Chapter 21

72K 2.2K 372
                                    


Chapter 21

Ellie

I woke up late. Mag-aalas dyis na ako nagising, wala na rin akong katabi. Nagmadali ako sa pag-aayos at pwede pa naman akong pumasok sa trabaho. Dadalawin ko rin ulit si Shane para kamustahin kaya dapat akong umalis ngayong araw. Nagisnan ko pa ang stainless bowl sa lamesita, pati ang paracetamol at baso ng tubig. Naligo na ako at nag-ayos, sa paglabas ko ay dinala ko na rin sa mga pinaggamitan ko noong may sakit si Ridge.

Dahil sa tanghali na ay wala na akong naabutan sa dining table. Naabutan ko na lang si Nats sa kitchen na naghuhugas ng mga pinggan at baso sa sink. Her face lifted when she saw me. "Good morning, Mam Ellie!" she joyfully greeted me.

Nanibago ako roon. Kaya napapangiwi akong ngumiti sa kanya, "Morning..na-late ako ng gising," sagot ko. binaba ko ang gamot sa counter island, tinapon ko naman ang tubig mula sa stainless bowl.

"Ipahahain ko po kayo ng agahan, Mam," nagpunas ng mga kamay sa tuwalyang nasa kanyang balikat at akmang kukuhaan ako ng plato nang pigilan ko siya.

"No, it's okay, I can manage na, Nats. I'll just have a quick breakfast." A sandwich won't hurt. Kinuha ko ang loaf bread at binuksan ang fridge, looking for some spread. Probably ay iyong kinain ko noong gabing nagutom ako.

There's a question popping in my head. Palingon-lingon ako kay Nats na mangha akong pinagmamasdan pero kalaunan ay pinagpatuloy na lang ang ginagawa. Nagmamadali ako sa pagkain. Umiikot din ang mga mata ko at naghahanap ng trace. Hanggang sa hindi ko na rin kinaya at nagtanong na sa kanya.

"Umalis na si Ridge?" For me, it feels like a stupid question. Anong oras na kaya, Ellie. Malamang ay papasok 'yon.

Nilingon niya ako at nginitian. "Hindi po, Mam. Nasa opisina lang niya rito, 'di raw siya papasok at magpapahinga na lang."

"May sakit pa ba siya?" Nabinat kaya? Bakit ang agang tumayo kung gusto naman palang magpahinga?

"Wala na raw po, saka hindi na mukhang matamlay, Mam. Baka gusto lang um-absent ni Ser."

Kumunot ang noo ko at bumagal ang pagnguya sa tinapay sa makahulugan niyang sagot sa akin. I didn't ask another question at nanahimik na lang. Kung gusto niyang magpahinga pa, then fine. Basta ako ay naka-set nang papasok sa Secret at pupuntahan ko ulit ang anak ko.

Ilang minuto lang ang inilagi ko sa kusina at iniligpit na rin ang agahan ko. Nats insisted pero ako na lang din ang gumawa. Hindi na ako nagbaon, kina Rica na lang ako kakain para makasabay na rin si Shane.

Mula sa kusina ay tinahak ko ang daan papunta sa opisina ni Ridge sa baba. Magpapaalam ako, mandatory iyon sa akin. Pero nang masilayan ko na ang pinto ng opisina ay dinagsa ako ng kaba sa aking dibdib. Lumitaw ang mga imahe niya sa akin kagabi. I stop and cleared my throat. I closed my eyes and massage my temple. Pakiramdam ko ay sumasakit lang ang ulo ko habang binubura ang mga imaheng iyon. Huwag ngayon, please. Ano, bukas na lang o mamaya, Ellie? Oh, damn it!

Ni hindi nga dapat nangyari iyong kagabi. He's sick. Pero nagpatangay pa rin ako. Iba kasi ang iniisip ko kaya..nagpaubaya ako. I stomped on my feet and grunt. "Not now, or never again!" inis kong bulong sa sarili. It's crazy.

Napabuntong-hininga ako. Inulit ko ulit iyon at kahit kabadong-kabado ang dibdib ko ay kumatok ako sa kanyang pinto. A very not so soft knocks and I opened the door. I peeked in and I saw him on the phone. Sinalubong niya ako ng tingin. Nakaabang na ang mga mata niya pagsilip ko pa lang kaya halos mapasinghap ako sa gulat.

"May I come in?" mahinang tanong ko sa kanya dahil sa may kausap pa siya cellphone. He nodded at me. Nilakihan ko ang puwang ng pinto at tuluyang pumasok sa loob. Magaan kong nilapat ang pinto para hindi makaistorbo sa kanya. At nang humarap ako sa kanya ay hindi ako umalis sa harap ng pintuan. I just stood there and waited.

First HeartbreakWhere stories live. Discover now