CHAPTER 41

14 2 1
                                    


CHAPTER 41: I DON'T FLIRT

Lumipas ang ilang mga araw na hindi nagparamdam o nagpakita man lang ang kaluluwa na biglaang nawala matapos halikan si Denum na hindi na rin nakita ni Andy matapos tumakbo.

"It is more than a week since you last saw your man.. Did you missed him?"

Kunot ang noo na pinasadahan ni Andy ng tingin si Kino na nakahiga sa kama nito habang nagwawalis siya.

"Anong 'your man? Si Denum?" panghuhula ni Andy.

Pigil na ngumiti si Kino bago bahagyang umupo at sumandal sa headboard ng kama nito.

"So, you mean your crush was Denum not the Krimstick guy?" medyo umakto pa ito na nagulat, "Woah, kung kailan hindi ko na kayo inaasar sa isa't-isa, tsaka pa kayo nagclick." patawa-tawa nitong sabi.

Sumama ang timpla ng mukha ni Andy bago mabilis na ibinato kay Kino ang hawak niyang walis-tambo.

"G@go ka ba? E siya lang naman ang madalas mong inaasar sa akin.." may gigil na paliwanag ni Andy bago pumameywang, "At anong krimstick guy? Shut up, hindi mahilig sa krimstick si Krem!" halos pasigaw na wika ni Andy.

Malakas na tumawa si Kino, "Dzuh, I called him like that, because of the pronounciation of his name. 'Di ba Krim-ir hindi Kre-em-mir ang pagbigkas ni Lylia? Lutang ka ba! Mahina ka sa pronunciation." may pang-aasar na sabi nito.

Pilit na ginaya ni Andy ang arte sa pagsasalita ni Kino habang tinatawanan siya.

"As if that 'Krim-ir' will help you to get a driver's license." she rolled her eyes, "That's not connected, your imagination needs a limitation."

Nagpipigil ng tawa na tumango-tango si Kino kaya mas lumalim ang gitla sa noo ni Andy.

"But google won't help him to crush you back.." may ngisi sa labi nito na ikinangiwi ni Andy.

"Talaga ba?" hindi makapaniwalang tanong nito.

Tumango si Kino bago kinuha ang cellphone sa side table at inihagis sa ibaba ng kinauupuan niyang kama. May pagdadalawang-isip na binuksan iyon ni Andy at namangha nang masiguro na walang passcode.

Kaagad siyang nagtipa bago mabilis na hinagis sa mukha ni Kino ang cellphone nito.

"G@go!" singhal niya rito.

Humalakhak si Kino habang sapo ang mukha kung saan tumama ang cellphone. Hindi siya makikitaan na nasaktan, puro tawa ang lumabas sa bibig nito.

"Do I look like a hopeless romantic? I have dreams, not just like chasing my crush." nakangiting wika ni Andy sa binata bago umupo sa tabi nito.

Muling sumeryoso ang mukha ni Kino bago itinaas ang cellphone at walis na ibinato ni Andy.

"You don't look like that, I prefer calling you 'a mommy nagger'.." pigil-tawa ito bago umiling, "Dinaig mo pa si Mom kung saktan ako, magagalit si Baby Koko kapag nakita kang ganiyan sa Daddy niya." dagdag nito.

Naningkit ang mga mata ni Andy at akmang susugurin sana si Kino ngunit napansin nilang bumukas ang pinto kaya doon natuon ang atensyon ng dalawa.

"Baby Koko.." may gulat na tawag ni Andy sa human size stuff toy na nasa kabilang kwarto.

Nakabukas ang pinto ni Kino gayundin ang pinto ni Andy kaya hindi sila nahirapang makita ang stuff toy.

Muling nagkatinginan ang dalawa at mukhang pareho ng naisip. Mabilis na tumayo si Kino at sumabay sa paghakbang kay Andy na papunta sa pinto.

Habang papalapit ay pabigat nang pabigat ang pakiramdam ng dalawa. Nakaramdam ng tumutulong pawis si Andy sa kaniyang noo kahit malamig sa buong kabahayan.

FIVE SENSESWhere stories live. Discover now