CHAPTER 38

15 3 0
                                    

Chapter 38

Papasikat palang ang araw ngunit kinailangan na agad bumangon ni Andy matapos marinig ang mga katok ni Kino.

"Andy, bumangon ka na. Tutulungan mo pa si Lylia. Kapag natapos ka maligo, kumain ka na muna, pinaghanda kita ng breakfast. Babalik muna ako sa pagtulong... Good morning." halata ang pagod sa boses ni Kino habang nagsasalita.

Sinubukan ni Andy na takpan ng unan ang ulo niya para hindi marinig ang sinasabi ni Kino ngunit umalingawngaw iyon sa buong pasilyo kung nasaan sila kaya walang nagawa si Andy kundi ang tumayo kahit gusto niya pang matulog.

"Ayan, kasalanan mo ito Andy. Nasobrahan ka sa yabang." pagsaway niya sa kaniyang sarili.

Matapos mag-ayos at mag-agahan ay muli siyang umakyat upang katukin ang pinto ni Kino.

"Papasok na ako, Kumag. Goodbye." tamad na paalam niya ngunit wala na siyang narinig na tugon mula rito.

Habang kinakapa ang likuran niya na nilagyan niya ng dalawang pain relive patches ay mabagal na binagtas ni Andy ang daanan patungo sa kanilang Paaralan. Papasikat palang ang araw ngunit medyo marami na rin ang mga estudyante na kasabayan niya sa pagpasok, isa na rito si Denum na nakasalubong niya bago pumasok ng gate. Pareho silang natigilan at nagkatinginan sa isa't-isa bago tuluyang pumasok na parang hindi magkakilala.

Nang pareho na silang malapit sa building ng mga third year ay lumihis ng landas si Andy na kaagad napansin ni Denum kaya sinulyapan niya ito ngunit kaagad din na nagpatuloy sa pagpasok sa sariling silid-aralan.

Nangingiti ang mga kaklase ni Denum na sumalubong sa kaniya, nagulat siya nang makita si Entice na hindi naman niya kaklase ngunit kaagad lumapit upang may iabot sa kaniya. Kunot ang noo na tiningnan iyon ni Denum.

'Denum Gozo cleared things out about the accusation to him being a gay, he says that his ideal girl is someone that is good in Filipino and can amaze him in an extraordinary way, that makes everyone think, is this Entice Liezel Luna, the lakambini this year and has a romantic feelings for him?'

"Nakikita mo ba ang mga reaksyon ng mga tao na nakapaligid sa atin? Natutuwa sila na hindi si Andy ang karelasyon mo at hindi ka bakla, ako ang nagsabi sa Journalism Club na dapat malinis ang pangalan mo so they did that. Mas makatotohanan naman ang isinulat nila ngayon kaysa sa isinulat nila na relasyon niyo ni Andy."

Kita ang kislap sa mga mata ni Entice habang tinitingnan si Denum na binabasa ang nakasulat sa front page ng kanilang school newspaper.

"I'm glad that other people will not raise their eyebrows if I will announce my special feelings for you. Walang mag-iisip na pinsan kita, maraming matutuwa kapag ginawa ko iyon." nasasabik na paliwanag ni Entice, "No wonder, Tita Demmy will love to know that her son will have a girlfriend." dugtong nito kaya nagpantig ang tenga ni Denum.

Walang ideya si Denum kung ano ang kabaliwan na nababasa niya kaya kaagad niyang inagaw kay Entice ang diyaryo at pinagpira-piraso iyon bago iniangat ang mga kamay at hinayaang bumagsak ang bawat piraso ng papel sa sahig. Matapos iyon ay isang mapangutyang ngiti ang iginawad niya kay Entice.

"What are you talking about? There's nothing between us. Special feelings? Scrath that thing, nothing is special when it comes from you. Even we are not blood-related, I see you as my cousin, just like that.. No romantic feelings, just as usual." diretsahang sabi niya sa dalaga na ikinatahimik nito.

Akala ng lahat ay tapos na si Denum sa pagsasalita dahil nagsimula na ulit siyang humakbang ngunit laking-gulat ng mga nanonood nuong humarap pa ito sa hindi kumikilos na si Entice.

FIVE SENSESWhere stories live. Discover now