» 25. LEVEL SIX - GAME OVER

75 13 0
                                    

C O N G R A T U L A T I O N S !

L E V E L 0 6 ✓

25/31

Althea S. de Vera

Anna C. Herrera

Archer T. Gracia

Brinsley B. Flores

Caden A Cruz

Chad D. Javier

Clara O. Ponce

C̶l̶e̶o̶ C̶. A̶n̶d̶a̶y̶a̶

D̶a̶v̶i̶s̶ G̶. O̶r̶t̶i̶z̶

Ebony M. Cortez

Edith M. Rosales

Ellery T. Silva

Ember M. Ybañez

Erico I. Gil

Grant R. Smith

H̶a̶z̶e̶l̶ V̶. S̶e̶v̶i̶l̶l̶a̶

Matt D. Francisco

Missy C. Torres

Mio D. Salazar

Ollie O. Palma

Oliver P. Vargas

O̶s̶c̶a̶r̶ A̶. C̶h̶u̶a̶

Patrick D. Mendez

Raquel M. Valdez

R̶o̶s̶e̶t̶t̶e̶ P̶. V̶e̶r̶g̶a̶r̶a̶

Sendrick A. Ilagan

T̶h̶a̶l̶i̶a̶ P̶. B̶l̶a̶n̶c̶o̶

Wilver P. Bautista

Zabelle G. Alonso

Zack S. Gomez

Ziah C. Trinidad

Thank you for being part of the game,
Rosette P. Vergara

~•~

Brinsley

"Buti naman at ginamot nila," sabi ni Caden nang makitang nilagyan na ng gamot ang braso ni Chad.

Sabay-sabay muli kaming kumakain ngayon. Lahat ay iniinda ang sakit na nararamdaman nila dulot ng naganap na laro. Halos lahat kami ay may mga sugat sa kamay lalo na si Wilver na nagdugo pa.

Pansin ko rin na hindi na kami gaanong tahimik tulad sa mga nakaraang laro kapag may na-eeliminate. Siguro dahil medyo nasasanay na kami?

Si Raquel lang ang pansin kong sobrang tahimik. Nakikita ko rin na medyo napalapit na siya kay Rosette kaya siguro sobrang lungkot niya ngayong wala na ito.

Nag-usap lang ang ibang players pero karamihan talaga sa amin ay hindi umiimik at kumakain lang dahil sa sobrang pagod. Paniguradong pagkatapos namin dito ay lahat kami, makakatulog agad.

Kasabay ko sina Chad, Caden, Zabelle at Erico na bumalik sa mga higaan namin. Hindi pa kasi tapos kumain sina Olivia kaya hindi namin sila kasabay.

Si Caden ay nahiga na agad sa kama niya. Binati niya muna kami bago siya nagpatuloy sa pagpapahinga. Sina Erico at Zabelle naman ay may inaayos pa.

"Uhm... ligo na ako," saad ni Chad saka pilit na ngumiti. Tumango na lang ako, alam kong masakit pa ang braso niya kaya kailangan na niyang maglinis ng sarili para makapagpahinga. Nakaligo na ako kanina bago kumain kaya kinuha ko na lang ang puti kong T-shirt para isabay sa ibang damit na nilalabhan.

Habang naglalakad ako ay naagaw ng dalawang magkatabing kama ang atensiyon ko. Wala iyong kalaman-laman, tanging sapin at unan lang. Inalala ko kung kaninong pwesto iyon.

Kay Oscar at Rosette.

Bumuntong hininga na lang ako saka inalis ang paningin ko roon.

Bigla tuloy pumasok sa isip ko kapag nasa malayong level na kami. Madami nang na-eliminate, madami nang nawala kaya unti-unti na ring mababawasan ang laman ng bahay na 'to.

Bumalik na ako sa kama ko pagkatapos kong isabay ang damit ko sa labahan. Madami na rin ang tapos kumain at nagsisimula nang ayusin ang kama para makapagpahinga. Habang nasa ganoon kaming sitwasyon ay biglang nag-iba ang nakalagay sa malaking screen.

Attention, players!

TOMORROW IS YOUR REST DAY!
rest your body and mind.

Inihiga ko na ang sarili ko pagkatapos ko iyong basahin. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakapagod. 'Yung mga nakaraang laro ba namin o itong level six. Lahat naman ata ay nakakapagod at nakakasakit sa katawan.

Huminga na lang ako ng malalim saka ipinikit ang mga mata ko. Dinama ko ang lambot at bango ng kama ko na para bang ligtas ako sa pwestong ito. Hindi rin nagtagal at nakatulog na ako.

LEVEL 31 (ONGOING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang