» 36. LEVEL NINE - THE GAME

49 4 2
                                    

"Buti na lang wala akong megalophobia," bulong ni Oliver habang nakatingin sa napakalaking color wheel na nasa harapan nila.

Nasa isang malaking stadium sila. Lahat ng players ay nasa gitna habang ang mga upuan sa paligid ay puno ng mga lalaking naka-itim na tila tumatayong audience nila.

May limang black men na lumapit sa kanila. Pinaghiwahiwalay sila ng mga ito at pinatayo paharap sa malaking color wheel na nasa gitna rin ng stadium.

Matapos silang ayusin ng mga ito ay binigyan sila ng maliit na tablet. Makikita sa taas ang mga salitang 'CHOOSE A COLOR' at sa ilalim naman nito makikita ang mga maliliit na bilog na iba-iba ang kulay.

Nagulat ang mga players nang may malakas na tunog ang pumalibot sa buong stadium. Hudyat pala iyon na simula na ang laro.

Lahat ay nakatuon ang pansin sa kani-kanilang mga tablet. Ang kaninang kulay itin na 'CHOOSE A COLOR' ngayon ay naging rainbow color na.

Nabawasan din ang bilang ng mga bilog at naging dalawa na lang iyon, kulay asul at kulay pula. May timer sa bandang ibaba ng screen, nine seconds. Kailangan na nilang makapili bago pa matapos ang timer.

Matapos makapili ng lahat ay lumabas ito sa isang screen katabi ng color wheel na ngayon lang nila napansin. Nakalagay doon kung ano ang piniling kulay ng players.

RED:
Althea
Chad
Clara
Edith
Erico
Matt
Mio
Ollie
Raquel
Zack

BLUE:
Anna
Archer
Brinsley
Caden
Ebony
Ellery
Missy
Oliver
Patrick
Sendrick
Wilver
Zabelle
Ziah

Nagsimula nang umikot ang color wheel. Walong hati iyon kung saan puro asul at pula ang kulay. First round pa lang ngunit madamj na ang kinakabahan sa unang pag-ikot ng wheel.

Unti-unti na itong bumabagal at lahat ay inaabangan kung anong kulay ang tatapatan ng arrow.

Mayamaya lang ay tumigil na ito. Ang tinapatan ng arrow ay kulay pula.

RED = SAFE

Napa-'yes' ang ilan sa mga pumili mg red. Nakangiti sila habang inihahatid sila ng black men sa safe room kung saan may maliit na screen, mapapanood doon ang nagaganap na laro.

Ngunit hindi lahat ng pumili ng red ay sobra ang saya. Tulad ni Erico na nag-aalala sa kaniyang nobyang naiwan sa laro, at si Chad na naguguluhan kung bakit parang gusto gusto niyang mag-stay sa laro. Ganoon din si Althea, masaya siya ngunit may konting parte sa kaniya na nag-aalala sa kaniyang mga kaibigan.

Nang makapasok na ang lahat ng pumili ng colof red sa safe room ay muling pinapili ang mga natira.

Nadagdagan ang mga kulay na pagpipilian. Asul, Pula, at Dilaw ang mga kulay.

Muling naging rainbow color ang mga salitang 'CHOOSE A COLOR', nagsimula na rin ang nine-second timer at nagsimula nang pumili ng kulay ang mga player.

"Shit, isa lang 'yung nadagdag na color pero bakit ang hirap na agad pumili," bulong ni Patrick.

"What if red piliin ko? Kasi red 'yung color na naging safe last round?" saad ni Anna sa kaniyang sarili.

"Hmm, it's either blue or yellow, right? kasi alanga namang color red ang safe sa last round then color red pa rin ngayon?" bulong ni Missy habang nakakunot ang noo.

"Eeny meeny miny mo, edi color yellow!" saad ni Caden.

Bago pa man matapos ang timer ay nakapili na lahat ng players.

RED:
Anna
Oliver
Sendrick

BLUE:
Archer
Brinsley
Ellery
Missy
Patrick

YELLOW:
Caden
Ebony
Wilver
Zabelle
Ziah

LEVEL 31 (ONGOING)Where stories live. Discover now