» 46. LEVEL ELEVEN - THE GAME

32 2 0
                                    

Nang makarating ang players sa island na sinasabi ni Ace, nakita nila agad ang seven tents na nakahilera roon, three pink tents at four blue tents. May mga nakalagay ritong numbers na tumutukoy sa number ng tent.

Sinabihan din sila ng black men na sa bawat tent ay may nakalagay na names kung sino-sino ang mga mananatili roon. Nagsimula nang hanapin ng players ang kanilang mga pangalan.

Tent 1:
Brinsley B. Flores
Missy C. Torres
Ziah C. Trinidad

Tent 2:
Archer T. Garcia
Caden A. Cruz
Patrick D. Mendez

Tent 3:
Althea S. de Vera
Ebony M. Cortez
Zabelle G. Alonso

Tent 4:
Chad D. Javier
Oliver P. Vargaz
Wilver P. Bautista

Tent 5:
Anna C. Herrera
Clara O. Ponce
Edith M. Rosales

Tent 6:
Erico I. Gil
Matt D. Francisco
Mio D. Salazar

Tent 7:
Ollie O. Palma
Sendrick A. Ilagan
Zack C. Trinidad

"Ikaw pa talaga?" Inirapan na lamang ni Zabelle si Althea dahil sa sinabi nito, saka pumasok sa tent upang icheck ang loob.

"Ang layo naman ng girlfriend ko," saad ni Erico habang nakatanaw sa tent 3.

"I feel you, pre." Napatingin naman sina Erico at Mio kay Matt nang sabihin niya ito.

"Heh, I confessed na mga pre. Biglaan lang. Pero di kami ha! Baka sabihin ni Missy nagpapakalat ako ng fake news." Napatungo ito at napakamot sa kaniyang batok. Nahihiya sa mga kasama.

Tinawanan lang naman siya ng mga ito at tinapik sa braso at balikat.

"Omg, are you okay?" Nilingon nina Brinsley at Missy si Ziah. Hindi inaasahan ang pagsasalita nito. Nakita kasi ni Ziah ang paghikbi ni Missy sa sulok ng kanilang tent.

"Woah, I know hindi maganda ang impression ninyo sa akin but I still have a heart no!" saad ni Ziah. Tila na-offened sa binigay na tingin sa kaniya ng dalawa.

"Ugh, whatever!" Lumabas na ito ng tent at nagtungo sa kaniyang mga kaibigan na nasa ibang tent.

"Missy–"

"I'm okay, Bri." Pilit na ngumiti si Missy saka muling humiga sa sulok. Nagsisimula na rin kasing dumilim kaya napagpasiyahan nitong mauna na sa pagtulog.

Nahalata naman ni Brinsley na ayaw munang i-share ni Missy kung ano man ang pinagdadaanan nito at naiintindihan niya naman iyon. Lumabas na lang din muna siya upang magpahangin sa labas. Ayon rin kasi sa black men na nagbabantay sa kanila ay kinabuksan pa ang official start ng laro kaya naman may free time sila sa mga oras na iyon.

Tanaw niya sa di kalayuan ang ibang players na nag-uusap at nasa kani-kanilang mga mundo. Ibinaling niya ang kaniyang tingin sa dagat na nasa harapan niya. Nakita niya ang kumikinang na kulay dilaw sa gitna nito at sa taas noon ay ang palubong na araw, kulay dilaw at kahel na langit, at ang iilang ibon na lumilipad.

"Nakakatawa 'no?" Mabilis siyang napatingin kay Archer na nasa tabi niya na pala.

"Kapag tiningnan mo 'yong mundo at ang paligid mo, it looks peaceful. Pero kapag mas binigyan mo ng atensiyon yung mga bagay na bumubuo sa mundo, makikita mo na may kani-kaniya silang istorya at ma-rerealize mo that the world is cruel." Pinakinggan lang ni Brinsley si Archer habang nakatanaw pa rin sa sunset.

"Look at them." Sinunod ni Brinsley ang sinabi ni Archer na tingnan ang mga kasama nila. Nakita niya ang iba na nagtatawanan, nagkukuwentuhan, nag-uusap habang nakatanaw sa sunset tulad nila, at mayroon namang tahimik lang.

"Kapag titingnang mo 'yung whole picture, mapapangiti ka kasi nakikita mong nagtatawanan sila at may magandang view sa paligid nila. Pero kung iisa-isahin mo sila? You wouldn't want to know their own stories." Pareho silang mapait na napangiti.

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Feb 17 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

LEVEL 31 (ONGOING)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora