CHAPTER 6

28 6 0
                                    

FIVE SENSES

CHAPTER 6: DEVIL TALK

"May nalaman ka ba sa ginawa mo?" tanong ni Kino habang naglalakad sila sa hallway at papunta sa kani-kanilang klase.

"Oo, nakita ko yung case report ni Recca at nakalagay roon na namatay siya sa atake sa puso."

Napahinto si Kino at napatingin kay Andy. Tumingin si Andy sa paligid bago mas lumapit kay Kino.

"Kung hindi pa nahahanap ang katawan niya, paano nakagawa ng report sa kanya ten years ago?" mahinang ang boses na sabi ni Andy.

Namilog ang mata ni Kino sa sinabi ng kaharap.
"T-ten years ago? So, you are trying to say that all our speculations are wrong?"

Napakibit-balikat si Andy.
"I don't know, hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan." tila naguguluhang sabi ni Andy. "Posibleng nagsisinungaling yung report pero imposible naman na pumayag yung mga magulang niya na ganoon ang ilagay kundi pa nahahanap ang katawan?"

May nabuong ideya sa kanilang dalawa kaya nagtanguan sila.
"Hindi naman sana ganoon ang nangyari.." malungkot na sabi ni Andy.

"I hope so, but, we need help to know more about this situation. Wala tayong kakayahan na makapag-imbestiga kung hindi tayo hihingi ng tulong sa kanila." nag-iisip na sabi ni Kino.

Naningkit ang mata ni Andy bago napaatras at napailing ng maintindihan ang sinasabi ni Kino.

"No! Hindi tayo hihingi ng tulong sa Detective Club." may paninindigan na sabi ni Andy bago muling naglakad. Sinundan naman siya ni Kino.

"Ano ba, Andy? Akala ko ba gusto mong matulungan yung mga kaluluwa?" tanong ni Kino. "That's the only way we can help them, iyon na lang ang paraan."

Huminto si Andy bago hinarap si Kino.
"Bakit mas gusto mo na humingi ng tulong sa kanila kahit ang baba ng tingin nila sa mga gaya natin?"

"Kasi mas iniisip ko ang mga naipangako natin kaysa ang sarili ko. Kapag nangako ka sa isang tao, asahan mong buo na ang tiwala nila sa iyo at kapag nasira iyon, napakasakit. Isipin mo ang mararamdaman ng mga kaluluwa na pinangakuan mo, ang mga kaluluwa na ikaw lang ang inaasahan. Oo, patay na sila pero mas doble ang sakit na mararamdaman nila sa oras na hindi natin sila matulungan." paliwanag ni Kino na ikinatahimik ni Andy.

Lumapit sa kanya si Kino bago siya nginitian.
"Aminin na natin na may talento tayo pero hindi makatao, buhay tayo at wala tayong koneksyon. Sa pagkakataong ito, kailangan natin ng tulong dahil ngayon lang rin ako tutulong para malutas ang isang kaso ng pagkamatay ng kaluluwa." dagdag pa ni Kino.

Napabuntong-hininga si Andy bago tumango.
"Okay.. Ikaw ang bahala."

Hindi na pumasok ng klase ang dalawa, dumiretso sila sa Detective club. Pagkapasok nila ay sinalubong sila ng kayumanggi na babae na abala sa pag-aayos ng mga papeles. Natigil ito sa ginagawa at kunot-noo silang tiningnan.

"Anong kailangan niyo?" tanong nito sa kanila.

Nagkatinginan sila bago ibinalik ang tingin sa babae at sumagot si Kino.
"May ipapalutas kaming kaso, gusto namin makausap ang Presidente niyo."

Umangat ang isang kilay nito.
"Baka Presidente natin ang ibig mong sabihin. SSG President rin siya." paglilinaw ng babae.

Umiling si Kino at iwinagayway ang mga kamay.
"Oo na, Entice. Kahit sino pa siya, basta gusto namin siya makausap." halata ang iritasyon sa boses ni Kino.

Inirapan ni Entice si Kino bago pumasok sa isang kwarto. Pagkalabas nito ay tiningnan nito si Andy.

"Naroon siya sa loob." sabi nito.

FIVE SENSESWhere stories live. Discover now