» START

277 33 14
                                    

"Sigurado ka na ba talaga, anak?"

"Opo ma, kailangan e."

"Mag-iingat ka, tumawag ka ha. Kung hindi mo na kaya, umuwi ka na."

"Ma, malaki na ako. Kaya ko na po."

"Ate, ingat ka ha."

"H'wag ka pasaway kay mama, Brielle ah."

"Ate, 'wag ka na po umalis."

"Hindi pwede, Brook. Huwag ka mag-alala, pag-uwi ni ate, bibili tayo maraming laruang kotse."

"Apo, ingat ka ro'n."

"Opo lola, inumin niyo po gamot niyo ah."

"Anak, alagaan mo ang sarili mo roon."

"Opo ma. Basta h'wag niyo po sabihin kay papa 'to ah."

"Sige na po, aalis na 'ko. Baka ma-late pa ako."

"Mag-iingat ka roon ah."

"Opo ma. Kayo rin."

Niyakap ko sila isa-isa. Mahigpit na yakap. Hindi ko alam kung ito na ba ang huli naming pagkikita. Pero hindi, gagawin ko ang lahat para manalo at makauwi rito sa kanila.

Pinunasan ko ang luhang tumulo galing sa mata ko. Mamimiss ko sila. Parang may pumipigil sa akin na huwag na tumuloy pero kailangan, para sa kanila.

Niyakap ko rin sina Uno at Hazie na maagang pumunta rito para magpaalam sa akin. Sinabi ko sa kanila na huwag ipaalam na kaya ako aalis ay dahil sa laro kaya nagpapanggap sila na ang alam nila ay sa trabaho ang punta ko.

Tinanong pa nila kung bakit ayaw kong sabihin pero hindi ko sinabi kung bakit. Mabuti naman at hindi na sila namilit.

Hindi rin siguro nila alam kung ano ba talaga ang meron sa The Ace Game. Mabuti na 'yon, dahil paniguradong pipigilan nila ako kung alam nila.

Pero walang makapipigil sa akin. Kailangan ko, namin ng pera.

Kumaway na ako sa kanila bilang paalam habang unti-unting lumalayo.

Sana hindi pa ito ang huli.

"Love you all!" Sigaw ko pa, nginitian nila ako at nag-flying kiss naman ang iba.

Tumalikod na ako saka tumakbo sa sakayan. Tulo pa rin nang tulo ang luha ko. Bakit ba kasi iniisip ko na mamamatay na ako at ito ng huli? Hindi pa ito ang huli! Mananalo ako!

Tiningnan ko 'yung sinend ng Agana sa email ko. Dito nila sinesend 'yung direksiyon papunta sa address na nasa sobre at nandito rin ang ilang guides para makarating kami roon ng maayos.

Sumakay na agad ako sa jeep. Malapit na mag 9:00 at hindi pa rin ako nakakasakay. Baka ma-late pa ako nito.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay bumaba na ako. Hindi traffic kaya mabilis lang din ang byahe.

Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko na nagmessage muli ang Agana. Binasa ko agad 'yon.

Sinabi nila na nakarating na raw ako sa destinansiyon ko.

Pinagmasdan ko ang paligid. Nasa isang park ako, wala gaanong tao at tahimik. Dahil siguro maaga pa.

Hindi pa ulit nagmemessage ang Agana kung ang susunod kong dapat gawin kaya naupo na lang muna ako sa isa sa mga bench. Medyo masakit na rin kasi ang likod ko dahil napadami ata ang nadala kong gamit.

Mayamaya lang, may tumabi sa aking lalaki. Naka-itim ito, hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatakip.

Kasali rin kaya siya?

LEVEL 31 (ONGOING)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora