CHAPTER 50

19 3 0
                                    

CHAPTER 50

It is a cold night, but many voices can be heard by Krem. Since when he stopped wearing headphones, his world begins to be more alive and full of excitement.

May mga naririnig siyang humihingi ng tulong, mga kumakanta at mga tumitili o bumabati sa kaniya kahit wala naman siyang tao na nakikita. Kung dati ay kinatatakutan niya iyon, ngayon ay isa na iyon sa inspirasyon niya para mabuhay. Dahil sa kakayahan niya ay mas natutuhan na niyang pahalagahan ang buhay lalo na't mahirap magsalita nang walang nakakarinig kaya dapat hindi siya magbingi-bingihan habang nabubuhay pa siya. Hindi niya nakakausap ang mga kaluluwa ngunit minamarkahan niya ang mga lugar kung saan siya nakarinig ng mga humihingi ng saklolo upang kung makababalik muli sina Andy at ang Club nito ay ipakakiusapan niya ito para tumulong.

His plain living has now a purpose, not just as a President of the Music Club but also, as a living person who hears the problem of the ghost he encountered.

Habang sumusulat ay hindi mapigilan ni Krem na isipin si Andy at ang pag-uusap nila kanina. Mas naiintindihan na niya ngayon ay lungkot sa mga mata ng dalaga at kung bakit hinayaan ng Diyos na magkatagpo sila. Marahil, may dahilan din kung bakit sumali ang nakatatandang kapatid sa Paranormal Club nina Andy at Kino. Hindi namalayan ni Krem na may naisulat na pala siyang mga salita habang inaalala ang mga kaibigan at kapatid.

Binasa niya ito at nangungunot ang noo na pinakatitigan.

Help us, Emir! Please!

Ilang segundo niyang binasa ang mga salitang iyon bago namimilog ang mga mata na tumakbo papunta sa kwarto ng kapatid. Hindi pa rin iyon nakasarado at ni hindi man lang nagalaw ang mga gamit mula nung huli niya itong pinuntahan kaya nasisiguro na niyang may hindi na magandang nangyayari sa kapatid.

Balak niya sanang tawagan ang mga magulang ngunit nagdalawang-isip siya nang mapagtanto na abala na sa mga trabaho ang mga magulang at wala siyang ibang kasama rito sa bahay. Hindi niya ito pwedeng tawagan muli hanggat hindi pa siya nakasiguro dahil mainit pa ang dugo ng kaniyang ama.

'What should I do?' nagsisimula nang kabahan ang binata.

Isang malakas na hangin mula sa bintana ang kumuha ng kaniyang atensyon kaya tiningnan niya iyon. Ilang segundo pa ay kitang-kita niya kung paano umakyat si Andy sa bintana ng kwarto ng kapatid na si Lylia.

Dahil sa pagmamadali nito ay tuloy-tuloy ang pagbagsak nito sa sahig na nagdulot nang malakas na tunog. Saglit na naestatwa si Krem sa kinatatayuan bago mabilis na nilapitan si Andy na sumubsob ang mukha mula sa pagkakahulog.

"Andy, are you alright?" mahinahong tanong niya bago inalalayan si Andy na makaupo nang maayos.

Ngiwi-ngiwi na umiling ang dalaga bago may naaalala kaya kusang dumapo ang mga kamay sa balikat ni Krem na muling naestatwa. Habol ang paghinga ay tinitigan ni Andy si Krem.

"Kremir, tulungan mo ako... Nawawala si Denum." kinakabahang wika ni Andy bago mabilis na ipinakita ang panyo na napulot, "N-awawala siya. S-sigurado ako. Nakita ko itong panyo hindi kalayuan sa lugar lung saan ko siya huling nakita... Tapos, kagabi.. May naririnig akong boses. Boses niya iyon na humihingi ng tulong. Sinubukan ko siyang hanapin kahit sa pinagtratrabahuhan niya ngunit wala raw siya roon." halos hindi na maipinta ang mukha ni Andy habang nagku-kwento.

Sinubukan siyang pakalmahin ni Krem ngunit mas lalo lang kinabahan si Andy nang mapagtanto ang isang bagay.

"N-nasaaan si Lylia?" mabilis siyang tumayo at inikot ang buong kwarto. Balak pa sana niyang lumabas para halughugin ang buong bahay ngunit napigilan siya ni Krem sa sinabi nito.

FIVE SENSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon