» 39. LEVEL TEN - THE GAME (PART ONE)

54 3 0
                                    

Makikita sa harap ng mga players ang isang napakalaking puting pinto. Lahat sila ay nakatayo lamang sa harapan nito at pimagmamasdan ang mala-higanteng pinto.

"'Pag ako nagpagawa ng bahay- I mean mansion someday, I want my main door to be as big as this," namamaghang saad ni Anna habang nakatingala sa malaking pinto.

"Kung makakaalis ka pa rito." Inirapan niya na lang si Patrick na nasa kaniyang gilid dahil sa sinabi nito.

"Badtrip naman si Ace, guessing game na naman," naiinis na bulong ni Ebony.

"Badtrip talaga, hula skills sa exam lang meron ako, e, ikaw ba?" pagsabat naman sa kaniya ni Caden na halos kalapit niya lang.

"Buti ka pa nga may hula skills, eh ako kahit sa exam palpak manghula, eh." Natawa na lang sila parehas sa naganap na usapan.

"Hello, Players."

Napatingala ang mga players nang marinig nila ang boses na iyon. Nanggagaling ito sa mga speakers sa paligid na ngayon lang nila napansin.

"Before we start the game, let me remind you again the rules for this level."

Muling binanggit ng nagsasalita sa speaker ang rules ng laro. Tahimik na nakinig naman ang players sa mga sinasabi nito.

"Now, let the game begin. Good luck, Players!"

Pagkatapos ng mga huling salita na binaggit ng kung sino man sa speaker ay dahan-dahang nagbukas ang mala-higanteng pinto na kanina pa nila tinitingnan. Nagsimula na ring pumasok ang players saka pinagmasdan ang loob.

Nagkatinginan silang lahat nang makita ang tatlong pinto sa harapan nila.

Ang nasa gitnang pinto ay kulay puti, ang nasa kanan nila ay kulay pula, at ang nasa kaliwa naman nila ay kulay asul. Lahat iyon ay walang kahit anong disenyo.

Nauna nang magdesisyon si Patrick. Walang alinlangan itong pumasok sa asul na pinto.

"Woah!" sigaw niya dahilan para mapabaling sa kaniya lahat ng paningin ng ibang players.

Nilingon niya ang mga ito. "No worries, guys. Nagulat lang ako sa hagdan kasi muntik na akong mahulog hehe," saad niya sa mga ito saka dumiretso pababa.

Sumunod sa kaniya ang ibang players na sina Clara, Edith, Raquel, Sendrick, at Zack. Magkakasunod silang bumaba ng hagdan.

Inilibot nila ang kanilang paningin sa buong room ngunit walang kahit ano roon maliban sa dalawa pang pinto. Ang unang pinto ay kulay pink na may maliliit na bungo bilang disenyo nito at ang ikalawang pinto naman ay kulay black na may iba't ibang kulay ng tulips.

"I love tulips so I'll go here." Hindi na nag alinlangan pang pumasok si Clara sa kulay itim na pinto ngunit pagkabukas nito ay nagsigawan silang lahat nang may nagsilabasang mga insekto at naglipran ito sa buong kuwarto. Nagsigapangan ang mga ipis sa sahig at pader, at kung ano-anong insekto ang lumilipad gaya ng langaw, lamok, bubuyog, at kung ano-ano pa na hindi nila mawari dahil sa dami.

Nabitawan ni Clara ang door knob dahilan upang mas lumawak pa ang bukas ng pinto at mas madaming insekto ang magsilabasan. Pinagkakakagat na sila ng mga ito sa iba't ibang parte ng kanilang katawan gaya ng braso at binti.

Sinubukan ni Zack na buksan ang pinto pabalik ngunit nakasara na iyon. Mabilis naman lumapit si Patrick sa itim na pintuan, bago niya iyon isara ay mabilis niya munang sinilip ang loob at nakita niyang dead end iyon.

Matapos niyang isara ang pinto ay mabilis namang binuksan ni Edith ang kulay pink na pinto, sunod-sunod silang pumasok doon at agad din isinara upang walang makasunod na insekto ngunit napatili si Raquel nang may dalawang ipis na gumapang sa sahig at nakasunod sa kanila. Magkasabay na tinapakan naman iyon nina Sendrick at Zack.

LEVEL 31 (ONGOING)Where stories live. Discover now