CHAPTER 22

21 6 0
                                    

CHAPTER 22: DOUBLE TROUBLE

"Sabihin mo nga, paano mo nasabing murder ang nangyari?" kunot-noo na tanong ni Andy kay Denum habang kumakain ng french fries na natira nilang dalawa ni Kino nung nakaraang gabi.

Umangat ang isang sulok ng labi mi Denum habang tinitingnan ang pagkain ni Andy na mukhang napaglipasan na ng panahon ang kalagayan. Napansin ni Andy ang tingin ni Denum sa kinakain niya kaya inalok niya ito.

"Gusto mo ba? Kumuha ka lang."

Napangiwi si Denum at hindi makapaniwala sa sinabi mi Andy.

"Eww, mukhang pinulot mo lang sa kung saan ang kinakain mo tapos iaalok mo sa akin. Kadiri!" napapailing na sabi mi Denum na ikinairap sa kawalan ni Andy.

"Ang arte mo, kagabi lang 'to! Natira namin ni Kino dahil inilibre niya ako." paliwanag ni Andy na mas ikinangiwi ni Denum.

"Tinanong ko ba? Wala akong pake kahit sa date niyo pa galing iyan." masungit na sabi nito bago umupo sa tabi ni Andy.

Nililimliman sila ng mga dahon ng mga puno sa likurang bahagi ng Paaralan. Nakatingin sa malayo si Denum habang patuloy sa pagkain so Andy.

"Date ampotcha? Required ba na kapag magkasama ang babae at lalake ay nagde-date na agad?" nakasimangot na tanong ni Andy.

"Most of the time, para sa mga tsismosa, Oo.. but I don't really care." matipid na sagot ni Denum bago tumingin kay Andy na namilog ang mata dahil sa pumasok ng ideya.

"Hindi tayo nagde-date." tanging nasabi ni Andy nang makita na tumaas ang isang sulok ni Denum.

"Wala akong sinabi. Bat chismosa ka ba?" hindi nawala ang ngisi sa mga labi ni Denum.

Hinampas ni Andy sa braso si Denum, "Hindi mo sinabi pero yung ngiti mo ay kakaiba, hindi kapani-paniwala."

"Wews." tanging nasabi ni Denum bago tumingin sa ibang direksyon. "Sa ngayon, naglalaro pa sa isip ko kung murder or homicide ang nangyari dahil hindi ko natingnan ng maayos yung katawan pero hindi pumasok sa isip ko ang suicide."

Nagpantay ang mga kilay mi Andy bago napanguso habang iniisip ang nangyari at tumingin kay Denum.

"Teka lang, ano ba ang pinagkaiba ng murder at homicide?" tinaasan siya ng kilay ni Denum. "Pero suicide pa rin ang tingin ko dahil iyon ang sinabi nung kaluluwa ni Jonil." sagot ni Andy dahil hindi niya gusto ang naging reaksyon ng binata.

"Wews." usal ni Denum bago tumingin kay Andy. "Murder ang isang krimen kung pinlano ito, homicide kung ginusto mong pumatay pero hindi nakikitaan ng pagpaplano."

"You mean, biglaan lang?" biglang tanong ni Andy.

Tumango si Denum bilang sagot. Napatango ng ilang beses si Andy bago napahalukipkip ang mga kamay.

"Kahit naintindihan ko, suicide pa rin ang paniniwalaan ko." desididong sabi ni Andy na ikinakunot ng noo ni Denum.

"Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan." tanging nasabi ni Denum bago tumayo. "Tara na, may kakausapin pa tayo."

Umangat ang isang kilay ni Andy, "Tara na, may kakausapin pa tayo.. Pero huhulihin talaga niya." mahinang sabi niya bago tumayo at sinundan si Denum.

Hinintay lang nila ang lunch break bago napagdesisyunan na kausapin ang babaeng nagngangalang 'Jessa Mae Dalmacio' na kaklase ni Andy. Nang makita ang paglabas ng taong hinahanap nila sa canteen ay kaagad itong itinuro ni Andy.

"Ayon siya.." ininguso ni Andy ang babaeng hanggang braso ang itim na buhok at abala sa pakikipag-usap sa mga lalakeng nakapaligid sa kanya.

"Looks like she is a real b*tch." komento ni Denum na ikinasama ng tingin ni Andy sa binata saka siniko ito.

FIVE SENSESWhere stories live. Discover now