CHAPTER 54

12 2 1
                                    


CHAPTER 54: REALIZATION

"We solved things like this before, how it can be possible for us to not resolve this one?" biglaang wika ni Kino habang kausap si Andy na nasa katawan na niya ngayon.

Kumunot ang noo ni Andy bago pilit na nginitian si Kino, "I like your eagerness to tell us that all problems can be solved, but not this time Kino." muling lumungkot ang mukha ni Andy, "Look what happened, the four of you can be detain here if your parents will not come as soon as possible. And we all know kung ano ang mangyayari kapag nalaman nila kung kanino talaga nagsimula ang gulo, it is because of me.." hinawakan ni Andy ang isang kamay ni Kino.

Naguguluhang tinitigan ni Kino si Andy.

"It's not your fault that my cousin is obsessed with my step-brother and she brought another obsessed man to get her revenge. Hindi mo kasalanang may saltik si Entice at may tama rin si Rizalino. Wala kang kasalanan.." paniniguro ni Kino.

Pagak na tumawa si Andy bago umiling, "Alam mo, nasasabi mo lang iyan dahil kaibigan mo ako. You were blinded by the truth that I was the root of all of these."

Umiling si Kino bago alisin ang kamay sa pagkakahawak ni Andy, "Maybe you're right. Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito..." pagsuko ni Kino dahil alam niyang ipipilit lang ni Andy ang gusto niya, "So, what now? Bilang ikaw ang may kasalanan ng lahat. Anong magagawa mo?" sarkastikong tanong ni Kino.

Bumuntong-hininga si Andy bago magsalita, "Maybe I could leave in your hou-

"Cut the crap!"

Halos mabingi si Andy sa pagsigaw ni Kino. Napatingin din ang mga dumaraang pulis dahil sila lang ang tanging nagbibigay ng ingay sa hallway.

Dahil sa iritasyon ay tumayo si Kino at naglakad sa lugar na hindi matao. Walang anu-ano na sumunod si Andy sa binata.

Hindi makapaniwalang tiningnan ni Andy si Kino na hindi pa rin maganda ang timpla ng mukha habang iniiwas ang tingin kay Andy. Hinila ni Andy si Kino paharap sa kaniya.

"You yelled at me?" seryosong tanong ni Andy.

Umirap sa kawalan si Kino bago tumango, "I did."

"At bakit?" walang ideyang tanong ni Andy.

Doon lang tumingin muli ng diretso si Kino bago nagtatanong na tumingin sa kaniya.

"Seryoso ka ba? Tinatanong mo kung bakit? Andy, I know you are tired in all these things that happened for the past few months. Pero tingin mo ba ikaw lang? Napapagod din ako, pagod na pagod din ako pero hindi sa iyo ha. Sa mga gawain lang sa school at sa buhay ko. Pero alam mo ang kaibahan natin, iniisip ko muna ang mga nasa paligid ko bago ako magsalita ng mga bagay na alam kong hindi nila magugustuhan... And you're not doing that. Palagi mo na lang iniisip na kasalanan mo kaya lalayo ka na lang pero hindi mo naiisip ang nararamdaman ng mga malalapit sa iyo, nung mga taong nakakarinig sa sinasabi mo. Umaakto ka na parang wala ako, ang pamilya ko. And you're doing it all the time. May mali lang na nangyari, sasabihin mo agad 'Kasalanan ko, baka kailangan ko na lumayo sa inyo para bumalik na ulit sa normal ang buhay niyo.' Papaano?! Papaano babalik sa normal kung normal na buhay na namin ay yung kasama ka. So, tell me papaano?!" hindi na napigilan ni Kino ang mga salita na kusang lumabas sa bibig niya.

Tila naipon na lang iyon at hinintay na lang ng pagkakataon na mailabas ng isang bagsakan. Hindi na rin nakapagsalita pa si Andy dahil pakikinig na lang ang nagawa niya habang pinapanood kung paano magsalita si Kino. Kita sa itsura nito ang puyat at pagod kaya hindi niya maikakakailang totoo ang sinasabi nito.

Kahit iilan lang ang makikitang dumaraan kung nasaan sila ay ramdam ni Andy ang mga matang nakatingin sa kanila kaya mariin siyang pumikit bago tingnan si Kino.

FIVE SENSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon