The Reception

104K 3.1K 911
                                    

The Reception

Ellie

"Let's all welcome..Mr. and Mrs. Ridge James Castillano!!" a loud voice from the male emcee boomed every corner of the function hall here in Manila Palace Hotel.

Mahigpit ang hawak sa aking kamay ni Ridge na para bang bakal na ayaw akong bitiwan. I can still feel his genuine happiness from inside and out. Sa simbahan pa lang, ang ngiti at ngisi niya sa akin ay kakaiba. Like he saying to me, 'You're mine, finally!' at palagi ring nakahapit sa baywang ko. Panakaw na hinahalikan ako sa aking leeg at pisngi.

Do you know what I feel right now?

Tremendous happiness! Maybe, I can incorporate that to what is my husband experiencing right now. I could just laugh at myself.

Noong sumaglit ako sa suites para magpalit ng gown, Ridge and I were in the same room and he watched me changed my dress. I am wearing a silver gown tube style. Kumurba ng husto sa baywang ko at may mataas na slit sa kaliwang hita.

Ridge's eyes burned. Napakamot siya sa kanyang baba habang pinagmamasdan ang pangalawang gown ko.

"Paano kita ilalabas kung gan'yang kitang-kita ang hita mo, Ellie ko? Parang mali yatang pinaubaya ko sa cotourier ang bagay na 'to." He was pertaining about the slit.

Pinalapit ko na sa akin ang makeup artist para i-retouch ako. Umusod si Ridge at sumandal sa pader. Ang mga kamay ay nakasuksok sa bulsa ng kanyang pantalon. Ang mga mata matiim akong tinitigan.

I focused on the mirror. I smiled at him. Sure, he's not mad at all. Not on the day of our wedding. Kaya nang matapos ako sa pag-aayos ay nilapitan ko siya at niyakap sa kanyang baywang. Hindi siya gumalaw at nagniningning na mga mata akong tinitigan.

"'Wag ka nang KJ, okay? Mmm? This is just for today. And I'm all yours tonight." Hininaan ko ang boses sa huling linya. My lips landed on his.

He sighed. "I surrender to my wife." And he kissed me again.

Masigabong palakpakan ang sumalubong sa amin pagbukas pa lamang ng pintuan sa function hall. Nagkislapan ang mga flash ng camera. Nakatutok sa amin ang stand ng ilaw ng mga photographer.

Ito na ang unang beses na nakita ko ang pagkakaayos ng reception namin. Ibang-iba noong bumisita kami para ipa-schedule ngayon. There are round tables with white table sheets and a touch of red. Ang mga upuan din ay mga net net na kulay pula. White and red roses on each crystal vases. At mga kandila.

Nang makapasok kami ay sabay-sabay nilang pinatunog ang mga high ball glass ng mga kutsara. I laughed and Ridge smirked. Napailing pa ako—pero naghiyawan ang lahat nang bigla akong hapitin sa baywang ng asawa ko at siilin ng halik sa labi.

May humiyaw, sumipol at tuksuhan ang naganap sa unang mga minuto ng reception namin. At nang bitawan ako ni Ridge ay bahagya ko siyang pinalo sa kanyang dibdib. "Baka makita tayo ni Shane!" hintatakot akong sabi sa kanya. But I still can feel his lips on mine.

He then winked at me. "It's our day, mine. Alam ko namang may paliwanag na si Mama at Papa doon." Biro niya.

Napangiti na lang ako. Okay, pagbibigyan ko siya.

Our dinner went well. I don't know how my husband manage this night. I was speechless nang may pinalabas sa projector. Isang presentation na si Ridge daw mismo ang gumawa. A slides of my pictures and him together. Noong high school pa lang!

He used the song from Ed Sheeran's Perfect habang pinapakita isa-isa ang mga litrato.

He has my pictures of me when I was in the classroom. Kagat-kagat ko ang ballpen sa aking ngipin. Ako nang nasa canteen at malaki ang ngiti. I was with Rica and the boys. Sipping my zesto. Then there was me, at the bench, reading my notes. In the basketball court, sitting on the dirty pavement watching my friend's game.

First HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon