paungot kong sabi sa kanya. Napahalos pa ako sa malaki kong tiyan.

First HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon