» 34. REST DAY

37 5 4
                                    

Hiniling ko kagabi na sana ay maging mabagal ang oras ngayong araw, mukha hindi iyon natupad.

Sa sobrang bilis ng oras ay hindi namin namalayan na palubog na ang araw.

Ilan sa amin ngayon ang nakatambay lang sa terrace habang pinapanood ang sunset, kasama na ako roon.

Wala rin namang gaanong ganap buong araw. Lahat kami ay literal na nagpahinga lang talaga. Madami sa amin ang halos buong araw ay pagtulog lang ang ginawa, ang iba naman ay tahimik at mukhang malalalim ang iniisip, ang mga magkakaibigan o magkaka-close naman ay nagkuwentuhan lang tungkol sa karanasan nila sa huling laro.

Kinukuwento nila kung gaano sila kasuwerte sa mga napupuntahan nilang room o kung gaano kamalas, lalo na si Caden. Siya ang pinakamaingay at kanina pa idinadaldal ang nangyari sa kaniya.

"Hindi pa rin ako maka-move on! Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako n'ung dice, eh! Kung saan-saan ba naman ako dinadala!" pagkukuwento nito.

"Minsan nga ay kinakabahan ako dahil baka maubos ang oras nang hindi pa ako nakakarating sa tamang room at matulad ako kay Erico," pagpapatuloy niya.

"Kumain ka na nga lang, napakadaldal mo." Tinakpan ni Patrick ang bunganga ni Caden ng tinapay para tumahimik na.

Napatawa nang bahagya ang ilan sa amin dahil sa naging itsura ni Caden.

Muling tumahimik ang paligid. Wala naman kaming mga ginagawa, naka-upo at nakatayo lang kami habang pinapanood ang paglubog ng araw.

Sadyang may sarisarili lang kaming mga iniisip kaya hindi awkward o big deal sa amin ang katahimik dahil maingay naman ang laman ng utak namin.

Ang daming what ifs.

What if hindi ako sumali at naghanap na lang ng matinong trabaho? Bayad na kaya kami sa utang at hindi ako nato-trauma ngayon?

What if hindi ako manalo? Paano na lang ang pamilya ko? Ni hindi man lang nila alam na may nangyayari na sa aking ganito.

What if ako na pala ang mamamatay sa next game? Sigh. Ayaw ko pa. Hindi pa ako handa.

What if manalo nga ako? Magagawa ko pa bang maging masaya kung dala-dala ko ang mga alaala ng nangyayari sa akin ngayon?

What if isuko na namin 'yung pera?

What if magtulong-tulong na lang kami para makaalis nang ligtas dito?

What if magsumbong kami sa mga pulis?

What if lumaban kami?

Ang daming tumatakbo sa isip ko. Ang gulo-gulo. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

Magpatuloy kahit na alam kong matalo o manalo man ako ay hindi naman ako magiging masaya nang buo? O lumaban kahit alam kong mas malaki ang posibilidad na mas mapahamak lang ako, kami? Ano ba ang tamang gawin?

Napahawak ako sa ulo ko at minasahe iyon. Sumasakit ang ulo ko kakaisip.

"Bri, are you okay?" Nilingon ko si Missy na katabi ko lang.

"Ahh oo, sumasakit lang ang ulo ko kakaisip sa mga nangyayari," sagot ko at pilit na ngumiti.

"I feel you, kanina ko pa rin iniisip kung bakit ba ako sumali rito- I mean, alam ko naman, para sa college tuition ng kapatid ko pero ang iniisip ko ay worth it ba?" saad niya, hindi ako nagsalita at nakinig lang.

"I mean- mahal ko ang kapatid ko, sobra, pero iniisip ko kung bakit ako nauwi sa ganitong desisyon, like- pwede naman ako maghanap ng trabaho right? Umutang or what, pero bakit ako nauwi sa pagbubuhis ng buhay ko?" Napabuntong hininga siya.

"'Tsaka, hindi ko man lang naisip na kapag hindi ako nanalo rito ay wala na siyang aasahan. Hindi naman kami iniintindi ng ama naming lasinggero. Nag-aalala ako dahil baka matulad lang siya sa lalaking 'yon," dagdag niya.

"Siguro, sadyang pagod na tayo magtrabaho at sumubok nang sumubok? Pagod na tayo sa reality kaya ito ang naging choice natin. Akala natin easy money pero buhay na pala natin ang nakataya." Ako naman ang nagsalita at pinakinggan niya naman ako.

"Siguro pagod na tayo sa routine ng buhay natin, na araw-araw ay paulit-ulit lang ang nangyayari, puro problema, puro sakit, nakakasawa na 'yung pakiramdam," dagdag ko.

"Hindi siguro tayo aware na may parte sa atin na inisip na pwedeng maging escape natin ang larong 'to sa nakakapagod na routine na 'yon." Nilingon namin parehas si Sendrick na nakikinig pala sa amin dahil nasa likod lang namin siya.

"Hindi natin alam na mas malala pa pala 'to sa reality," saad naman ni Missy.

"Well, I think if suicidal ka much better 'to kaysa sa reality, tulad na lang ni Oscar, pagod na siguro siya sa reyalidad kaya siya sumali rito." Muli kaming tumahimik matapos magsalita ni Sendrick.

Hindi ako puwedeng magpakamatay, madaming may kailangan sa akin sa labas ng larong 'to. Sila ang dahilan ng pagsali ko, kaya sila rin ang dahilan para hindi ako sumuko sa larong 'to.

Tama. Sila lang dapat ang isipin ko. Sa kanila lang dapat ako magfocus. Sila lang ang importante sa ngayon dahil paniguradong sila rin ang magliligtas sa akin dito.

Ang pag-iisip sa pamilya ko ang magliligtas sa akin sa larong 'to.

I need to focus.

Lumipas muli ang ilang oras. Gabi na at nakahiga na kaming lahat sa kaniya-kaniya naming mga kama.

Muling naglakbay ang isip ko, bumalik ito sa iniisip ko kanina. Ang pamilya ko.

"You just need to focus, Bri. To survive this game, you need to think of what is the main reason ng pagsali mo rito," bulong ko sa aking sarili.

Don't give up, just focus at isipin mo kung ano ang nagtulak sa iyo para gawin ang bagay na 'to. THAT, will help you continue.

LEVEL 31 (ONGOING)Where stories live. Discover now