Chapter 35

82.4K 2.3K 262
                                    

Chapter 35

Ellie

Hinatak ko si Ridge nang makita ko sa ibabang bahagi ng kanyang labi ang naiwang stain ng lipstick ko. Tiningnan niya ako at naglalambing na pinaikot na naman ang mga braso sa baywang ko.

But I used my thumb to fade out the stain. "May lipstick ka pa sa labi mo.." I almost whispered. Bahagya ko pang nilapit ang mukha sa kanyang labi para tingnan kung may naiwan pang ebidensya. Ngayon pa lang ay umiinit na ang mukha ko, palabas pa lang kami. Hindi naman nila malalamang naghalikan kami rito sa kwarto, pero kasi..nahihiya pa rin ako.

Nilabas pa niya ang dila para paraanan ang bahaging pinunasan ko na. Namilog ang mga mata ko. Kamuntik na kasing matamaan ang daliri ko ng dila niya.

"Masarap ang lipstick mo, mine." Nanunukso niyang bulong sa akin.

Napangiwi ako at mahina siyang hinampas sa kanyang dibdib.

He smirked, "Parang labi mo." Then he added.

Tila ako naiskandalo sa sunod niyang sinabi, "Ridge!" pinigil ko ang sariling mapalakas ng boses. Bumitaw na ako sa kanya at tinungo ang pintuan, "Tara na nga."

Narinig ko na lang ang mahina niyang pagtawa.

Is it a good sign? Na igagalang niya ang ama kahit man maging civil din sa harap ng Mama at anak niya? Umaasa ako.

Paglabas namin ay nasa hapagkainan na ang lahat maliban kay Mama Lian na abala pa sa kusina. Papa Santi seat just beside Shane. Nasa harapan naman nila si Tita Cons na kausap ang kapatid.

Ang libreng upuan ay sa tabi ni Tita Cons. Doon na lang kami uupo dahil sa papagitnaan ng mga magulang niya ang kanilang apo. Nilingon ko muna si Ridge, "Maupo ka na. Tutulungan ko lang si Mama sa paghahain," I said. Nakita na rin siya ni Shane kaya mapupukaw na ang atensyon niya sa ama. I hope so.

"Mama?"

Natigilan ako. Siya nga pala..hindi pa niya alam na iyon ang tawag ko sa Mama niya. Nang tingnan ko siya ulit ay may natatagong ngisi sa kanyang labi. "Umupo ka na roon." Mahigpit kong sabi.

Imbes na sumunod ay ay inabot niya ang kamay ko at pinisil. I can feel his fingers playing with mine.

"Hindi mo nasabi sa akin ang tungkol doon, ah." Bulong niya.

Matalim ko siyang tiningnan. Hindi na ako nagsalita. It will take us longer before we can settle that. Tinitigan ko siya ng masama. Just telling him to shut his mouth up.

Tila sumusuko naman siyang binitawan ako at tinungo ang lamesa. Tinumbok niya ang pwesto rin ni Tita Cons.

I sighed. Nilagpasan ko na sila at pinuntahan si Mama Lian sa kusina. Naabutan ko siyang nagsasandok ng ulam mula sa kawali. Nilapitan ko siya para kunin ang sinasandok. When she look at me, nginitian niya ako at hinayaan na. Pagkatapos ay kinuha na niya ang pitsel ng orange juice at sabay na naming nilabas ang mga iyon.

Mabilis na tumayo si Ridge at kinuha sa akin ang hawak ko. Walang nagsasalita sa aming lahat maliban sa mangilan-ngilang tanong ni Shane sa kanyang Lolo Santi.

I saw Ridge occupied the seat infront of Mama, kaya umupo ako sa tabi ni Cons. Shane was infront of me. Pagkaupo ni Ridge ay muli ko na namang nadama ang pagkailang. Hindi dahil sa sariling dahilan kundi sa tensyon ng dalawang Castillano. Nasa dugo yata nila intimidation. Ang lakas.

Tita Cons cleared her throat and get the rice first.

"Be civil boys, may bata sa hapag." She warns simply.

Tumikhim na rin ako at nanguna nang sandukan ng ulam ang plato ni Shane. He smiled at me and says his thank you. Nang matapos ako sa kanya ay muli na namang dumaan ang hangin. Shane started eating but us still creating a silent mess.

First HeartbreakWhere stories live. Discover now