CHAPTER 5

34 6 0
                                    

FIVE SENSES

CHAPTER 5: DENUM EMMANUEL GOZO

"Kung hindi si Denum ang killer, edi si Rizalino?" opinyon ni Andy kay Kino habang nasa sala sila ng bahay nito.

Napahalukipkip si Kino bago siya tinaasan ng kilay.
"Pwede bang mag-imbestiga muna tayo kung ano ang nangyari sa kaso nila at kung bakit sila namatay? Huwag tayo mag-akusa kaagad, tingnan mo ang nangyari sa ginawa mo."

Natahimik si Andy sa sinabi ni Kino dahil alam niyang may punto ang binata.

"Pinabayaan mo kasi ako. Siguro naman may naisip ka na para makapag-imbestiga tayo?"

Sumandal sa sofa si Kino bago idinipa ang kamay sa sandalan.
"Meron na.." nakangising lumingon ito kay Andy. "Syempre, ikaw ang gagawa.."

"Ano? Huwag mo sabihin na papapuntahin mo ako sa Clubroom ng Detective Club at paghahanapin ng mga files habang kaluluwa ako." nangingiting biro ni Andy.

"Masyado mong pinahirapan ang sarili mo, gusto ko sanang sa Police headquarters ka pumunta kaso mas maganda ang ideya mo kaya goodluck." seryosong sabi nito.

Napalunok si Andy sa sinabi ni Kino.

"Seryoso ka? Baka makita ako ni Denum." reklamo ni Andy.

Umiling si Kino.
"Sinabi mong hindi ka niya nakilala, it means na wala siyang third eye."

"Pero nahawakan ko siy-"

"Nahawakan ka ba niya?"

Napaisip si Andy bago umiling.

"So, don't worry. Baka may ibang epekto kapag demonyo ang kaharap mo." biro ni Kino.

Umangat ang sulok ng labi ni Andy.
"Hindi nakakatawa." tumayo na si Andy.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Kino.

"Maghahanap ng kausap, 'yung matino."

"Talaga ba? Puntahan mo si Denum, mukhang bagay kayo.." pang-aasar ni Kino kaya hinagisan siya ng unan ni Andy bago umakyat patungong kwarto.

Hindi na nagsalita pa si Andy dahil may balak rin siyang itanong sa mga kaluluwa.

Huminga ng malalim si Andy habang may dalang upuan. Tinatahak niya ang Paranormal Clubroom para hindi siya mahirapan maihiwalay ang katawan niya.

Nang makarating sa Clubroom ay kaagad siyang umupo at hinintay na may multong lumapit sa kanya. Ilang saglit pa ay nakaramdam siya ng hilo at dahan-dahan siyang nawalan ng malay.

"Andy.."

Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mata at sumalubong sa kanya si Recca na may pag-aalala sa mukha. Tumayo siya at tiningnan ang katawan na walang malay bago bumaling sa kaluluwang si Recca.

"Bakit ikaw lang? Nasaan yung iba?" tanong niya rito.

Kinakabahang tumingin sa kanya si Recca.
"Nagtatago sila.."

"At bakit?" pumameywang si Andy sa kaharap. "At itatanong ko rin kung bakit nawala kayo ng makita si Denum? Kung hindi siya yung pumatay sa inyo, bakit takot kayo sa kanya?"

Napakagat ng labi si Recca bago hinawakan ang kamay ni Andy.
"Denum is pure evil. He can hurt any ghost even if he can't see them, us."

Kumunot ang noo ni Andy.
"How? Is he has a supernatural power?"

Tumango si Recca.
"Yes, he can touch all ghosts and all ghosts can touch him. In this place, no one dares to touch him. When you try, he will hurt you. That's why many ghosts go to another place just to avoid him." paliwanag ni Recca na ikinabahala ni Andy.

FIVE SENSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon