CHAPTER 15

20 6 0
                                    

FIVE SENSES

CHAPTER 15: THE GHOST BRIDE

Nang makabalik sa resort ay kaagad na nagpatawag ng doktor sa kwarto ni Andy. Kumunot ang noo ng doktor bago sila tiningnan.

"Wala naman pong kahit anong mali sa kanya." sabi ng doktor sa kanila matapos suriin si Andy.

"Kung ganoon, bakit siya nahimatay?" naguguluhang tanong ni Demmy.

"Siguro dahil lang po sa pagod." sagot ng doktor. "Hayaan muna natin siyang magpahinga para mabalik ang lakas niya." huling sinabi ng doktor bago sila iniwan sa kwarto.

Tumaas ang kilay ni Entice.
"Baka nagpapanggap lang." bulong nito.

Sinamaan siya ng tingin ni Kino.
"Bakit? I'm just kidding.." maarteng sabi nito.

Sinulyapan muna ni Kino ng tingin ang katawan ni Andy bago tiningnan si Denum.

"Mag-usap tayo.." sabi nito bago lumabas ng resthouse at pumunta sa may swimming pool.

Nang makalapit si Denum ay buong lakas na sinuntok siya ni Kino. Napaupo siya sa sahig.

Marami ang nakakita at nasa kanila na ang atensyon. Inalis ni Kino ang sombrero bago ginulo ang buhok at dinuro si Denum.

"Sabi mo ikaw ang bahala sa kanya 'di ba? Nakita mo ang nangyari dahil sa pagiging makasarili mo?!" galit na galit na sabi ni Kino.

Tumayo si Denum at inayos ang suot na mask bago tiningnan si Kino.
"Ngayon naramdaman mo na." sabi ni Denum.

Kumunot ang noo ni Kino.

Umiling si Denum bago nakakainsultong tumawa.
"Alam mo na kung paano maagawan. Kagaya ng pang-aagaw niyo sa mama ko."

Napakuyom ang kamao ni Kino.
"Bakit ang kitid ng utak mo? Wala kaming inagaw sa iyo, ikaw ang lumalayo." saad ni Kino.

Tumaas ang mga kilay ni Denum.
"Kasi ayoko sa inyo, ayoko sa iyo, sa papa mo, sa buong pamilya niyo at sa lahat ng nakapaligid sa iyo." seryosong turan ni Denum.

Tumango si Kino.
"Mabuti at inamin mo rin na ayaw mo talaga kay Andy. Hindi na ako mahihirapang maghanap ng dahilan para palayuin siya sa iyo." seryosong sabi ni Kino bago nilapitan si Denum. "Hindi ko rin gusto na nandito ka kaya kung hindi na magagawa ni Andy ang pangako niya sa iyo. Umalis ka na dahil hindi ko rin naman ramdam ang presensya mo." huling sinabi ni Kino bago iwan si Denum at puntahan ang katawan ni Andy.

Tumingin sa orasan si Kino. Mahigit isang oras na ngunit wala pa rin malay si Andy.

"Andy, nasaan ka na?" mariing pumikit si Kino at napahilamos ng mukha.

Ngayon niya lang nakita na hindi nakabalik ang kaluluwa ni Andy sa kanyang katawan. Mabilis siyang tumayo at kumuha ng flashlight para hanapin si Andy sa madilim na gabi.


Naglalakbay pabalik sa mataas na bundok si Andy para balikan sina Kino ngunit habang naglalakad ay nakarinig siya ng babaeng umiiyak. Hinanap niya iyon. Nakakita siya ng nakayuko na babae at nakasuot ng puting gown habang nasa ilalim ng puno. Kumunot ang noo niya bago ito nilapitan.

"Miss? Alam mo ba kung saan ang pabalik sa bundok? Nawawala kasi ako." nahihiyang sabi niya rito.

Hindi ito kumibo kaya mas lumapit siya. Namilog ang mata niya ng may nakitang dugo na tumutulo sa ilalim ng gown nito at biglang maalala na kaluluwa siya.

Pinilit ngumiti ni Andy.
"Ah, okay... Hindi na ako magtatanong." sabi ni Andy habang dahan-dahan na humahakbang paatras.

Papalayo na siya ng magsalita ang babae.
"Mga manloloko kayo. Hindi ko kayo mapapatawad." galit na galit na sabi ng babae.

FIVE SENSESWhere stories live. Discover now