CHAPTER 17

24 6 0
                                    

FIVE SENSES

CHAPTER 17: REASON

"Pagkatapos nating kumain ay may mga pupuntahan tayong muli. I'm sure na magugustuhan niyo ang mga lugar." tila nananabik na sabi ni Demmy sa mga bata habang nag-aagahan.

Pinilit na ngumiti ni Entice dahil binabagabag pa rin siya ng ginawa niya kay Andy. Hindi niya maiwasan na sumulyap sa dalaga na nakatulala habang kumakain.

"Kino, Andy, are you okay? Para kayong kinulang sa tulog." puna ni Kris habang nakatingin sa kaliwang bahagi ng mesa kung nasaan si Kino at Andy na mukhang matamlay dahil kinulang sa tulog.

Walang gana na tumingin si Kino sa ama.
"Dad? Pwede bang hindi na kami sumama ni Andy? Gusto pa namin matulog." pamimilit ni Kino sa ama ngunit tinanggihan nito.

"NO. Baka nakakalimutan mo na may kasalanan ka pa sa akin dahil umuwi ka ng lasing." may halong inis na sabi ni Kris.

Napanguso si Kino bago inilapat ang likuran sa upuan at lumiyad.
"Agh, nagbibiro nga lang ako no'n." palusot ni Kino.

Sinamaan siya ng tingin ng ama.
"Puwes, ako hindi. Bilisan niyo na sa pagkain at maghahanda pa tayo sa paggagala." sabi nito bago ipinagpatuloy ang pagkain.

Walang nagawa si Kino at sumulyap kay Andy na napipikit pa habang kumakain. Siniko niya si Andy na ikinabigla nito.

"Ang ganda ng boses ni Krem.." biglang nasabi ni Andy na tila nanaginip ng gising.

Napahinto ang lahat sa pagkain at napatingin kay Andy na nagising ang diwa. Inikot ni Andy ang paningin at pinilit na ngumiti.

"Good morning." maganang bati niya bago ipinagpatuloy ang pagkain na parang walang nangyari.

"Sino si Krem, Hija?" puno ng kuryosidad na tanong ni Demmy.

Huminto sa pagkain si Andy bago umiling.
"W-wala po Tita—"

"Crush niya iyon, Mom." sabad ni Kino habang pinipigilan ang pagtawa.

Kumunot ang noo ni Andy at kaagad na sinuntok si Kino sa braso.
"Hindi ko iyon crush!" pagtanggi ni Andy.

Nangingiting inilapit ni Kino ang mukha kay Andy.
"Ah, talaga ba?" pang-aasar niya na ikinainis ni Andy.

"Hindi nga." sagot ni Andy.

"Kremir Con Regino ba ng Music Club?" sabad ni Denum sa usapan ng dalawa.

Nagliwanag ang mukha ni Andy bago tumingin kay Denum.
"Iyon ba ang full name niya?" nakangiting tanong ni Andy.

Hindi sumagot si Denum at nanatili lang na nakatingin kay Andy. Nawala ang ngiti sa mukha ni Andy bago inikot ang paningin.

"Pero hindi ko po talaga siya crush.. Ahm, Ideal guy ko po." pag-amin niya para matapos na ang issue.

Nagkatinginan ang mag-asawa bago nagpigil ng tawa.

"So, mahilig ka pala sa musician Andy?" napapatango na sabi ni Kris. "Mahilig si Kino sa paggigitara nung bata pa siya.. bigla lang nahinto." kwento ni Kris bago tumingin sa anak na hindi makapaniwala sa ginagawa ng ama.

"Bakit po?" puno ng kuryosidad na tanong ni Andy.

Tipid na ngumiti si Kris sa kanya.
"That was a long story, ang masasabi ko lang ay masyado siyang dedicated sa paggigitara noon." sagot ni Kris.

Napaawang ang bibig ni Andy bago ibinaling ang tingin kay Kino na mukhang walang ideya sa sinasabi ng ama. Nagkibit-balikat ang binata bago ipinagpatuloy ang pagkain.

"Alam niyo ba na mahilig sa piano si Denum nung bata pa siya? He played like a veteran musician. But, he stopped because of uncertain issue. How I wish he continued to play the piano again." medyo malungkot na kwento ni Demmy na nakatingin sa anak na patuloy lang sa pagkain at hindi siya tinitingnan.

FIVE SENSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon