Chapter 14

64.9K 2.1K 347
                                    


Chapter 14

Ellie

Pababa na ako sa hagdanan nang maramdaman ko ang pagmamadaling pagsunod sa akin ni Nats. Sobrang kaba at kaunting tapang lang baon ko, iyong kilos niya mas nakakadagdag sa takot ko. It was obvious na takot din siya sa Boss niya kaya siya ganito. I even heard the frantic in her voice.

"Mam Ellie, naku ayaw nagpapaistorbo si Sir Ridge kapag may kausap sa cellphone," payo niya sa akin nang nakasunod.

I still step on my feet. Hindi pwedeng hindi ko siya kausapin ng matino. I cannot stay here longer, may anak ako.

"Gusto ko siyang kausapin," I answered. Pero kahit sa sarili ay natatakot din.

Mula kanina ay ngayon ko lang napagtanto kung gaano kalaki ang bahay na ito, ang bahay niya. And Nats called him 'Boss'. He's the Boss. My hands shook. This is taken me aback. He has millions. Sobrang laki na ng agwat namin ngayon. But then, he's a Castillano. Dati ko pang alam kung saang pamilya siya nabibilang kaya lang iba pa rin pala kapag nakikita mo na ng harap-harapan. Na makapangyarihan at maimpluwensya ang kanilang pamilya.

I can't help but to scan his grandiest home. Mula sa nakakasilaw nitong gintong chandelier pababa sa naka-carpet na hagdanan. They were all white from walls to floor. Ang nagbigay kulay lang ang kanyang mga gamit. Ang malaking sofa na parang upuan ng hari ay kulay gray. Ang babasaging lamesa ay itim na may malabong salamin. The furnitures are all has the touch of moderness. Lahat parang mga bago pa. I can't figure how much it will costs you but definitely kahit pagsama-samahin ko pa ang mga pinagtrabaho ko mula noon sa una ko pang sweldo, kakarampot lamang iyon.

Nasa ikalawang baitang na ako nang marinig ko ang mababa at malalim niyang boses. Hindi katulad kanina na galit ngayon ay mas mahinahon. Kasunod ko pa rin si Nats. Hindi ko malaman kung bakit kailangan pa niyang sundan ako.

Tumapak ang mga paa ko sa sahig at hinanap ang pinaggagalingan ng kanyang boses. There, I found him in the Den area. Nakatanaw sa malaking bintana. Nakapamulsa ang isang kamay sa harapan na bulsa at hawak ang kanyang cellphone sa tapat ng kanyang tainga. Huminto ako at nag-alangan ulit na lumapit. I may be braved in look but coward insides.

He's nodding his head while listening to whom he is talking with.

"I know. I am sending them back there.." he sighed, not sure if he is smirking too dahil kumibot ang kanyang pisngi. "Thanks, Nox," then he bid his goodbye.

His aura was now very different. He look tightier than before. Mas nakakatakot kaysa dati. And when he turned his gaze at me, napatuwid agad ako sa pagkakatayo at halos lumabas na ang puso ko sa bibig ko sa bigla niyang paglingon sa akin. I can still feel Nats' presence at my back. I even heard her whispered frantic voice when Ridge look at us.

"Mainit ang ulo," she whispered.

I slightly bit my lower lip.

Tumigas na naman ang mukha niya sa akin. "What are you doing?"

Napalunok ako. Now, I am always scared with his voice. Wala na iyong lambing niya palagi sa akin. kinakausap na niya ako na parang ibang tao.

But who am I going to blame, Ellie?

"Uh..R-ridge..pwede ba kitang makausap?" marahan kong salita. Natatakot akong mapigtas na naman ang galit niya sa akin. Dahil alam kong hindi ko na siya kayang kontrolin.

Nagsalubong kaagad ang mga kilay niya. Sinuksok niya ng cellphone sa kanyang bulsa at humakbang palapit sa akin. Tiningnan si Nats sa aking likuran.

First HeartbreakWhere stories live. Discover now