CHAPTER 13

23 6 0
                                    

CHAPTER 13: VACATION

Nang makarating sina Andy at Denum sa bahay ay sinalubong sila ng mag-asawa. Nakangiting lumapit si Demmy sa anak bago ito mahigpit na niyakap.

"Hmm.. Parang napakatagal na simula ng huli kitang makita, my baby boy." masayang bati nito kay Denum.

Hindi kumibo si Denum. Samantalang si Andy naman ay nagpipigil ng tawa.

'Baby boy daw? HAHAHA! Ang demonyo ay mama's boy.' sabi ni Andy sa kanyang isipan.

Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.

"Ma, nagugutom na ako." mahinang sabi ni Denum para mapaalis sa pagkakayakap ang ina.

Bumitaw na si Demmy sa pagkakayakap bago tiningnan ang asawa.

"Batiin mo naman ang Tito Kris mo. Siya ang nagsabi na ayain ka sa dinner." utos ni Demmy sa anak.

Nakangiti si Kris bago inabot ang kamay kay Denum.
"Kumusta ka na, Hijo?" bati ni Kris.

Kumunot ang noo ni Denum at mapapansin na wala itong gagawin kaya siniko ito ni Andy. Lumingon si Denum kay Andy. Nakangiti ni Andy na tinaasan ng mga kilay si Denum.

'Umayos ka..' sabi niya sa kanyang isipan.

Tamad na tiningnan ni Denum ang kamay ng step-dad bago tinanggap.
"Good evening." iyon lang ang tugon ni Denum.

Nagkatinginan sina Andy, Demmy, at Kris bago inaya ni Demmy ang mga ito sa mahabang lamesa.

Umupo si Kris sa gitnang upuan. Katabi niya sa kaliwa ang asawa at nakaupo si Denum sa kanan nito na katabi naman si Andy.

Medyo umawang ang bibig ni Andy nang makita ang ayos ng mga kutsara, tinidor, at mga kutsilyo sa magkabilang gilid ng pinggan niya.

"Monggii.. Bat ang dami nito?" mahinang tanong niya sa sarili.

"Bago tayo kumain, mag-dasal muna tayo." sabi ni Kris sa mga kasama bago dumako ang tingin kay Andy. "Andy, please lead the prayer."

Namilog ang mga mata ni Andy.
"Po?"

"Ang sabi ko, ikaw na ang maglead ng prayer. Okay lang?" pag-uulit ni Kris.

Nahihiyang tumango si Andy dahil hindi naman siya nagdarasal kapag kakain.

'Anong sasabihin ko?' kinakabahang tanong ni Andy sa sarili.

Pumikit na ang lahat at yumuko. Nanginginig na itinaas ni Andy ang mga palad at pinaglapat ito.

"H-hail Mary full of grace, the Lord is with thee, blessed art thou amongst women and blessed is the fruit of thy womb Jesus." panimula niya.

Ilang segundo na walang kumibo bago niya narinig na may sumagot.

'Luh? Mali ba yung sinabi ko?' kinakabahang tanong ni Andy sa isipan.

"Holy Mary, mother of God, pray for us sinners. Now and at the hour of our death, Amen."

Nang matapos magdasal ay mabilis na iminulat ni Andy ang mga mata at tiningnan ang tumugon na si Denum. Nagpipigil ito ng tawa habang kumukuha ng kanin. Sinulyapan niya ang mag-asawa na halata ang saya sa mga labi.

"Mali ba yung sinabi ko?" bulong ni Andy bago kumuha ng kanin habang hawak ni Denum ang lalagyan.

Nagkatinginan silang dalawa. Tinaasan siya ni Denum ng kilay.

"Nakita mong kumukuha pa ako 'di ba?" seryosong tanong ni Denum kaya huminto kaagad si Andy sa pagkuha.

"Ang sungit naman." bulong ni Andy.

FIVE SENSESWhere stories live. Discover now