CHAPTER 26

22 5 0
                                    

FIVE SENSES

CHAPTER 26

"Saan ka nanggaling? Kanina pa kita hinihintay?" kunot-noong tanong ni Lylia kay Krem ng maabutan siya nito sa gate ng bahay nila.

Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ni Krem habang tinitingnan ang kakambal.

"Ikaw ba talaga 'yung nagpakalat ng tsismis patungkol kay Andy?" tanong ni Krem pabalik na hindi sinagot ang tanong ni Lylia.

Ilang segundo na natahimik si Lylia bago tinaasan ng kilay ang kakambal at mabilis ang isang kamay na dumapo sa batok nito.

"Aray!" daing ni Krem ng mabatukan siya ni Lylia.

"Nababaliw ka na ba? Tingin mo magsasayang ako ng oras para kausapin ang mga walang kwentang estudyante sa school natin? Alam mo naman kung gaano kagaling gumawa ng tsismis ang mga tao, baka may isa sa kanila na nagselos sa babaeng iyon." naiiritang sagot ni Lylia sa kakambal.

Nawala ang ngiti ni Krem, mukhang may naninira nga kay Andy at balak ng taong iyon na sirain ang pagkakaibigan ni Andy at ng mga lalakeng nakakasama nito.

Nasa malalim na pag-iisip si Krem ng biglang alisin ni Lylia ang headphone na suot niya. Labis na nagulat si Krem at hindi kaagad magreact nang biglang kumanta si Lylia. Kinakanta nito ang pinang-audition na kanta ni Andy para sa Music Club.

Nagsimulang kumanta si Lylia kaya nakaramdam ng kaba si Krem at inagaw kay Lylia ang headphone ngunit inilayo sa kanya ng kapatid.

"Sabihin mo nga kung mas maganda ang pagkakanta ng babaeng iyon?" paghahamon ni Lylia bago ipinagpatuloy ang pagkanta.

Habang nasa labas ay naramdaman ni Krem ang paglakas ng hangin kaya mas kinabahan ang binata. Naririnig na nila ang mga gumagalaw na sanga ng puno pati na rin ang mga nagliliparang dahon sa kalsada.

"L-lylia, tumigil ka na.." pakikiusap ni Krem habang pinipilit pa rin agawin ang headphone.

Umiling ang kakambal at nginisian siya, "Sabihin mo muna kung sino ang mas magaling sa aming dalawa?"

Mariing pumikit si Krem at napatakip ng tenga dahil sa pagpapatuloy ng pagkanta ni Lylia.

"Lylia Amediya!" buong sigaw ni Krem.


"Kremir Con!"

Nahinto sa pagkanta si Lylia nang marinig ang sigaw ng mga magulang nila na nakadungaw sa bintana.

Sa paghinto ni Lylia ay kasabay ng pagtigil nang malakas na hangin. Mabilis siyang ngumiti sa kakambal ng titigan siya nito ng masama.

"Oopps, sorry." nang-aasar na sabi niya bago ibinalik sa kapatid ang headphone nito.

Mabilis iyong isinuot ni Krem at napailing habang tinitingnan ang kakambal.

"Sa oras na makita uli kitang kasama ang babaeng iyon, hindi lang iyan ang gagawin ko sa 'yo. Iwasan mo siya, Kremir. Hindi maganda na mapalapit ka sa kan'ya." bilin ni Lylia bago nauna sa pagpasok ng bahay.

Wala masabi si Kremir kaya sinundan na lang si Lylia papasok ng bahay.

'Bakit ganoon na lang ang inis niya kay Andy? Naalog na naman yata 'to. Hindi ko nga siya pinigilan na makasama 'yung Kino.' tanong ni Krem sa kanyang isipan.

Palabas palang si Andy ng Paaralan dahil hinayaan niyang mauna sa pag-uwi si Kremir. Ayaw niyang magawan sila ng issue.

Pinakatitigan niya muna ang buong paligid bago magsimulang maglakad, hindi na niya inaasahan na hihintayin siya ni Kino. Muli niyang naalala ang usapan nila bago dumating sina Lylia.

FIVE SENSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon