CHAPTER 2

42 7 0
                                    

FIVE SENSES

CHAPTER 2: DEAL

"Hindi mo ako mapipilit."

Ilang libong beses niya ng sinabi kay Kino ang pagtanggi ngunit ayaw siyang tigilan. Hindi tuloy matapos ni Andy ang mga ginagawa niyang proyekto dahil nahihimatay siya sa tuwing may multo na inuutusan si Kino para guluhin siya, dahilan para mahimatay.

Pinaglapat ni Kino ang kanyang mga labi bago tumingin sa paligid.

"Bakit ba ayaw mo?"

"Kasi ayaw ko. Simple. Ilang linggo mo na akong ginugulo, hindi ka ba nagsasawa? Kasi ako, hindi ako magsasawang tanggihan ka." sagot niya sa tanong nito.

Akala niya ay lulubayan na siya nito ngunit naalarma siya ng may maramdaman siya na kasama nito.

"Are you blackmailing me?" kunot-noo na tanong ni Andy ng masiguro na may multo itong kasama.

Ngumisi si Kino.
"If that's what you call that, yes. I'm blackmailing you. Kailangan ko na kasi ng bagong miyembro dahil nireport na ako ni Demonyo sa SSG."

"Sinong demonyo?"

Umiling si Kino.
"He's a manipulative student detective who wants to eliminate the Paranormal Club. Makikilala mo siya kapag sumali ka sa akin."

"Na hindi mangyayari." dugtong ni Andy na ikinalungkot ni Kino.

"Gusto mo ba talagang umabot tayo sa santong himatayan?"

Napalunok ng ilang beses si Andy. Alam niyang wala siyang takas kapag nakalapit na ang mga multong alipores ni Kino.

Huminga siya ng malalim bago muling tumingin dito.
"Okay, papayag na ako.. Sa tatlong kondisyon."

"What? Tatlo? Ang dami naman." reklamo ni Kino.

"Kung ayaw mo, edi tatanggihan ko na lang."

"Fine. Spill it." pagsuko ng binata.

Ngumiti na parang aso si Andy.
"Una, ikaw ang magiging mata ko."

"Bakit bulag ka ba?" pamimilosopo ni Kino na ikinasama ng tingin ni Andy.

Tumaas ang mga kilay ni Kino.
"What do you mean?"

"Ikaw ang magiging mata ko kung may multong umaaligid sa akin."

"So, kailangan kita bantayan bente-kwatro oras? Ano ako, reporter?"

Umiling si Andy bago sinuntok sa braso si Kino.
"No. I want you to help me how I will know if someone is going inside my one-meter perimeter. Hanggat wala ka pang solusyon sa problema ko. Kailangan mo akong bantayan, oras-oras." paliwanag ni Andy.

"Bakit?"

"Kasi napapagod na ako maging abnormal sa paningin ng lahat. 'Yung oras ng mga school activities tapos bigla kang magpa-passed out. Akala nila sinasadya ko lang gawin iyon kaya hinahayaan nila ang katawan ko sa isang tabi, bihira lang ako makakita ng may pakielam." malungkot na kwento ni Andy.

Nakaramdam ng lungkot si Kino sa narinig dahil alam niya ang pakiramdan na husgahan dahil sa abilidad na kakaiba.

"The second one is, kailangan ko ng trabaho."

"What? Trabaho? Para saan?" naguguluhang tanong ni Kino. "You're an underage, hindi tayo makakahanap."

Napakagat ng labi si Andy.
"Kaya nga gusto ko sanang i-apply mo ako sa inyo. Kahit katulong?"

Napaawang ang bibig ni Kino.
"Seryoso ka?"

Tumango si Andy.
"W-wala kasi akong bahay at wala rin akong pera na pagkukuhaan ng mga gastusin ko." paliwanag niya.

FIVE SENSESWhere stories live. Discover now