CHAPTER 31

22 6 0
                                    

Special mention kay Kaize Astro, salamat sa pagbabasa. Ito na chapter 31 mo, jk.


CHAPTER 31: DREAM

"Bakit nawala ka kanina?" puno nang kuryosidad na tanong ni Andy habang sabay silang naglalakad pauwi ni Kino.

Hindi ito nagsasalita simula nang makita niya ito na hinihintay siya sa labas ng gate kaya nabahala si Andy sa kaibigan.

"Hindi lang ako makapaniwala," seryosong wika ni Kino bago huminto at humarap sa dalaga.

Kunot ang noo na sinabayan ni Andy ang tingin ni Kino.
"Makapaniwala saan?" tanong ni Andy.

Napaisip si Kino bago nagkibit-balikat.
"Na ang gwapo ko talaga, biruin mo 'yon? Umamin sa akin si Lylia na may gusto siya sa akin." pagmamayabang nito.

Namilog ang mga mata ni Andy bago napapadyak.
"Mongggiii! Sabi ko sa iyo e. Pero bakit ang tahimik mo?"

Nawala ang pagmamayabang sa mukha ng binata at nabalot ng pagkalito.
"Kasi gusto niya raw akong ligawan."

Nahinto si Andy dahil sa kan'yang narinig at hindi makapaniwalang nakipagtitigan sa kaharap. Pinilit niyang matawa sa pag-aakalang nagbibiro lang si Kino ngunit napawi iyon nang mapagtanto niya na hindi siya binibiro ng kaibigan.

"Ay, seryoso ka?" hindi makapaniwalang tanong ni Andy na tinanguan ni Kino bilang sagot.

Kaagad na umiwas nang tingin si Andy bago nagsimulang maglakad at hindi na pinansin ang kasama. Hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ng demonyi— ni Lylia.

Napangiwi si Kino at mabilis na sinundan si Andy kahit naguguluhan siya sa reaksyon ng dalaga.

Hindi na sila nagkibuan hanggang sa makarating sa bahay.

"Mabuti naman at nakarating na kayong dalawa, nakahanda na ang pagkain kaya magbihis na ako para makakain na." bungad ng matandang mayordoma.

Nagkatinginan sina Andy at Kino bago sabay na lumakad paakyat sa hagdanan. Nang makarating sa  ikalawang palapag ay hindi sila nag-abala na balingan ang isa't-isa, sa halip ay dumiretso na sa kani-kaniyang silid.

Pagkatapos magbihis ay sabay na bumukas ang mga pinto ng dalawa. Nagkatinginan sila bago sabay lumabas sa kani-kaniyang silid at bumaba sa hagdan.

Naguguluhang nakatitig sa kanila ang matandang mayordoma habang pinapanood ang kilos nila.

Tahimik silang kumain ngunit hindi dumiretso si Andy sa kwarto. Mas pinili niyang lumabas upang magpahangin. Tahimik niyang binabagtas ang medyo madilim na kalsada nang maramdaman niya ang kung sino na sumusunod sa kan'ya kasabay nito ay ang malakas na hangin kaya mabilis niya iyong nilingon.

Tumaas ang isang kilay niya nang wala siyang maabutan na kahit sino. Napailing si Andy.

"Guni-guni ko lang," pagpapakalma niya sa sarili bago muling lumakad.

Habang binabagtas ang isang eskinita ay may mabilis na anino ang dumaan sa kan'yang likuran. Huminto sa paglakad si Andy at pinilit na pakalmahin ang sarili dahil nagsisimula na siyang kabahan.

"Andy, kumalma ka.. Wala nang mas nakakatakot pa kaysa maging kaluluwa kahit hindi pa patay." biro niya sa sarili bago marahang inihakbang ang mga paa at pinakikiramdaman ang paligid.

Wala namang naging aberya hanggang sa makalabas siya at mapunta sa medyo mataong kalsada. Nawala ang kabang nararamdaman ni Andy at komportableng lumakad ngunit nahinto siya sa harapan ng isang bahay kung saan maraming tao.

May mga nagsusugal sa gilid ng nakabukas na gate at may tarpaulin na nakasabit. Nahinto siya sa nabasang pangalan at saka patakbong pinasok ang bahay.

Dito niya lang napagtanto kung kanino ito. Ang bahay ng mga magulang niya na tinitirhan ng tiyahin niya. Dahil sa pagkabahala ay mabilis niyang tinungo ang loob ng bahay. Sinalubong siya ng dalawang itim na kabaong. Mas kinabahan siya nang silipin niya iyon. Naestatwa siya sa kinatatayuan at naluluhang tiningnan ang mga tao sa loob ng mga kabaong bago umiling.

FIVE SENSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon