CHAPTER 19

20 5 0
                                    


CHAPTER 19: AUDITION


"Ayoko." pagtanggi ni Andy habang hinihila siya ni Kino papunta sa Music Club.

"Sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mong sumali sa Music Club para mas makilala mo si Lylia." pamimilit ni Kino.

Kumunot ang noo ni Andy.
"Kakasabi ko lang na ayaw ko siya para sa Club natin at hindi ko siya papakisamahan. Tapos gagawin ko 'to?!" naiinis na tanong ni Andy.

"You don't have any choice because she will be our member whether you like it or not, you should be helping me in developing our Club." maawtoridad na wika ni Kino.

Nakasimangot at pinipilit magpabigat ni Andy upang hindi siya mahila ni Kino. Nilingon siya ng binata at tiningnan ng masama. Pinilit na ngumiti ni Andy bago umupo na parang bata at nagpahila kay Kino.

"Hindi ka ba tatayo?" naiiritang tanong ni Kino ng huminto ito sa paghila kay Andy.

Ngumiti na parang aso si Andy bago umiling. Napahilamos ng mukha si Kino bago muling tumingin kay Andy.

"Kapag hindi ka tumayo diyan, bubuhatin kita at pagkapasok natin sa pintuan na iyon.." tinuro ni Kino ang pintuan ng Music Club bago ngumisi."Ipapakilala kita bilang girlfriend ko sa harapan ni Krem. Mukhang gusto mo tawagin kitang baby o kaya naman ay asawa ko bilang magulang ni Baby Koko."

Namilog ang mga mata ni Andy sa narinig at bago pa makalapit si Kino ay mabilis siyang tumayo at patakbong tinungo ang pintuan ng Music Club.

Mahinang tumawa si Kino dahil sa ginawa ni Andy at hinayaan niya ito na mauna sa pagpihit ng pinto. Tinapunan ni Andy ng masamang tingin si Kino bago pinihit ang pihitan at dahan-dahang pumasok.

Napalunok si Andy at halos hindi makagalaw ng bumungad sa kanya ang walang pang-itaas na lalake habang nililinis ang drum set. Namilog ang mata ni Andy ng ngumiti ang lalake at bago pa siya makaiwas ng tingin ay tiningnan na siya nito.

"Hi." bati nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Awtomatikong napangiti si Andy ng salubungin siya ni Krem. Tila nakakita siya ng iniidolong artista.

"H-ha-ha-h-hi?" nahihiyang tugon niya rito.

Hindi siya makapagsalita ng maayos dahil ramdam niya ang pamumula ng mga pisnge niya.

OMG! !O. O!

Mas lalong hindi nakapagproseso ng maayos ang utak at katawan niya ng makita niya ito na tumayo at naglakad palapit sa kanya. Kitang-kita ang pamamawis ng matipuno nitong katawan habang dahan-dahan na lumalapit sa kanya. Nang makalapit si Krem ay naestatwa si Andy ngunit nanatiling nakangiti.

Nakasuot pa rin ito ng headphone at hindi nakakaasiwang tingnan ang medyo basa niyang buhok.

"Kumusta? Ayos na ba ang paa mo?" tanong nito habang sinusulyapan ang kaliwang paa ni Andy.

Mabilis ma tumango si Andy.
"A-ah, Oo.. Kumikirot na lang naman." naiilang pa rin na sagot ni Andy.

Tumango si Krem bago pinagkrus ang mga kamay.
"Ngayon, ano naman ang ginagawa mo rito?" ngumisi si Krem. "Akala ko ba hindi ka makikipag-usap sa kung sinu-sino lang?"

Natahimik si Andy ng maalala ang sinabi niya ng una silang magkita ni Krem.

Pinilit niyang matawa bago umiling.
"Ah kasi nung oras na iyon ay—"

Hindi natuloy ni Andy ang pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto kaya natabig siya nito at napayakap kay Krem. Nagkatitigan sina Andy at Krem bago naghiwalay. Iniluwa ng pinto si Kino habang malawak ang ngiti sa labi at mabilis na lumapit kay Andy upang akbayan ito.

FIVE SENSESWhere stories live. Discover now