Chapter 3

57.9K 1.8K 205
                                    

Chapter 3

Ellie

Maingat kong ibinaba sa plastic na lamesa ang maliit na feeding bottle ang anak ko. I was singing a lullaby until he finally fell asleep. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang aking anak. Gumagalaw pa ang kanyang maliit at manipis na labi na tila ba may gatas na iniinom.

I leaned my face and carefully kissed him on his forehead. He was making noise but it seems like a music to my ears. Mataman ko siyang tinitigan. At tanging tahimik na paghihinagpis ang natamo ko habang ginagawa iyon.

Ngunit iyon lamang ay napapawi tuwing nayayakap ko siya. Na kahit tinalikuran ako ng mundo'y binigay pa rin siya ng Diyos para muli akong bigyan ng pag-asa.

I lost my friends, my education, my family and him.

Iyong akala ko'y panghahawakan ko na habangbuhay.. mawawalan lang sa isang iglap. Ngayon ko napagtantong, malalaman mo lamang ang halaga kapag wala na. Ang maiiwan lamang ay iyong tunay na nagmamalasakit ng walang hinihinging kapalit. Everything's gone and it's impossible to bring back the past. Maiiwan na lamang iyon bilang isang alaala.

Ang kailangan ko ngayon ay kung paano ko bibigyan ng magandang buhay ang anak ko. Sa edad na bente ay dalagang ina na ako. Walang katuwang at nag-iisa. Ang laki-laki na ng utang ko kina Rica at Mark. Lahat na yata ng suporta ay ginawa na nila sa akin.

Hindi malaki ang sinusweldo ko sa lugawan at malamang na kulang pa iyon para sa mahal na gatas ng baby ko. Maswerte na kung nakakapagpa-breastfeed ako. Ilang araw nang umiiyak sa gutom ang anak ko, kapag kasi naubusan na ng formula milk, sa akin ko na siya pilit na pinapagatas. Kahit na medyo nasasaktan pa ako at kakaunti pa ang lumalabas.

"Ang cute-cute talaga ni baby Shane! Nakakagigil oh,"

Bahagya kong nilingon sina Reah at Lily na nakatunghay sa anak kong binigyan nila ng kuna. Hindi naman iyon bago pero laking pasasalamat ko na rin sa kanila. Malaking tulong na rin iyon sa amin.

"Mukhang paglaki nito maraming paiiyakin 'tong mga babae!"

Natawa ako sa dinagdag ni Lily.

"Syempre naman, dugong Castillano kaya siya, 'di ba Ellie?" Tumaas-baba ang mga kilay sa akin ni Reah. Napatid naman ang ngiti ko at umiwas ng tingin. Mabuti na lang talaga at hindi nila kilala sa mukha si Ridge, at baka ipaabot pa nila dito ang tungkol sa bata.

As much as possible, I wanna be discreet with all of this. May sarili na iyong buhay at ayokong makigulo pa.

Inilagay ko sa kaldero ang mga botelya para mapakuluan. Paglapit ko sa kanila ay tiningnan ako ng dalawa.

"Paano pala iyan kapag pumasok ka na ulit sa lugawan? Sino nang magbabantay kay baby Shane?" Tanong ni Reah.

Isa pa iyang iniisip ko. "Pwede ko kayang isama do'n si Shane?"

Nagulantang ang itsura nila sa balik-tanong ko.

"Saan mo siya ilalagay do'n? Bukod sa mainit na, maingay pa. Idagdag mo pa ang bunganga ni Madam, alam mo namang mainit pa iyon sa'yo.."

Napabuntong hininga ako. Hindi ko naman na ipipilit kung hindi pwede, maliit din naman ang kinikita ko doon. At malapit pa sa building ng ama niya. "Magre-resign na lang ako." Saad ko. Napasinghap silang pareho at tila hindi inaasahan ang isasagot ko.

"Ha? Makakahanap ka ba niyan ng ibang trabaho? Kung gusto mo, magtatanong-tanong din ako." Ani Lily.

Nginitian ko siya at dinungaw ang natutulog kong anak.

"Kailangan ko ng mas malaking sweldo para sa kanya. Siguro'y magpapatulong ako kina Rica, pwede rin akong pumasok na katulong." I tried to enlighten our feelings. Pakiramdam ko sobrang down na ako at sa sitwasyon ko. Ayoko pa namang manghina.

First HeartbreakWhere stories live. Discover now