CHAPTER 35

23 3 1
                                    

Chapter 35

"Kino, paabot nga nung ketchup." utos ni Andy habang kumakain silang dalawa ni Kino.

Hindi siya tiningnan ng binata kaya muli niyang inulit ang sinabi niya.

"Kumag, yung ketchup. Paabot po.." mahinahong wika niya ngunit tila walang naririnig si Kino kaya walang nagawa si Andy kundi tumayo at siyang kumuna ng ketchup bago bumalik sa upuan.

Malapit na siyang matapos kumain nang tumayo si Kino at binitbit ang bag nito na ikinagulat ni Andy.

"Aalis ka na? Sandali lang, kumakain pa ako." wika ni Andy.

"Male-late na ako." tipid na tugon ni Kino bago nagmamadaling lumabas ng bahay.

Dahil sa pagkadismaya ay mabilis na tumayo si Andy at binitbit ang isang hotdog habang hinahabol sa paglalakad si Kino. Nang maabutan niya si Kino sa paglalakad ay saka niya lang kinain ang hotdog na binitbit niya.

"Bakit hindi mo na lang tinapos yung pagkain mo?" medyo iritable na tanong ni Kino.

"Gusto nga kasi kitang makasabay. Marami akong gustong ikwento." paliwanag ni Andy habang nginunguya ang kinaing hotdog.

Hindi na kumibo pa si Kino at tahimik na binagtas ang daan papunta sa Paaralan. Napansin ni Andy ang pag-iiba nang kilos ng kaibigan ngunit hindi na niya ito tinanong dahil mukhang wala rin itong balak na magkwento.

Nang makarating sa Paaralan ay kaagad na nakakuha nang atensyon nila ang mga estudyante na dismayado ang mga mukha habang may binabasa sa Bulletin board. Naunang lumapit si Kino na sinundan ni Andy.

Nang makapunta sa unahan ay pareho silang nagulat sa nabasa.

'Starting today, all the Gig's and School Performance of the school band Maze is now stopped. According to mr. Kremir Con Regino, there are some uncertain things that they need to be done before going back on their path. Please, kindly accept their decision. Thank you.'

Hindi maiwasang maisip ni Andy ang dahilan nang desisyon na ito ng group leader na si Krem.

"Sayang naman, akala ko matutuloy yung Performance nila para sa School Fiesta." malungkot na wika ng isa sa mga estudyanteng katabi nila.

"Sa pagkakaalam ko, may kahihiyan na nangyari kagabi sa Bar kung saan sila nag-guest para magperform. Pero, ayaw nilang kumalat ang issue." opinyon ng isa.

Nakaramdam ng kaba at lungkot si Andy habang pinapakinggan ang usapan ng mga estudyante. Gusto niyang humingi ng tulong kay Kino para hilahin siya palayo o kaya naman ay pigilan ang mga nag-uusap ngunit wala siyang inasahan na kilos ng binata na hindi man lang siya inabalang lingunin. Labis na nakadagdag iyon sa kalungkutan ni Andy.

Hindi niya maiwasang itanong sa sarili kung ano ang nagawa niya para biglaan siyang pabayaan ng inaasahan niyang tutulong sa kan'ya.

'Kagabi naman, ayos pa kami. Bakit nag-iba na naman ang pakikitungo niya? Ano bang problema niya?!' may gigil na tanong ni Andy sa sarili.

"Talaga ba? Baka tungkol na naman sa bago nilang bokalista. Simula kasi nang pumalit iyon, ang dami ng mga problema ang dumating sa kanila. Ano naman kaya ang kahihiyan na ginawa—"

"Napaupo siya sa stage at nag-iiyak habang nagpe-perform sila. You know much worst? She fainted and all the audience scolded her." pagpapatuloy ni Andy sa sinasabi ng isa pang estudyante.

Nilingon siya ni Kino at ng mga estudyanteng nag-uusap. Medyo nagulat pa ito sa presensya niya.

"Hala? 'Di ba siya yung bagong bokalista?" puno ng gulat na tanong ng isa sa mga estudyante habang tinuturo si Andy.

FIVE SENSESWhere stories live. Discover now