» 33. LEVEL EIGHT- GAME OVER

43 5 4
                                    

C O N G R A T U L A T I O N S !

L E V E L 0 8 ✓

23/31

Althea S. de Vera

Anna C. Herrera

Archer T. Gracia

Brinsley B. Flores

Caden A Cruz

Chad D. Javier

Clara O. Ponce

C̶l̶e̶o̶ C̶. A̶n̶d̶a̶y̶a̶

D̶a̶v̶i̶s̶ G̶. O̶r̶t̶i̶z̶

Ebony M. Cortez

Edith M. Rosales

Ellery T. Silva

E̶m̶b̶e̶r̶ M̶. Y̶b̶a̶ñ̶e̶z̶

Erico I. Gil

G̶r̶a̶n̶t̶ R̶. S̶m̶i̶t̶h̶

H̶a̶z̶e̶l̶ V̶. S̶e̶v̶i̶l̶l̶a̶

Matt D. Francisco

Missy C. Torres

Mio D. Salazar

Ollie O. Palma

Oliver P. Vargas

O̶s̶c̶a̶r̶ A̶. C̶h̶u̶a̶

Patrick D. Mendez

Raquel M. Valdez

R̶o̶s̶e̶t̶t̶e̶ P̶. V̶e̶r̶g̶a̶r̶a̶

Sendrick A. Ilagan

T̶h̶a̶l̶i̶a̶ P̶. B̶l̶a̶n̶c̶o̶

Wilver P. Bautista

Zabelle G. Alonso

Zack S. Gomez

Ziah C. Trinidad

Thank you for being part of the game,
Grant R. Smith

~•~

Brinsley

Kanina pa kami nakabalik galing sa laro. Tapos na rin kaming kumain at ngayo'y kaniya-kaniya na lang ang pag-aayos ng sarili para sa pagtulog.

Rest day rin namin bukas kaya maagang nagpahinga ang lahat.

"Love, okay ka lang?" Rinig kong tanong ni Zabelle kay Erico.

Kanina pa kasi ito tahimik at tulala, minsan pa ay nakatitig lang kay Zabelle at mukhang malalim ang iniisip.

"I'm okay, love. Sige na, matulog ka na," sagot nito kay Zabelle.

Simula nang makapasok si Erico sa safe room ay wala pa itong ibang kinakausap kun'di si Zabelle. Wala kaming ideya kung anong nangyari sa kanila ni Grant sa loob.

Pero kahit wala mang nangyari sa kanila ay hindi ko pa rin siya masisisi kung mapapaisip na lang siya sa mga nangyari. Isipin mo 'yon, dalawa na lang kayong natira at ikaw ang nakaligtas. Parang hindi mawawala sa isip mo na sisihin ang sarili sa pagkamatay ng kasama mo.

Matagal-tagal na rin kami rito sa laro pero hindi pa rin naman kami sanay na halos araw-araw namamatayan kami ng kasama.

Napa-isip tuloy ako sa sitwasyon ni Erico. Hindi rin pala 'yon madali. Dahil siya ang huling nakasama o pwedeng huli ring nakausap ni Grant bago siya mamatay.

Kung tutuusin ay strangers kaming lahat dito dahil ilang linggo pa lang naman kaming magkakasama. Pero kami-kami rin pala ang huling magkakasama bago kami mawala sa mundong 'to.

Well, maliban sa mananalo siyempre.

Ako kaya? Kung hindi man ako manalo, sino kaya sa kanila ang huli kong makakasama, makikita, o makakausap?

Or mayroon kaya sa kanila na ako ang huling makakasama bago sila mawala?

"Brinsley." Napatigil ang pag-iisip ko nang tawagin ako ni Chad.

Nilingon ko ito. "Bakit?"

"Are you feeling okay?" seryosong tanong niya.

Tumango ako. "Oo, okay lang ako. Bakit mo natanong?"

"Nothing. Naalala ko lang 'yung nangyari sa'yo kanina," sagot nito.

"Alin?"

"'Di ba natuklaw ka. I'm just making sure that you are fully okay. Wala kasi akong tiwala ro'n sa gamot," sagot niya.

"Ahh hahaha, don't worry, okay lang ako. Wala naman akong kakaibang nararamdaman," saad ko.

"Good," huli niyang sabi bago siya nahiga at natulog.

Napatingin ako sa binti ko kung saan ako natuklaw kanina. Hinipo ko iyon. Wala naman iyong iniwan na scar or kahit anong bakat na natuklaw ako. Hindi rin siya masakit o makati. Parang walang nangyari sa binti ko.

Nahiga na rin ako at natulog na. Sana ay mabagal ang oras bukas para makapagpahinga kami nang maayos.

LEVEL 31 (ONGOING)Where stories live. Discover now