CHAPTER 3

39 7 0
                                    

FIVE SENSES

CHAPTER 3: THE DETECTIVE CLUB

"Bat ako ang magtatanong?" hindi makapaniwalang tanong ni Andy matapos niyang magising.

Tila kinakabahan pa rin sa nasaksihan.

"Kasi ikaw ang maiintindihan nila." sagot ni Kino.

"Bakit? Hindi ba gumana sa kanila 'yung pakiramdam mo about sa kailangan nila?" tanong muli ni Andy.

Umiling si Kino.
"I think they have a different reason why they are still here. So, we need to help them."

"Bakit natin sila tutulungan?" hindi pa rin nawawala ang kaba ni Andy.

"Kasi opisina natin ang pinamamahayan nila. Sinadya ng SSG na ilipat tayo sa room na iyon dahil alam nilang tayo ang makakalutas ng problema." paliwanag ni Kino kahit nahalata niya ang kaba sa mukha ng dalaga.

"So, sinadya nila iyon dahil naniniwala sila sa Paranormal activities?" tanong muli ni Andy.

Umiling si Kino.
"No. Ginawa nila iyon dahil gusto nilang mabura ang Paranormal Club na tingin nila ay gumagawa ng kabaliwan at pinapahiya ang pangalan ng school."

Umupo si Kino sa madamong lupa bago tiningnan si Andy na nakatayo at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.

"Naintindihan mo naman siguro ang sitwasyon natin kaya kailangan mo akong tulungan na solusyunan ang problema dahil kung hindi, mamaliitin tayo ng ibang Club at wala na tayong magagawa kapag pinasara nila ang Club natin." wika ni Kino bago ayusin ang blue cap niya sa ulo.

Umupo sa tabi niya si Andy bago inilibot ang tingin.
"May tanong ako," putol ni Andy sa namumuong katahimikan. "Bakit mo ba ginustong mabuo ang Paranormal Club? Gusto mo bang makilala bilang baliw na nakakakita ng multo sa paningin ng lahat? Bakit gusto mong ituloy ang Club na 'to kahit maraming disadvantages?" puno ng kuryosidad na tanong ni Andy.

Napaisip si Kino bago siya tiningnan.
"Kasi gusto kong patunayan sa sarili ko na may silbi ang kakayahan kong ito. Hindi ko inisip na sumpa ito dahil alam kong may rason ang diyos kung bakit ganito ako, ikaw.."

Napatingin si Andy kay Kino na nakatingin pa rin sa kanya.
"Gusto kong ipaunawa sa mga gaya natin na may halaga ang anuman na meron tayo, makatao man o makakaluluwa. May espesyal tayong gampanin sa mundo at hindi tayo nag-iisa. At para sa mga taong humuhusga, gusto ko ipaunawa na walang kakaiba sa atin. Sa paningin lang nila, meron." mahabang paliwanag ni Kino.

Walang nasabi si Andy bukod sa malakas na palakpak. Napakunot ang noo ni Kino.

"Para saan 'yan?" tanong ng binata.

"Wala, gusto ko lang gawin." natawa si Andy bago huminto. "Humanga lang ako sa sagot mo. On how you maintain the positivity behind this judgemental society. Hindi tayo normal, abnormal tayo sa paningin ng iba. Nabuhay ako na ganoon ang iniisip pero nang marinig ko ang sinabi mo, para akong nakarinig ng payo mula sa nakakatandang kapatid."

Hindi maiwasang ngumiti ni Kino.
"Okay. I'll take that as a compliment bilang superior mo."

"At bilang nakakatanda, kailangan mo ako bantayan dahil bago palang ako sa ganitong field. As a member of yours, sisiguraduhin ko na gagawin ko ang makakaya ko para sa Club natin."

"So, gagawin mo na 'yung task ko?" tanong ni Kino.

Tumango si Andy.
"Oo, basta hindi mawala ang Club natin. Ang panget naman kung mawawala agad ngayong kakapasok ko lang."

Napailing na lang si Kino bago tumayo.
"Bumalik ka na sa klase mo, Third year. Bibisitahin kita kada isang oras. Kita tayo mamayang uwian sa harap ng opisina natin." huling sinabi ni Kino bago umalis.

FIVE SENSESDonde viven las historias. Descúbrelo ahora