CHAPTER 16

28 5 0
                                    

FIVE SENSES

CHAPTER 16: THE GHOST BRIDE PT. II

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" may pag-aalala na tanong ni Kino ng magkita sila ni Andy sa gilid ng pool area. Umupo si Kino sa tabi ni Andy at inilubog rin ang paa sa tubig.

Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin dinadapuan ng antok ang dalaga. Bumabagabag sa kanyang isipan ang iilang mga tanong na mukhang si Kino ang makakasagot.

Hindi siya kumibo at mataman na tiningnan si Kino. Medyo nagulat ang binata sa tinuran ni Andy.

"Bakit?" pinilit na ngumiti ni Kino.

"Sinabi ng mama mo na aalis na dapat si Denum kaya nagulat sila ng bumalik ito." binasa ni Andy ang mga labi. "May nangyari ba sa pagitan niyong dalawa?" diretsahan niyang tanong.

Hindi nakakibo kaagad si Kino at napaiwas ng tingin kay Andy. Tumango si Andy at hinawakan sa isang braso si Kino.

"Magkuwento ka, makikinig ako." seryosong sabi ni Andy.

Muling tumingin si Kino bago tumango.
"Nagkasagutan kami." pag-amin nito.

"Bakit?"

"Dahil sa iyo.. Nagalit ako dahil muntik ka na mapahamak sa ikalawang pagkakataon at dahil iyon sa pinabayaan kita kay Denum." mariing umiling si Kino. "Umamin siya na ayaw niya rin sa iyo dahil malapit ka sa akin. At dahil doon, mas buo ang loob ko na ilayo ka sa kanya."

Umawang ang mga labi ni Andy at umiling.
"Hindi mo kailangan na ilayo ako sa kanya dahil magkalayo naman talaga kami."

Ngumiti ng pilit si Kino.
"Hindi ko maramdaman.. Kasi habang  kasama ka ni Denum, pakiramdam ko ay ilalayo ka niya sa akin. Natatakot akong magising na lang ako isang araw, iba na ang kaibigan mo."

Mahinang tumawa si Andy bago naniningkit ang mga mata na tiningnan si Kino.

"Alam mo, masyado kang OA." puna niya sa binata. "Hindi ko magiging kaibigan ang tao na ayaw sa akin kahit niligtas niya pa ako. Sapat na sa akin ang kaharap ko ngayon na takot mawala ako bilang kaibigan niya, Kumag.." dagdag ni Andy bago itinaas ang isang kamao.

Ngumiti si Kino.
"Komasan.." tawag niya kay Andy bago nakipag-twist bomb.

Pareho silang natawa dahil sa pinag-usapan nila.

"Teka, paano ka nakabalik dito?" pag-iiba ni Kino ng usapan.

Muling sumeryoso ang mukha ni Andy.
"Niligtas ako ni Denum..." sagot niya na ikinataas ng mga kilay ni Kino.

"Paano ka niya nahanap?"

Nagkibit-balikat si Andy.
"Malay ko, baka sinundan ka niya." opinyon ni Andy na sinang-ayunan ni Kino.

"Alam mo, natakot talaga ako nang makita kita na walang malay at nakatali. Pakiramdan ko, wala akong silbi dahil hindi kita matulungan." pag-amin ni Kino. "Paano na lang kung mangyaring muli sa iyo ang ganoon tapos wala akong magawa kundi panoorin ka?"

Pinilit na ngumiti ni Andy.
"Kahit ako rin naman ay natakot dahil first time kong hindi nakabalik sa katawan ko. Kinabahan rin ako pero tulad ng sabi ko noon, alam kong nandiyan ka at hindi ako papabayaan."

Nakaramdam ng tuwa si Kino sa narinig kaya hindi niya maiwasan na hawakan ang isang kamay ni Andy na nakahawak sa braso niya.

"Pangako ko, gagawin ko ang lahat para hindi na maulit pa iyon. Kung mauulit man, handa akong makiusap kay Denum para lang matulungan ka." pangako niya sa dalaga bago ngumiti.

Umiling si Andy.
"Hindi mo kailangan mangako, alam ko naman na gagawa ka ng paraan." binawi ni Andy ang kamay kay Kino. "Salamat rin sa pagligtas mo sa akin kanina. Akala ko mamamatay akong hindi na muling makikita pa si Kremir."

FIVE SENSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon