Chapter 9

57.3K 1.8K 293
                                    



Chapter 9

Ellie

I was standing inside the cold room. It's an office inside the club that Erin was talking about. Ang puso ko ay tila nagpapalpitate habang tinitingnan, sinusuri ng babaeng nagmamay-ari sa naturang club na iyon. Her name is Amanda. Nasa late 40's na ang edad pero ang postura maganda at may tindig pa. Her long brown hair was culry and almost a mess. Na para bang kinatulugan na lang ang ayos niya kagabi. Wala pang makeup dahil umaga pa naman. Siguro ay sa gabi humpak na humpak din ang mukha katulad ng kay Erin. Pero ang damit, nakasuot ng spaghetti strap blouse, short shorts at mabalahibong tsinelas-pambahay.

Pinasadahan niya ako ng ilang ulit. I was wearing my usual denim jeans and a t-shirt. Sa likuran ko ay nakaupo sa kulay abong sofa si Erin habang kalong-kalong ang anak kong si Shane.

"Talaga bang nanaganak ka na sa itsurang iyan? Parang hindi halata ah," she uttered. Isang beses niyang sinulyapan si Shane ang tyan ko hanggang sa muli na naman siyang lumapit sa akin. Hinawi ang buhok kong nakalagay sa aking balikat. Her hands were soft and lightier. I can't help but to feel scared at the same time.

I look at Erin. Pero tinanguan niya lang ako na para bang pagbutihin ko pa.

"O-opo." I answered.

"At bente ka pa lang kamo? Sa bagay, bata ka pa. Pero ang swerte mo sa katawan, hija. You're blessed," sabay dugtong ng tawa.

Kinikilbutan ako.

"Walang sabit? Dalagang ina ka?" tanong niya ulit habang nasa aking likuran.

Umiling ako. "Wala po.."

Huminto siya sa harapan ko at malapitang pinagmasdan ang mukha ko. her brows shot up. "Maganda ka. Siguro marami sa'yong nababaliw na lalaki. You'll be great addition to my club, hija." She said while roaming my face with her eyes.

Para akong pinipilipit sa takot nang sabihin niya iyon. I was contemplating habang papunta rito at habang binibigay sa akin ni Erin ang mga detalye sa club na pinagtatrabuan niya. She's a dancer too. Malaki raw niya ang kinikita niya sa pagsasayaw gabi-gabi. I wanted to ask kung mayroon pang mas hihigit doon at kahit alam ko na ang sagot, still I am taken aback. Instead I told her na baka may ibang trabahong bukas doon maliban sa pagsasayaw.

"Mas gusto niyang mag-apply bilang waitress, Tita." Erin added.

Gulat siyang nilingon ni Miss Amanda, "Kung magse-serve ang ganitong mukha at katawan sa club ko, siguradong dudumugin ako ng mga customer para mai-table siya. You can't be a waitress with that angelic face, oh shut up!" umiling-iling pa siya na para bang sigurado sa sinabi.

"H-hindi po ako sumasayaw..at may anak po ako,"

She raised a brow at me. "Alam mo hija, walang problema kung hindi ka marunong sumayaw dahil may magtuturo niyan sa'yo dito. At tungkol naman sa anak mo, hindi rin 'yan magiging sagabal dahil hindi naman halata sa katawan mo at hindi rin siya ilalabas sa gabi. Not unless kung ibo-broadcast mo sa lahat. At lahat ng babaeng nagtatrabaho dito, may mga sikreto ring tinatago. That's not an issue to me basta gumagawa ng pera sa negosyo ko."

I gulped. Nilingon ko ulit si Erin. But she just nodded at me.

"Baka po pwedeng sa kusina na lang ako. Kahit taga-hugas lang po ng mga plato," I begged.

Tinawanan niya ako at tinalikuran. Umikot siya sa kanyang mesa at umupo sa office chair. Talaga yatang katawa-tawa ang sinabi ko.

She tilted her head. "Inosente pa. But I like you." She heaved out a sigh. "Sige. Tutal naman ay masyado ka pang bata at hindi pa mulat sa ganitong mundo, tatanggapin kitang dishwasher sa club ko." nagbukas siya ng drawer at kumuha ng isang stick ng sigarilyo doon. Kinabahan pa ako dahil sa loob din ng office si Shane. But then, she didn't lit it up yet. She looked at me. "Ang sabi ni Erin ay dito ka na rin makikituloy?"

First HeartbreakWhere stories live. Discover now