CHAPTER 1

58 9 0
                                    

FIVE SENSES

CHAPTER 1: THAT GUY, THAT GIRL

ISANG malakas na sampal ang bumungad kay Andy nang makauwi siya mula sa Hospital. Mula ito sa galit niyang tiyahin na kamakailan lang ay pinalayas siya. Narito siya sa bahay nito dahil dito siya inihatid ng mga pulis matapos malaman na nagnakaw siya sa mini market.

"Wala ka talagang ginawang maganda?! Pinalayas na kita 'di ba? Bakit ka pa bumalik?!" nagpupuyos sa galit na wika nito.

Yumuko siya bago sumagot.

"Dito ako hinatid eh, sisihin mo yung mga pulis." walang emosyon na wika niya.

Dahil sa pagsagot ay muli siyang sinampal ng babae.

"Talagang kumapal na ang mukha mo at nakakasagot ka na. Ayan ba ang natutunan mo sa Paaralan niyo?"

"Oo. Tinuruan kaming sumagot sa school. Kapag hindi ako sumagot, babagsak ako." seryosong wika niya.

Mas namula ang mukha ng tiyahin niya at hinila ang kanyang buhok.
"Kung ganoon, doon ka sa school mo manirahan. Huwag ka ng babalik dito!"

Tinulak siya nito ng malakas kaya napaupo siya sa kalsada kasabay ang paghagis ng kanyang bag. Imbes na magmakaawa ay kinuha niya ang bag na laman ay gamit sa eskwelahan at nilisan ang lugar.

Sanay na siya sa trato ng kanyang tiyahin mula ng ito ang mag-alaga sa kanya dahil sabay na namatay ang kanyang magulang. Hindi ito mabuting magulang dahil wala itong naging pamilya. Iyon na lang ang iniisip niya.

Huminto siya sa isang bus stop at inikot ang paningin. Nang mapansin na wala ng tao ay nahiga siya sa mahabang upuan bago ipinikit ang mga mata. Pinilit na matulog kahit kumakalam ang sikmura.

"Magkano bayad?" tanong niya sa isa niyang kaklase ng iabot nito ang isang proyekto para sa Filipino subject.

Luminga-linga ang babae bago inabot ang dalawang daan. Mabilis niya itong tinanggap.

"Siguraduhin mo lang na maipapasa iyan before the deadline."

Tumango na lang siya bilang tugon dahil halos kalahati ng klase nila ang nagpagawa sa kanya ng proyekto.

Ganito palagi ang buhay niya para mabuhay sa araw-araw. Mabuti na lang at scholar siya kaya pagkain na lang ang pinoproblema niya. Kahit nasa mababang seksyon ay napapanatili niya ang magandang grado.

Abala siya sa ginagawa nang marinig ang kwentuhan ng mga nakapaligid sa kanya.

"Kilala niyo ba si Kino? 'Yung sikat na Fourth-year student. Presidente siya ng Paranormal Club?"

"Kumakalat na naghahanap siya ng bagong miyembro matapos mamatay nung huling member niyang bakla dahil sa heart attack."

"Paano ba naman? Nagpanggap na may third eye dahil gusto magpapansin kay Kino. Nung makakita ng multo, inatake. Patay!"

Halos matawa ang mga nag-uusap sa paligid niya. Ngunit hindi niya na pinansin at tinuon ang atensyon sa mga ginagawa.

"Anong talent mo?" tanong ng lalake na nakaupo sa isang mahabang mesa.

Nang-aakit na tumingin ang babae sa kanya.
"Marunong ako sumayaw, kumanta, magluto, maglab-"

Itinaas ng lalake ang kaliwa niyang kamay.
"What I mean is, the Paranormal thing you have? A third eye? Or anything that about paranormal activities." paglilinaw niya.

Napakagat ng labi ang babae bago gumewang-gewang.

"Ahm, kaya ko umarte na maging multo?"

Kumunot ang noo niya.

FIVE SENSESWhere stories live. Discover now