CHAPTER 20

21 5 0
                                    

CHAPTER 20: VOICE OF AN ANGEL

Masama ang timpla ni Andy ng makita ang pagpasok ni Kino sa Clubroom nila. Kaagad niya itong binato ng mga bolang papel na nabuo niya kakahintay sa binata. Hindi inaasahan ni Kino ang gagawin ni Andy kaya hindi siya nakaiwas at nasalo ang mga bolang papel na binato nito.

"Anong problema mo?" naguguluhang tanong niya kahit may ideya na siya.

Mabilis na tumayo si Andy bago paika-ikang lumapit kay Kino. Pantay ang kilay nito bago inalagay sa beywang ang mga kamay.

"Ang problema ko ay ang pangtri-trip mo sa akin at panlalait sa akin nung babaeng iyon na halata namang may gusto sa iyo." mataray na sabi ni Andy.

Natawa si Kino dahil sa inaasal ni Andy.
"Para kang nagseselos na girlfriend.." mahinang sabi ni Kino ngunit hindi narinig ni Andy at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Dahil sa pakikipagharutan mo sa Lylia na iyon ay hindi na tayo nakapagpractice, ano na lang ang gagawin natin mamaya? Pagtatawanan nila tayo?!" natatarantang sabi ni Andy.

Hindi nawala ang ngiti sa mukha ni Kino habang tinitingnan ang dalaga.

'Hiyang-hiya ako sa pagpapantasya mo kay Krem..' sabi ni Kino sa kanyang isipan.

"May oras pa naman tayo, kumalma ka." pagpapakalma niya kay Andy ngunit mas sumama ang timpla ng mukha nito.

"Kumalma?! Paano ako kakalma kung hindi naman talaga ako kumakanta?! Tsaka ikaw, paano ka magpe-perform? Hindi ka na naman mahilig sa music, wala tayong talent." malungkot na sabi ni Andy na tila nawawalan na ng pag-asa.

Tumango si Kino bago hinawakan ang ulo ni Andy at ginulo ang buhok nito.
"Basta ibigay na lang natin ang best natin. Ikaw lang naman dapat ang mag-o-audition pero dinamay mo ako kaya parehas nating ipapahiya ang mga sarili natin. Kung hindi tayo matanggap, atleast nagkaroon tayo ng way para makilala si Lylia. Isang gateway ang audition para makalapit tayo sa grupo nila." paliwanag ni Kino para mapakalma si Andy.

Malalim ang bawat paghinga ni Andy bago tumango.
"Okay, basta bahala na. Sanay na naman ako sa kahihiyan.. Pero sa oras na laitin ako nung Lylia na iyon, tatakutin ko siya kapag naging kaluluwa ako." biglang napangisi si Andy sa naisip na ideya.

Tumango si Kino, "O, siya, ikaw ang bahala.. Basta, kapag nahuli kitang nakipagharutan sa Krem na iyon, sasabihin ko na crush mo si Denum." pagbabanta ni Kino. "Alalahanin mo, hindi si Krem ang dahilan ng paglapit natin sa Music Club kaya huwag mo siya gawin priority."

Napairap sa kawalan si Andy.
"Huwag kang mag-alala, dahil sa sinabi ng admirer mo. Hindi ko na gusto na lapitan ang mga 'gaya mo, baka nga kay Denum na talaga ako lumapit dahil siya na rin ang nagsabi na hindi siya magandang lalake." biro ni Andy.

Kumunot ang noo ni Kino, "Subukan mo lang. Aist!"

Umirap sa kawalan si Andy bago naghanap ng kanta na gagamitin sa performance nilang dalawa.

"Magpakilala kayo." panimula ni Krem habang nakatingin sa dalawang estudyante na nasa harapan niya.

Napakagat ng labi si Andy bago tumingin kay Kino at siniko ito. Ngumiti si Kino.

"Kino Lorenzo De Vera, 16, a 4th year high school. I want to join in your club as a guitarist." pakilala ni Kino bago ipinakita ang hawak na gitara.

Tahimik na nakikinig ang apat ngunit may kakaibang kislap sa mga mata ng nag-iisang babae habang nakatitig kay Kino. Napansin iyon ni Andy kaya tinaasan niya ito ng kilay. Samantalang si Krem ay pinanatili ang pagtingin kay Andy na hindi pa rin nagpapakilala.

Nabaling ang atensyon ng lahat kay Andy na hindi pa rin nagsasalita at nakatingin pa rin ng masama kay Lylia.

"Ehem, baka gusto mo na magpakilala.." nangingiting sabi ni Krem kaya tumingin sa kanya nang masama si Andy.

FIVE SENSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon