» 10. LEVEL THREE - GAME OVER

122 18 0
                                    

C O N G R A T U L A T I O N S!

L E V E L  0 3 ✓

29/31

Althea S. de Vera

Anna C. Herrera

Archer T. Gracia

Brinsley B. Flores

Caden A. Cruz

Chad D. Javier

Clara O. Ponce

C̶l̶e̶o̶ C̶. A̶n̶d̶a̶y̶a̶

D̶a̶v̶i̶s̶ G̶. O̶r̶t̶i̶z̶

Ebony M. Cortez

Edith M. Rosales

Ellery T. Silva

Ember M. Ybañez

Erico I. Gil

Grant R. Smith

Hazel V. Sevilla

Matt D. Francisco

Missy C. Torres

Mio D. Salazar

Ollie O. Palma

Oliver P. Vargas

O̶s̶c̶a̶r̶ A̶. C̶h̶u̶a̶

Patrick D. Mendez

Raquel M. Valdez

Rossette P.  Vergara

Sendrick A. Ilagan

Thalia P. Blanco

Wilver P. Bautista

Zabelle G. Alonso

Zack S. Gomez

Ziah C. Trinidad

Thank you for being part of the game, Davis G. Ortiz.

~•~ 

BRINSLEY

"Ang sakit ng buong katawan ko."

"Ang dami ko atang nainom na tubig."

"Masakit pa ba ang sugat mo?"

"Akala ko talaga wala ka na."

"Buti nga hindi nila ako iniwan, e."

"Salamat ah."

"Buti na lang talaga may alam ako sa surfing."

"Pakiramdam ko ay magkakasakit ako, ang lamig naman kasi tapos umulan pa."

"Bulok 'yung kahoy, nasira agad."

Sabay-sabay kaming lahat na kumakain ngayon. Halos lahat ay nagkukwentuhan sa mga naranasan nila habang naglalaro na para bang adventure ang ikinukwento nila.

Kung titingnan mo ay parang wala lang sa kanila ang pagkawala ni Davis pero nasaksihan ng dalawa kong mga mata ang gulat at lungkot nila habang pinapanood namin si Davis sa screen na nasa safe room.

"Okay ka lang ba?" Tanong sa'kin ni Archer na katapat ko.

"Okay lang siya." Dahil maingay ang iba ay hindi ko narinig ang sinabi ni Chad kay Archer kahit na katabi ko lang naman siya.

"Okay lang ako," nakangiting sagot ko na lang kay Archer.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Hindi na ako gaano nakipag-usap dahil pagod pa ako. Hindi ko pa rin makalimutan 'yung muntik na akong malunod. Akala ko talaga ay mababawian na ako ng buhay, buti na lang at iniligtas ako ni Chad.

Hindi ko alam kung paano makakabawi sa kaniya. Tigilan ko na lang kaya ang pang-aasar na takot siya sa ipis?

Tss, masyadong mababaw.

Nang matapos akong kumain at magsipilyo ay umupo na ako sa kama ko. Nakita ko ang iba na nagpapahinga na rin. May ilan na nagkukwentuhan pa. Nakita ko rin sina Zabelle, Erico, Anna at Grant na nag-uusap. Mukhang inaayos na nila ang problema.

Ikinuwento sa akin ni Zabelle kanina ang totoong nangyari. Hindi naman pala totoo ang sinabi ni Patrick. Madalas lang na magka-usap si Grant at Zabelle pero wala namang meaning iyon. Kahit nga si Grant at Erico ay nagiging magkaibigan na kaso nangyari nga iyong suntukan.
Nagselos lang ata si Anna dahil may gusto ito kay Grant kaya nainis ito kay Zabelle.

Loko lang talaga si Patrick dahil nagkaroon pa ng alitan dahil sa sinabi niya na hindi naman totoo.

"Magpahinga ka na." Napatingin ako kay Chad na naka-upo na rin sa kama niya.

"Ikaw rin. Mabigat ako baka sumakit 'yung braso mo dahil sa pagtutulak ng surfboard." Bahagya nan siyang natawa dahil sa sinabi ko.

Napapadalas na ang pagngiti ag pagtawa niya ngayon, ah.

"Good night. Salamat ulit, ah," sabi ko saka inayos ang kama ko. "Good night," sagot niya saka nahiga sa kaniyang kama.

Nang matapos kong maayos ang aking higaan ay nahiga na rin ako saka ipinikit ang aking mga mata. Good luck na lang sa aming lahat para sa susunod na laro bukas. Sana kayanin ko.

LEVEL 31 (ONGOING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora