CHAPTER 37

16 3 0
                                    

Chapter 37


Nasa labas palang sina Andy at Kino ngunit maririnig na ang boses ng isang anghel na nagpapatugtog ng gitara sa loob ng Clubroom.

Pareho sina Andy at Kino na napasilip sa bintana kung saan kitang-kita si Lylia na abala sa pagpapatugtog gamit ang gitara at nakadekwatro habang prenteng nakaupo sa mesa na may pangalan ni Andy.

Kaagad iyon napansin ng huli kaya kunot-noo nitong binalingan si Kino na sinenyasan siyang manahimik.

"Hayaan mo muna siyang libangin ang bisita natin. That's my first task as a newbie in our Club." paliwanag ni Kino na hindi nililingon si Andy.

Muling tiningnan ni Andy ang naggigitarang si Lylia ngunit tulad ng inaasahan, wala siyang nakita na kasama nito.

"Nasaan yung bisita?" pagtatanong ni Andy habang inililibot ang paningin.

Itinuro ni Kino ang sopa na walang tao ngunit kakaiba ang nararamdam ni Andy nuong tapunan niya iyon ng tingin.

"Paano mo siya napilit na maging miyembro natin sa kabila ng nangyari?" may pagkalito na tanong ni Andy.




Sa puntong iyon ay nilingon na siya ni Kino at binigyan ng pilyong ngiti.

"I never forced her, she voluntarily asked my permission to become a Paranormal Club member. Siya pa ang nagsabi na labas ang nararamdaman niya at ang nangyari sa amin sa dahilan kung bakit siya sumali. Dahil medyo na-guilty din ako, tinanggap ko siya." paliwanag ni Kino na mas ikinabahala ni Andy.

Muling ibinaling ni Andy ang tingin sa dalagang nakaupo sa mesa niya at malalim na iniisip ang mga nangyari kanina.

'Imposibleng mangyari ang sinasabi niyang labas ang nararamdaman niya sa dahilan para sumali, ang tanga ni Kino kung pinaniwalaan niya agad iyon.' hindi mapanatag na wika ni Andy sa kaniyang isipan.

Alam niya na may mali sa pagsali ni Lylia at hahanapin niya kung ano ang talagang dahilan nito, maging ang iba pang dahilan kung bakit mabilis na naniwala si Kino sa sinabi ni Lylia. Alam niyang may iniisip na kakaiba si Kino.

Nang matapos ang pag-awit ni Lylia ay inunahan na ni Andy si Kino sa pagpasok ng pinto. Walang emosyon niyang tiningnan si Lylia.

"Kung gusto mo na hindi ka mahirapan sa pagsali sa Club namin, una, subukan mong alamin kung saan ka pwedeng umupo at ang mga bagay na hindi mo dapat pakialaman." panimula ni Andy na seryoso at pinanatiling kalmado.

Nagtatanong ang mata na nilingon siya ni Lylia bago nito ibinaba ang hawak na gitara sa lamesa at nangingiti na tumayo upang harapin siya.

"Sa pagkakaalam ko, tanggap na ako rito kaya hindi ako nahirapan. At patungkol naman sa mga lugar na gusto kong maupuan at mga bagay na gusto kong pakialaman, ako na ang bahala doon. Hindi mo ako kailangang manduhan, Vice President." buong pagmamalaki na tugon ni Lylia, "O, let me rephrase it. Hindi mo ako magagawang manduhan dahil may kani-kaniya tayong gampanin dito, hindi lang ikaw ang may kakayahan. Huwag kang magmalaki."

Mariing pumikit si Andy at pilit pinapakalma ang sarili dahil alam niyang wala na siyang magagawa kundi pakisamahan si Lylia ngayong opisyal na ang pagiging miyembro nito.

Kaagad na napansin ni Kino ang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya pumagitna siya sa mga ito at itinaas ang dalawang kamay upang paglayuin.

"O-wo-ho! Guys, baka nakakalimutan niyo ang dahilan kung bakit tayo nandito." medyo mahina na paalala niya sa dalawang babae sa magkabilang banda na muling nagsukatan ng tingin.

FIVE SENSESWhere stories live. Discover now