CHAPTER 42

10 2 0
                                    

CHAPTER 42: BEHEADED

NASA unang pinto palang si Andy ay nakaramdam na siya nang kakaiba ngunit mas pinili niya na magpatuloy dahil sa kagustuhan na mahanap si Krem at makausap.

Kumatok siya.

Isang katok, walang sumagot.

Pumangalawa, wala pa rin.

Saglit na tumigil sa ginagawa si Andy bago inilapit ang tenga sa pinto upang pakinggan kung may tao sa loob. Balak na sana niyang umalis ngunit ilang saglit pa ay may narinig siyang boses.

"Hindi po ako gutom.. Matutulog na lang po ako." there is a crack voice inside the room.

Nakaramdam ng kaginhawaan si Andy nang makilala kung sino iyon, that voice.. That voice she always wants to hear.

Krem...

Hindi napigilang ngumiti ni Andy nang muling marinig ang boses ng kaibigan na isang linggo niya na ring hindi nakikita.

Marahan niyang pinihit ang siradura ng pinto sa pag-aakala na nakasara iyon ngunit laking-gulat niya nang ito ay bumukas kaya dahan-dahan siyang sumilip.

Dahil hindi maliwanag sa buong bahay ay hindi kita ang pagbukas ng pinto. Madali na nakita ni Andy ang lalakeng nakahiga sa isang kama.

Isang simpleng kama na may kulay dilaw na sapin at may mga bulaklak na disenyo ang kinahihigaan ng binata. May mga maninipis na tela pang disenyo ang apat na poste na parte ng kama.

Ilang saglit pang inusisa ni Andy ang loob ng kwarto. Malaki ito ngunit iilan lang ang gamit, kasama na rito ang isang gitara na halata na ang kalumaan at nakalagay lang sa lapag katabi ng isang notebook.

Hindi maiwasang mapangiti ni Andy nang makita kung patungkol saan iyon, isang notebook na puno ng liriko at kung paano ito patutugtugin sa gitara. Mukhang sulat kamay iyon ni Krem.

Nabasa ito ni Andy nang biglang bumukas ang notebook dahil sa biglaang hangin na hindi niya alam kung saan nanggaling. Maliit lang ang awang ng bintana na siyang nagsisilbing liwanag sa loob ng kwarto kaya imposibleng dito magmumula ang hangin.

Hindi na iyon pinansin pa ni Andy bagkus ay marahan siya na humakbang palapit sa gitara at sa notebook. Dahil sa magandang uri ng sahig ay hindi gumawa ng anumang ingay ang bawat hakbang niya hanggang sa tuluyan siyang nakalapit sa mga iyon.

Umupo si Andy kasabay ang paghawak niya sa gitara bago binuklat ang notebook na nasa sahig.

Ilang pahina ang binasa niya bago may nakaagaw ng kaniyang atensyon at sumulyap muna sa nakahiga at hindi gumagalaw na si Krem bago pigil na ngumiti.

Ilang saglit niyang binasa ang nasa pahina bago nagsimulang patugtogin ang gitara na ang iba pa ay wala sa tono.

Biglang naalala ni Andy kung paano siya nahanap nina Kino at Denum nuong makidnap siya.
Kung paano siya niligtas ng dalawa.

Sumagi sa isipan ni Andy kung paano dumating si Krem sa madilim na silid para damayan siya sa kalungkutan niya. At maging ang una nilang pagkikita na hindi masyadong maganda dahil sa pagtataray niya.

While singing, Andy is reminiscing what happened on their vacation.

Denum and Kino interaction infront of their parents.

Denum helped her to go back in her body.

And how Kino rescued her when she is drowning because of Entice.

Andy can't help but to smile while thinking how the Club ruined her not so normal life and how she changed her standard in terms of frienship.

Hindi napansin ni Andy na may mga matang nang nakatingin sa kaniya at halata ang gulat sa mga mata nito.

FIVE SENSESWhere stories live. Discover now