CHAPTER 45

14 1 0
                                    

CHAPTER 45: STRANGER

As the bell rang, the classes started. Katulad ng ibang araw ay normal lang ito para sa mga karaniwang estudyante.

Pero hindi sa mga estudyanteng puro tsismis ang ipinunta sa eskwelahan. Hindi, definitely not, never.

Sa klase kung nasaan ang mga pinakamagugulo at pinakapasaway. May kalakalan na nagaganap.

Habang abala sa pagtuturo ang isang guro na may pantay na gupit ang bangs at maikli lang ang buhok na hindi lalagpas sa leeg nito. May mga estudyante na palihim na nagpapaikot ng kapirasong papel at may ibinabasa roon.

Pinapaikot nila ito sa bawat estudyante na dumaraan para ikalat ang mahalagang balita na pag-uusapan nila sa oras na libre na ang klase. Nasa dulong upuan sa pinakahuling linya si Andy, nalipat siya dahil sa nahuli siya ng pasok ngayong araw. Tanging ang tatlong walang laman na upuan lang ang katabi niya maging ang mga basura sa ilalim nito.

Bumuntong-hininga si Andy bago itinungo ang ulo sa kahoy na armchair.

Monggii, wala na talagang nagbalak na kumausap sa akin simula nang hindi ko magawa yung mga proyekto nila. Mga manggagamit!

Ilang beses siyang bumuntong-hininga bago ipinikit ang mga mata. Dama niya ang tahimik sa kan'yang paligid at tanging boses ng guro lang ang maririnig. Bumibigat na ang talukap ng mga mata niya nang may tumama na kung ano mukha niya.

Napaigtad si Andy bago mabilis na kinapa ang bagay na tumama sa mukha niya. Isang itim na marker.

"Miss Samson! Hindi kita pinapasok sa klase ko para matulog lang!"

Dahan-dahan na bumangon si Andy bago umayos ng upo. Kitang-kita niya ang mga kaklase niya na nasa kan'ya na ang atensyon at iba-iba ang ekspresyon. May mga natatawa at ang iba ay nagtataka, isama pa ang mga wala talagang pakialam.

Ngumiwi si Andy bago umiling.

"N-no, Mrs. Sanchez.. Masakit lang po ang ulo ko kaya yumuko ako saglit." palusot niya.

Tumikhim ang guro bago ngumiti ng pilya.

"Is that so? Siguro ay hindi umiikot ng maayos ang dugo sa katawan mo, may alam akong pwedeng makatanggal ng hilo mo.." itinuro nito ang pinto, "Stand outside my room while raising your two arms! Hindi ka aalis doon hangga't wala akong sinasabi." utos ng guro na masama na ngayon ang timpla ng mukha.

Umawang ang mga labi ni Andy, "But Ma'am.." sumimangot siya at mabilis na tumayo bago dumiretso sa pinto.

Habang papalabas ay naririnig niya pa ang bulungan sa klase kaya binalingan niya ang mga ito nang masamang tingin.

"Mga tsimoso.." she mumbled.

Pumunta siya sa gilid ng pintuan at tamad na itinaas ang dalawang kamay kaya nakuha niya ang atensyon ng mga fourth year na nasa School ground para sa isang anunsyo patungkol sa mga dapat nilang gawin sa darating na mga araw.

"Dahil last year niyo na 'to as a high-school student, you need to join in our Career Assesment Month for two consecutive weeks. Magkakaroon tayo ng Boot Camp sa isa sa mga kilalang resort sa Tanay para doon ganapin ang event para sa inyong mga graduating student." anunsiyo ng isa sa mga matataas na personalidad sa Paaralan.

Nakahawak ito ng mikropono kaya maririnig sa buong Paaralan ang balita. May mga ibang year na nakikinig at sumisilip sa bintana, may ibang nagbubulungan at hinihiling na sana ay makasama sila, at may ibang walang pakialam ngunit gusto lang may mapag-usapan.

Sa lahat ng nakarinig, ang apat na third year lang ang may pinaka-kakaibang reaksyon. Puno ng tanong ang mga ito matapos marinig iyon.

Hinampas ni Lylia ng ballpen ang kakambal na katabi ng upuan kaya binalingan siya nito. Namimilog ang mga mata ni Lylia habang bumubuka ang bibig ngunit walang lumalabas na boses.

FIVE SENSESWhere stories live. Discover now