» 18. LEVEL FIVE - THE GAME (SET THREE)

91 17 4
                                    

"Nasaan si Brinsley?"

Iyon agad ang mga salitang lumabas sa bibig ni Archer nang magising siya sa safe room. Ang mga nakasama niya na kalaro niya sa set two ay sina Anna, Ziah, Edith at Ebony.

L E V E L 0 5
ICE ICE WATER
17/26

Kasabay ni Archer si Ebony na agad na tumingin sa screen. Makikita rin sa mukha ni Ebony na nag-aalala siya sa mga manlalaro na maglalaro sa set three. Sa isip niya ay paulit-ulit siyang nagdadasal na sana ay makaligtas silang lahat kahit na alam niya naman na imposible iyon.

Lahat ng atensiyon nila ay nasa screen lang at pinapanood na ang mga manlalarong magsisimula na muling maglaro.

"Viva..."

Lahat ay alerto at halatang naka-focus sa sinasabi ng boses.

"Sit!" Lahat sila ay sabay-sabay na umupo. Tiningnan pa nila ang bawat isa para tingnan kung sino ang nahuli pero mukhang wala. Walang nahuli.

Tumayo muli ang sampung manlalaro at saka hinintay ang sasabihin ng boses.

"Viva... indian sit!"

Nagpanic ang lahat pero sa huli ay nagawa naman nila kung ano ang inuutos maliban kay Ollie. Hindi kasi agad ito naka-upo kaya nang mag indian sit ang siyam na manlalaro ay naka-upo pa lang siya. 'Yong normal na upo.

"Potek! Argh!" Halatang naiinis si Ollie sa kaniyang sarili. Lahat ng ibang manlalaro ay nakatingin lang sa kaniya. May parte rin sa kanila na kinakabahan na dahil alam nilang palaban din si Ollie pagdating sa laro.

"Humanda kayo!" Pananakot pa sa kanila ni Ollie. Ilang segundo lang ang nakalipas at namatay na ang ilaw saka muling lumiwanag.

Nasa isang playground sila. Malawak na playground. May mataas din itong fence sa paligid para hindi sila makalabas. May swing, may slide at may seesaw. Mayroon ding merry go round, jungle gym at spring rider. May ilang bench din sa paligid, may mga puno at may maliit na fountain sa gitna. Malawak ang play ground pero mas malawak ang parking lot sa set two.

"Set three. Ollie Palma needs to ice five players when the time is up. Ollie Palma only have fifteen minutes to ice the players.

Nagsalita muli ang boses at sinabing maari nang tumakbo ang mga manlalaro. Si Ollie naman ay pinagmamasdan lang ang paligid habang inihahanda ang kaniyang sarili. Nagstretching pa siya saglit bago magring bell hudyat na simula ang laro.

SET THREE
00:14:59

Ice-d Players
0/5

Mabilis ang paggalaw ng mga paa ni Ollie. At dahil nga hindi naman sobrang lawak ng playground ay natatanaw niya lahat ng manlalaro kaya naman hindi sobrang hirap ng laro para kay Ollie.

Ayaw niyang pahirapan ang sarili niya kaya naman ang balak niyang unahin ay si Hazel. Nahihirapan kasi itong tumakbo o kahit maglakad.

Nanlaki naman ang mga mata ni Hazel nang makitang sa kaniya papunta si Ollie. Magtatago pa lang sana siya sa likod ng slide pero mukhang hindi na niya magagawa iyon.

Gusto niya na lang ma-iyak dahil sa kalagayan niya. Simula pa sa set one ay siya na palagi ang unang na-a-ice. Naaawa na siya sa sarili niya at hindi niya rin maiwasang hindi kabahan dahil kung hindi pa siya makaliligtas sa set four ay ma-e-eliminate na siya.

LEVEL 31 (ONGOING)Where stories live. Discover now